PROTESTA KONTRA FOSSIL FUEL

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embassy of Japan in the Philippines noong Abril 30. Kinondena ng mga raliyista ang umano’y patuloy na suporta ng Japan sa fossil fuel initiatives at pagpapalawak ng presensyang militar sa Asia-Pacific. Binatikos din nila ang mga programang “POWERR Asia” at “AZEC,” na ayon sa kanila ay nagpapalalim sa pagdepende sa fossil fuels at pumapabor sa malalaking korporasyon. Nanawagan ang mga grupo para sa makatarungang transisyon tungo sa community-led renewable energy at pagtigil sa militarisasyon sa rehiyon. (EDD CASTRO) 270

Read More

CURLEE DISCAYA SASALANG SA OPERASYON

INILABAS kahapon ng umaga sa gusali ng Senado ang contractor na si Pacifico ‘Curlee’ Discaya para dalhin sa pagamutan dahil sa kanyang schedule na operasyon sa kanang balikat. Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, posibleng tumagal sa pagamutan si Discaya ng apat hanggang pitong araw bago muling ibalik sa Senado para sa kanyang recovery. Hindi na nakaposas nang isinakay si Discaya sa ambulansya at inilabas sa compound ng Senado na may police escorts. Tiniyak naman nina Mendoza at Senate Sgt At Arms Rene Samonte na bantay sarado pa rin…

Read More

DEPINISYON NG SC SA ‘FORTHWITH’ HINIMAY NI ATTY. INTON

NILINAW ng Supreme Court ang kahulugan ng terminong “forthwith” sa usapin ng impeachment, ayon kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa paliwanag ni Inton, ang “forthwith” ay hindi nangangahulugang agarang aksyon kundi “within a reasonable time,” na maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at diskresyon ng Senado. Binigyang-diin niya na bagama’t may itinakdang timeframe ang House of Representatives, walang eksaktong deadline para sa Senado sa pagsisimula ng impeachment trial. “While the Constitution sets a specific timeframe for the House of Representatives to act on…

Read More

REKLAMO VS CIDG IBINASURA NG NAPOLCOM; TONDO E-SABONG RAID, LEHITIMO

IBINASURA ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang reklamong isinampa laban sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region kaugnay ng e-sabong operation sa Tondo, Maynila. Sa resolusyon ng komisyon, walang nakitang probable cause upang kasuhan ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon noong Marso 24, 2026 sa Coliseo de Manila sa Vitas. Batay sa imbestigasyon ng Intelligence, Monitoring and Investigation Service (IMIS), lehitimo ang entrapment operation laban sa umano’y ilegal na online cockfighting. Nauna nang inakusahan ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang CIDG na…

Read More

HARMONIES OF HOPE, GRAND CHAMPION SA INTER-PARISH CHORALE COMPETITION

HUMAKOT ng parangal ang Harmonies of Hope Choir ng Mary Mother of the Church Parish sa Barangay Talon Dos matapos tanghaling Grand Champion sa Inter-Parish Chorale Competition sa Las Piñas City. Pinangunahan ng Villar Foundation ang taunang selebrasyon bilang paggunita kay St. Ezekiel Moreno, patron ng lungsod. Ginaganap ang kompetisyon sa San Ezekiel Oratory sa loob ng Villar SIPAG Complex, kung saan ipinamalas ng iba’t ibang parokya ang kanilang talento at pananampalataya sa pamamagitan ng musika. Dumalo sa kaganapan sina Mark Villar at Camille Villar, kasama si Villar Foundation Managing…

Read More

TAX RECORDS NI VP SARA MANANATILING SELYADO

NAGPASYA ang House Committee on Justice na panatilihing selyado ang kahon ng tax records ni Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio. Sa botong 38-6, inaprubahan ng komite ang mosyon na isama ang selyadong kahon sa opisyal na records at ipadala ito sa Senate of the Philippines kung sakaling umusad ang impeachment trial. Ang kahon ay naglalaman ng mga dokumentong isinumite ng Bureau of Internal Revenue noong Abril 22 bilang tugon sa subpoena ng Kamara kaugnay ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente. Ayon kay Manila…

Read More

DOJ NAABOT ANG 20% ENERGY SAVINGS TARGET SA WFH, SOLAR

NAABOT ng Department of Justice ang target nitong 20% energy savings sa pamamagitan ng work-from-home (WFH) setup at paggamit ng solar panels sa punong tanggapan nito sa Maynila. Mula Pebrero 26 hanggang Marso 26, bumaba ang konsumo ng kuryente sa 72,000 kWh mula 108,000 kWh, katumbas ng 33% na pagtitipid. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bahagi ito ng hakbang ng ahensya upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente dulot ng global oil crisis. Ipinatupad ang WFH sa ilalim ng Department Circular No. 10 noong…

Read More

PHLPOST PINAGTIBAY ANG SUPORTA SA MGA EMPLEYADO SA LABOR DAY

MAYNILA, Pilipinas — Muling pinagtibay ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang suporta nito sa mga empleyado kasabay ng paggunita sa Araw ng Manggagawa, at inilatag ang mga hakbang upang tugunan ang mga pangunahing isyu ng kanilang workforce. Ayon sa pamunuan, nakasalalay sa dedikasyon ng mga kawani—mula sa mga kartero na umaabot sa malalayong lugar, hanggang sa mga mail sorter, postal worker, at empleyado sa opisina—ang matagumpay na operasyon ng ahensya. “Para sa amin, ang kapakanan ng empleyado ay hindi lang tungkol sa mga programa. Ito ay tungkol sa pag-aalaga sa…

Read More

CAYETANO SUPORTADO IMBESTIGASYON SA MGA PROYEKTO NG DISCAYAS SA TAGUIG

SUPORTADO nina Senador Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga proyektong nakuha ng kontratistang Discaya sa lungsod ng Taguig. Ayon sa mag-asawang Cayetano, dapat managot ang sinomang mapatutunayang sangkot sa anomalya at korupsiyon, at wala silang planong kunsintihin ang anomang pang-aabuso sa kaban ng bayan. Nagpasalamat din ang mga opisyal sa pagbisita ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na nagsagawa ng inspeksyon sa mga proyektong napanalunan ng mga kumpanya ng pamilya Discaya. Sinabi ni Dizon na…

Read More