BATAAN FISHERMEN NAGSUKO NG P1.5-B HALAGA NG SHABU

HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 222.655 kilo ng umano’y shabu na nadiskubre ng sampung mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa kanlurang bahagi ng Masinloc sa Bataan. Nabatid na nakuha ng mga mangingisda ang sampung sako ng shabu na unang iniulat na siyam na sako, bandang alas-5:30 ng hapon noong Huwebes, Mayo 29, 2025, at agad nilang ibigay-alam sa Philippine Coast Guard, pagdaong nila sa aplaya bandang alas-4:05 ng hapon noong Lunes, Hunyo 2, matapos ang kanilang pangingisda. Tinatayang may street value na aabot sa P1.5 bilyon…

Read More

PANUKALANG PAGDEDEKLARA NG STATE OF IMMINENT DISASTER SUPORTADO NG NDRRMC

KINATIGAN ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang isinusulong na panukalang batas hinggil sa peligrong dulot ng mga kalamidad gaya ng bagyo, baha at mga landslide. Ito ang dahilan kaya nanawagan sa mga mambabatas ang operating arm ng NDRRMC na Office of Civil Defense (OCD) na agarang isabatas ang Senate Bill 2999, na layong pahintulutan ang pagdeklara ng “state of imminent disaster” bago pa man tumama ang sakuna sa bansa. Nabatid na lubhang lantad ang Pilipinas sa mga kalamidad kada taon kaya may kinakaharap itong humigit sa 20…

Read More

MGA BAKLAS PLAKA NADISKUBRE SA JUNK SHOP SA TONDO

DALAWANG kabataan ang dinampot ng mga awtoridad habang isa ang kinasuhan ng anti-fencing law dahil sa nadiskubreng ‘baklas-plaka’ sa isang junk shop sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw. Hindi na pinangalanan ang dalawa dahil kapwa menor-de-edad ang mga ito habang ang isang alyas ‘Arlou’, 31-anyos, binata, stay in sa nabanggit na junk shop, ang kinasuhan dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1612, o ang anti-fencing law. Batay sa ulat ni Chief Master Sergeant Gener De Guzman kay Lieutenant Merbarjin Alihuddin, hepe ng Tayuman Police Community Precinct na sakop…

Read More

Itinuturing na National Public Health Emergency KASO NG HIV SA PHL TUMAAS NG 500% – DOH

IMINUNGKAHI ng Department of Health (DOH) na maging National Public Health Emergency ang problema sa HIV o human immunodeficiency virus sa bansa. Bunsod ito ng pagsirit ng kaso ng HIV na tumaas ng 500% at ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng sakit sa Western Pacific Region. Sa datos ng DOH, nasa 57 na ang kumpirmadong kaso ng HIV kada araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Payo ng DOH sa publiko, magpa-HIV test dahil libre ito at confidential. Pinapayo rin nila ang paggamit ng condom,…

Read More

LGUs PINAGHAHANDA SA HABAGAT SEASON

ALINSUNOD sa ibinabang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr., inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na paghandaan ang epekto ng iiral na Southwest Monsoon (Habagat) kasunod ng abiso ng state weather bureau na mararanasan ang malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat. Ayon sa DILG, kailangang paghandaan ng mga lokal na pamahalaan ang posibleng epekto ng masamang panahon dulot ng habagat. Ito ay kasunod ng pagdeklara ng PAGASA ng opisyal na pagsisimula nang tag-ulan. Sa isang memorandum, inatasan ng…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA TATAWID SA 2OTH CONGRESS – CHIZ

(DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senate President Francis Chiz Escudero na maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Gayunman, sinabi ni Escudero na wala ring makapipigil sa mga senador na miyembro ng 20th Congress na talakayin muli ang legalidad ng pagtawid ng proceedings. Nasa kamay rin anya ng mayorya ng mga senador sa 20th Congress ang pagdedesisyon kung itutuloy ang trial. Ipinaliwanag ng Senate leader na hindi naman sila maaaring bumuo ng mga regulasyon o gumawa ng anomang aksyon na magtatali sa kamay ng…

Read More

IMEE MARCOS KINASTIGO SA KAWALAN NG HUSTISYA AT ACCOUNTABILITY

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Senator Imee Marcos matapos niyang ideklarang ‘patay’ na ang impeachment case laban sa kanyang kaibigang si Vice President Sara Duterte-Carpio kahit hindi pa nasisimulan ang paglilitis. “Ito ang hirap sa mga taong hindi sanay na pinapanagot sa mga kasalanan sa bayan tulad ni senadora Marcos at VP Duterte. Akala nila na kahit magnakaw sila at ang kanilang pamilya ng bilyun-bilyon ay ok lang ito basta magpakalat lang sila ng fake news at disinformation para linlangin ang mga tao,” punto ni ACT party-list representative…

Read More

KAHIT NAUDLOT EDSA REHAB, NCAP TULOY – DOTr

IPINAGPALIBAN man ang rehabilitasyon ng EDSA, tuloy naman ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP. Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, hindi limitado sa EDSA ang NCAP at isa itong mas mainam na paraan ng pagpapatupad ng batas-trapiko. Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang buwang pagkaantala ng proyekto upang pag-aralan kung may mas bagong teknolohiya na maaaring gamitin para mapabilis ang rehabilitasyon ng 23.8-kilometrong kalsada. Ang rehabilitasyon ng EDSA ay inaasahang magdudulot ng matinding trapiko at nakatakdang tumagal hanggang taong 2027. Pinigil Na…

Read More

FACE MASK WA EPEK SA MPOX – DOH

TALIWAS sa paniwala ng marami, hindi epektibong proteksyon laban sa monkeypox o mpox ang pagsusuot ng face mask. Paglilinaw ng Department of Health (DOH), ang sakit ay naipapasa sa pakikipagyakapan at halikan. Ayon kay DOH spokesperson Dr. Albert Domingo, hindi airborne ang mpox kaya’t hindi face mask ang pangunahing pansalag dito. Nabatid na ang mpox ay naipapasa sa pamamagitan ng physical contact, gaya ng balat-sa-balat, paghalik, o pagyakap kahit na walang pagtatalik. Kasabay nito’y pinakalma ng ahensya ang publiko dahil bagaman tumataas umano ang kaso ng mpox, mas mababa pa…

Read More