PNP HANDA NA SA SEGURIDAD SA SONA

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kumpleto na ang lahat ng security preparations para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Ayon sa PNP, wala silang namo-monitor na validated threat kaugnay ng SONA, ngunit mananatiling nakaalerto ang kapulisan at iba pang law enforcement agencies laban sa anumang posibleng banta sa seguridad. Nagdeploy ang PNP ng mahigit 20,000 pulis upang magbigay ng seguridad sa mga pangunahing lugar habang isinasagawa ang SONA at hanggang sa ligtas na…

Read More

TULFO: SENATE ENERGY COMMITTEE TUTUTOK SA PRO-CONSUMER POLICIES

NAGHAIN si Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo ng Senate Resolution No. 535 upang imbestigahan ang paulit-ulit na biglaang pagtaas ng singil sa kuryente (bill shocks), na naglalayong makabuo ng pro-consumer na polisiya para permanenteng maresolba ito. Tinukoy ni Tulfo ang mga paulit-ulit na reklamo mula sa iba’t ibang sektor na pumapasan sa mabigat na epekto ng biglaang pagtaas ng singil sa kuryente, pagiging komplikado ng billing statement, hindi tamang pagbasa ng metro, at power interruptions. Sa kabila ng kabi-kabilaang reklamo at isyu sa kuryente, kinikilala ng Senador na…

Read More

MAHIGIT 1,300 PULIS SINIBAK SA PATULOY NA INTERNAL CLEANSING NG PNP

MAHIGIT 1,300 pulis ang sinibak sa serbisyo bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing drive ng Philippine National Police (PNP). Batay sa inilabas na datos ng PNP, nasa 1,307 personnel ang na-dismiss matapos maresolba ang libo-libong administrative cases mula Agosto 26, 2025 hanggang Hulyo 15, 2026. Bukod sa mga nasibak, 237 ang nademote at 2,108 ang nasuspinde, habang ang iba ay pinatawan ng forfeiture of salary at reprimand. Sa kabuuan, 4,534 personnel ang napatawan ng administrative penalties matapos maresolba ang 3,903 administrative cases. Ayon kay PNP Chief Police Gen. Jose…

Read More

MGA KAANAK NG POLITICAL PRISONERS NAGPASAKLOLO SA DOJ

HUMINGI ng tulong sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng ilang political prisoners upang ipahinto ang umano’y sapilitang paglilipat ng mga bilanggo sa malalayong regional penal colonies. Naghain sila ng urgent petition sa DOJ upang manatili sa New Bilibid Prison (NBP) ang 45 political prisoners at gawing requirement ang nakasulat na pahintulot ng persons deprived of liberty (PDLs) bago ilipat sa ibang kulungan. “Very disrupted and, more than the disruption and the instability, it’s the cruelty. Napakalupit yung ginagawa nilang forcible na sapilitan na pagpapalipat,” ayon kay KAPATID…

Read More

UNIFIED 911 NATIONAL AWARENESS CAMPAIGN INILUNSAD

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang SM Prime Holdings Inc., ang Unified 911 National Awareness Campaign sa MOA Globe Grounds bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM). Layunin ng kampanya na palawakin ang kamalayan ng publiko sa Unified 911 bilang emergency hotline ng bansa at hikayatin ang mas maraming Pilipino na gamitin ito sa oras ng sakuna at iba pang emerhensiya. Bilang bahagi ng inisyatiba, inilunsad ang mga promotional materials sa digital billboards at mga sinehan ng SM sa buong bansa…

Read More

MAHIGIT 500 KASO NAISAMPA NA LABAN SA MGA SCAMMER; RESULTA NG AFASA – MARK VILLAR

IKINATUWA ni Senador Mark A. Villar, principal author ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), ang patuloy na resulta ng batas sa kampanya laban sa online financial crimes matapos makapagsampa ang mga awtoridad ng mahigit 500 kaso laban sa mga scammer at iba pang sangkot sa online financial fraud. Isang taon matapos maging batas ang AFASA, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakapagsampa na ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 500 kaso laban sa mga scammer, fraudsters, money mules at iba pang sangkot sa panloloko gamit ang financial…

Read More

VACC NANAWAGAN NG HUSTISYA PARA SA MISSING SABUNGEROS

NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) at iba pang law enforcement agencies na tiyaking magpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero hanggang sa mapanagot ang mga responsable. Sa isang press conference, sinabi ni VACC National President Arsenio “Boy” Evangelista na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga pamilya ng mga biktima sa kanilang paghahangad ng hustisya. Ayon kay Evangelista, nauunawaan niya ang kanilang pinagdaraanan dahil siya mismo ay naging biktima ng karahasan matapos mawalan ng anak. Hinikayat din niya ang mga…

Read More

‘RESTITUTION OMBUDSMAN STYLE’ IS A CRIMINAL ACT – TOPACIO

NAGBABALA si Atty. Ferdie Topacio na ang umano’y “restitution” na iniaalok sa mga akusado sa isyu ng mga umano’y ghost flood control projects sa Office of the Ombudsman (OMB) ay walang batayan sa batas. Ayon kay Topacio, hindi pinahihintulutan ng umiiral na batas ang ganitong uri ng kasunduan. “That (restitution) is not sanctioned by law,” ani Topacio. Ginawa ni Topacio ang pahayag matapos lumabas ang mga ulat na may mga umano’y “middlemen” na naghihikayat sa mga sangkot sa flood control anomaly na magsauli ng bahagi ng umano’y nakaw na pondo…

Read More

LGU, AYTA COUNCIL, LAND OWNER ‘WAG SISIHIN SA ISYU NG BASURA SA SUBIC – NITA

IGINIIT ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA) na hindi dapat sisihin ang lokal na pamahalaan ng Subic, ang pribadong may-ari ng lupa, at ang Ayta Ambala Council kaugnay ng pansamantalang tapunan ng basura sa Barangay Naugsol, Subic, Zambales. Ayon kay NITA Executive Director at Spokesperson Carlos Ayala, napulitika lamang ang usapin kahit ang paggamit sa lugar ay bunga ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor noong kasagsagan ng pandemya. Sinabi ni Ayala na nagsagawa ang NITA ng site inspection at nakipagpulong sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga…

Read More