ININSPEKSYON ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Sarhento Mariano Cemetery nitong Miyerkoles, Oktubre 30, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapayapang pagdiriwang ng All Souls Day at All Saints Day sa Nobyembre 1 at 2. Susuriin ni Mayor Emi ang posibleng sagabal o ilegal na istruktura sa loob ng sementeryo upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita para sa lahat ng mga bisita. Nakikipagpulong din siya sa mga tauhan ng sementeryo at mga lokal na awtoridad upang pag-usapan ang mga hakbang sa seguridad at tiyakin ang maayos…
Read MoreCategory: METRO
PAGLILITIS KAY DU30, ET AL IPAUUBAYA NA SA ICC
WALANG plano ang mga abogado ng mga biktima ng extra-judicial killings na kasuhan sa local court si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil mas malaki umano ang pag-asang malitis at masentensyahan sa International Criminal Court (ICC). Ito ang binanggit ni dating Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares na naniniwalang lalong lumakas ang Crime Against Humanity laban kay Duterte dahil sa pag-ako nito ng responsibilidad sa madugong war on drug at pagkakaroon ng sariling Death Squad sa Senate Blue Ribbon committee. “Kay Duterte ICC na yan. Nandyan na ang ICC malapit nang…
Read MoreMAS MARAMING KRIMEN NOONG PANAHON NI DU30
TINAWAG ng mga kongresista sa Kamara na isang uri ng pambubudol ang ipinangalandakan ni dating pangulong Rodrigo Duterte na mas maraming krimen ngayon kumpara noong siya ang pangulo ng bansa. “Nabudol na naman tayo. Malinaw na mas mababa ang krimen ngayon kumpara noong panahon ng dating administrasyon,” ani House committee on public order and safety chair Dan Fernandez. Base aniya sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang crime index mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 ay bumaba sa 83, 059 mula sa 217, 830 sa unang dalawang…
Read MorePatunay ng mabuting pamamahala MARIKINA SUMUNGKIT NG 7 AWARDS
BILANG patunay ng kanilang mabuting pamamahala, nakamit ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang pitong parangal sa katatapos na Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG NCR) Urban Exemplar Awards Ceremony na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City. Kinilala ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit, Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT VAWC), at Peace and Order Performance Audit (POC). Nakamit din nito ang parangal bilang Highly Compliant sa Manila Bay Clean-Up,…
Read MoreINTEGRIDAD NG SENADO NAKOMPROMISO – SOLON
MAAARI pang maisalba ang reputasyon ng Senado bagaman nakompromiso ang integridad nito sa pagsali nina Sens. Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. “We believe in the sense of fairness of SP Escudero and Sen. Pimentel and the impartiality of their investigation. However, we believe that the inquiry will be tainted if Senators dela Rosa and Go continue to get themselves involved in it,” ani House committee on public order and security chairman Rep. Dan Fernandez.…
Read MoreMANDATORY EVACUATION INIUTOS BAGO DUMATING ‘TS LEON’
UPANG wala nang humabol pa sa Undas na pamilyang magluluksa, agad ipinag-utos kahapon ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang mandatory evacuations sa mga peligrosong lugar na posibleng hagupitin ng papalapit na Tropical Storm Leon. Sa 8:00 am situation report ng Office of Civil Defense, nasa 125 na ang nasawi sa nagdaang Bagyong Kristine, 28 ang nawawala habang may 115 naman ang sugatan. Paglilinaw ng ahensya, under validation pa ang bilang ng mga nasawi kaya posible pa itong madagdagan. Kahapon ay nagpalabas ng direktiba si Teodoro, Jr., na siya ring…
Read MoreFORMER ACTOR ARESTADO SA PAMAMARIL NG KABABATA
BALIK-KULUNGAN ang dating child actor matapos pagbabarilin ang kababata nito, Lunes ng gabi sa Pasig City. Ayon kay Pasig Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan, dakong alas-7:26 ng gabi, binaril ng suspek na si John Wayne Sace ang biktima na si Lynell Eugenio, 43-taong gulang ng Feliciano St., Brgy. Sagad, Pasig City. Batay sa imbestigasyon, nagkakabiruan pa umano ang magkababata ngunit nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa pinagbabaril ng suspek ang biktima sa isang eskinita malapit sa bahay nito. Tumakas ang suspek dala ang kalibre 45 na ginamit sa pamamaril.…
Read MoreDIGONG KINONTRA NG PNP SA CRIME RATE
TAHASANG sinalungat ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumaas ang crime rates sa Pilipinas ngayong administrasyong Marcos Jr. Ayon sa PNP, “crimes are down and clearance rates are up”. Base sa kanilang estadistika, nakapagtala ang PNP ng 61.87-percent pagbaba sa index crimes mula July 2022 hanggang July 2024 kumpara sa parehong panahon noong 2016 at 2018. “Our latest data indicates a substantial decline in crime rates, underscoring the effectiveness of our ongoing strategies and proactive measures,” pahayag ng PNP. Sa Senate hearing…
Read MoreBATO, GO KINASTIGO SA PAGSALI SA WOD SENATE HEARING
KINASTIGO ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go dahil sa kabila ng panawagan na mag-inhibit ang mga ito sa pagdinig ng Senate sa war on drugs (WOD) ay dumalo pa rin ang mga ito. “We strongly condemn the shameless display of partisan defense and self-serving statements made by Senators Bong Go and Ronald “Bato” Dela Rosa during the Senate inquiry into the Duterte administration’s bloody war on drugs,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Kahapon ay sinimulan ng…
Read More