BALIGOD, 18 EX-MARINES MULING INIREKLAMO NG PERJURY, CYBERLIBEL SA DOJ

NAGSAMPA ng reklamong perjury at cyberlibel sa Department of Justice (DOJ) si Iloilo City Lone District Rep. Julienne Baronda laban kay Atty. Levi Baligod at 18 dating miyembro ng Philippine Marines. Nag-ugat ang kaso sa pagkakadawit umano ni Baronda sa alegasyon ng pagtanggap ng maleta-maleta umanong pera bilang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan, kabilang ang flood control projects. Ayon kay Atty. Jeric Jucaban, abogado ng kongresista, pormal nang inihain ang mga reklamong perjury at cyberlibel laban sa mga respondent. Sinabi naman ni Baronda na posibleng nadamay ang kanyang pangalan…

Read More

PANGAKONG DONASYON NG DOH SA WHO PINASISILIP

NAIS ni Senior Citizens Party List Representative Rodolfo “Ompong” M. Ordanes na silipin ng Kamara ang $10-milyong ipinangako ng Department of Health (DOH) na iaambag sa World Health Organization (WHO). Sa kanyang House Resolution No. 1072, sinabi ni Ordanes na ang naturang halaga ay nakalaan upang suportahan ang 2025-2028 14th General Programme of Work ng WHO. Ayon sa mambabatas, ang pangakong ambag ng DOH ay inanunsyo sa isinagawang 75th Western Pacific Regional Committee noong Oktubre 2024. Sinabi pa ni Ordanes na bagamat mahalaga ang pagsusulong ng mga pandaigdigang inisyatiba para…

Read More

CAYETANO NANATILING SENATE PRESIDENT; PAGLUKLOK KAY GATCHALIAN, ‘ILLEGAL AT UNCONSTITUTIONAL’

MARIING kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok kay Senador Win Gatchalian bilang acting Senate President Pro-Tempore at iginiit na siya pa rin ang lehitimong pinuno ng Senado. Sa isang livestream, sinabi ni Cayetano na walang bisa at labag sa Konstitusyon ang hakbang ng 12 senador dahil wala umanong sapat na bilang upang magsagawa ng pagbabago sa liderato ng kapulungan. Ayon kay Cayetano, kinakailangan ang boto ng 13 senador o mayorya ng 24 na miyembro ng Senado upang mapatalsik ang isang opisyal o makapaghirang ng kapalit…

Read More

KALINGA BILL LUSOT NA SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukalang magtatatag ng permanenteng pambansang framework para sa pagtugon sa fuel-driven inflation, krisis sa enerhiya at mga aberya sa suplay ng mga pangunahing bilihin. Sa botong 294 pabor, tatlo ang kontra at walang abstention, ipinasa ng Kamara ang House Bill No. 9305 o ang “Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo at Goods Assistance (KALINGA) Act.” Pangunahing may-akda ng panukala sina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos, kasama ang 156 iba pang mambabatas bilang…

Read More

SURPRISE APPEARANCE NI CHIZ SA SESYON, NAGRESULTA SA PANIBAGONG KUDETA SA SENADO

NATAPOS ang ilang araw na impasse sa Senado sa biglaang pagdalo ni Senador Francis Chiz Escudero at binuksan ang sesyon. Pasado alas-3:20 ng hapon nang dumating si Escudero sa plenaryo kaya’t sinimulan ang sesyon at nagsilbing presiding officer si Senador Sherwin Gatchalian. Sa mosyon ni Senador Vicente Tito Sotto III, idineklarang bakante ang lahat ng position sa Senado mula sa Senate President Pro Tempore pababa. Inihalal ng 12 senador si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President habang si Senador Juan Miguel Migz Zubiri bilang Senate Majority…

Read More

LINO CAYETANO ITINALAGA NI PBBM BILANG PTV-4 GENERAL MANAGER

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si film at television director at dating Taguig City Mayor Lino Cayetano bilang bagong general manager ng state-run People’s Television Network o PTV-4. Inanunsyo ang appointment ni Cayetano ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez. Ayon kay Gomez, taglay ni Cayetano ang “rare wealth of experience from the media, the private, and the public sector” na makatutulong upang lalo pang mapaunlad ang operasyon ng PTV-4 sa larangan ng multimedia. Si Cayetano ay may-ari ng Rein Entertainment at nagsilbing alkalde ng Taguig City…

Read More

PARUSA IPINATAW KAY SUNTAY SA KONTROBERSYAL NA KOMENTO KAY ANNE CURTIS

PINATAWAN ng disciplinary action ng Kamara si Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay dahil sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa aktres na si Anne Curtis-Smith. Sa pagpapatibay ng Committee Report No. 299, bumoto ang Kamara ng 263 pabor, walong tutol at pitong abstention upang katigan ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges. Ayon sa komite, nagkasala si Suntay ng disorderly behavior at conduct unbecoming of a member of Congress dahil sa kanyang mga naging pahayag noong pagdinig ng House Committee on Justice noong Marso 3, 2026 at…

Read More

OBSTRUCTION OF JUSTICE ISINAMPA VS CAYETANO, ROBIN, APLASCA

NAGHAIN ang grupong TINDIG Pilipinas ng reklamong obstruction of justice sa Office of the Ombudsman laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Senador Robin Padilla at suspendidong Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. Kaugnay ito ng umano’y naging papel ng mga opisyal sa pagtulong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto sa loob ng Senado sa kabila ng inilabas na arrest warrant laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC). Ayon sa grupo, ang reklamo ay bunga ng pagkabahala ng publiko sa mga ulat na posibleng may naging partisipasyon…

Read More

LUMALALANG GULO SA SENADO ISINISI SA MINORITY

TAHASANG sinisi ng mga kaalyado ng Majority Bloc sa Senado ang Minority Bloc sa lumalalang tensyon sa kapulungan at tinawag na “pagmamalinis” ang mga akusasyong sila umano ang dahilan ng pagkaantala ng mga mahahalagang panukala. Ayon sa mga miyembro ng mayorya, hindi makatarungan ang pagbibintang ng minorya na sila ang responsable sa mabagal na usad ng lehislasyon sa Senado. Iginiit nila na si Senate President Alan Peter Cayetano ay naupo lamang sa puwesto noong Mayo 11 at minana ang mga panukalang matagal nang nakabinbin sa nakaraang liderato. Binatikos din ng…

Read More