MAHAHARAP sa kasong administratibo at kriminal ang Aleson Shipping Lines Inc. kaugnay sa paglubog ng kanilang passenger ferry na MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan na ikinasawi ng 52 katao, kabilang ang mga pasahero, tripulante at isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa PCG, magsasampa ng kaso laban sa shipping line pati sa ilang tauhan ng Maritime Industry Authority (MARINA) at PCG dahil sa umano’y kapabayaan na nagresulta sa trahedya. Sinabi ni Transportation Secretary Atty. Giovanni “Banoy” Lopez na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang…
Read MoreCategory: METRO
REWARD VS ATONG ANG ITINAAS SA P20-M – DILG
ITINAAS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa P20 milyon ang pabuya para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon na magtuturo sa kinaroroonan at ikaaaresto ng negosyanteng si Atong Ang. Mula sa dating P10 milyon, dinoble ang reward upang mapabilis ang pagdakip sa gaming personality na nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng mga nawawalang sabungero. Matatandaang humiling ang mga awtoridad ng Pilipinas sa Interpol na maglabas ng notice laban sa nasabing negosyante. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, magmumula ang…
Read MoreEX-FINANCE USEC: STELLA QUIMBO DAPAT MAGSALITA SA MGA ISYU NG NATIONAL BUDGET
IGINIIT ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno na dapat magsalita si dating Marikina 2nd District Representative at dating chairperson ng House Appropriations committee na si Stella Quimbo tungkol sa mga isyu at kontrobersiya sa national budget. “Ang sabi ko nga sa ending ng forum na ito, dapat pala naimbitahan din si Stella Quimbo,” sabi ni Magno, na isa sa mga panelist sa forum ng UP School of Economics tungkol sa pambansang budget. Dagdag ni Magno, bilang dating vice chairperson at chairperson ng House Committee on Appropriations, si Quimbo ang pinakaangkop…
Read MoreFREE PAY WARDS PARA SA PHILHEALTH CONTRIBUTORS PINAG-AARALAN NG DOH
PINAG-AARALAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng libreng pay wards o shared rooms sa mga DOH-run hospital para sa mga direct contributor ng PhilHealth. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos na tiyaking makatatanggap ng mas maayos na serbisyong medikal ang mga Pilipino. “Mag-uutos ito sa lahat ng DOH hospitals na maging zero balance billing ang mga pay wards para sa mga direct contributors ng PhilHealth,” pahayag ni Castro. Ipinaliwanag na ang pay wards ay hiwalay sa kasalukuyang basic accommodation na saklaw…
Read MoreIMPORTASYON NG MANOK, PINATITIGIL
MULING kinalampag ni Senador Imee Marcos ang gobyerno upang itigil ang pagmamadaling itulak ang importasyon ng manok. Iginiit ni Marcos na walang kakulangan sa suplay at sapat ang lokal na produksyon para tugunan ang pangangailangan ng bansa. Binatikos ng senadora ang umano’y pagmamanipula ng datos upang palabasing may kakulangan sa suplay ng manok sa merkado. Ayon kay Marcos, malinaw sa mismong datos ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa na maaaring tumagal ng hanggang walong buwan, batay sa tala noong Disyembre. Hindi anya makatwiran…
Read MoreNETWORK SA PH NG PEDOPHILE NA SI EPSTEIN PINABUBUNGKAL
PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Loren Legarda sa Department of Justice at National Bureau of Investigation maging sa Senate Committee on Women ang umano’y naging network at operasyon ng Amerikanong pedophile na si Jeffrey Epstein sa bansa. Sinabi ni Legarda na maghahain siya ng resolusyon para bungkalin ang sinasabing operasyon ni Epstein sa bansa noong 2010. Ayon sa senadora, ang naturang panahon ay saklaw na ng umiiral na mga batas kontra human trafficking, kaya’t mahalagang siyasatin kung paano ito nangyari at sinu-sino ang sangkot. Binanggit din ni Legarda na lumulutang sa social…
Read MorePAGKAKASAMA NG PAGBASURA SA TRAVEL TAX SA PRIORITY BILLS SA 20TH CONGRESS IKINATUWA NI CAYETANO
IKINATUWA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang paglalagay ng Marcos administration sa kanyang panukalang pagbasura sa travel tax bilang isa sa mga pangunahing panukala ng 20th Congress. Ito ay matapos ihayag ng Malacañang noong Pebrero 9, 2026 na kabilang ang naturang panukala sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). “This is good news for thousands of travelers as it will make travel more accessible for Filipinos,” ayon kay Cayetano. Inihain ng senador ang Senate Bill No. 424 noong Hulyo 10, 2025 na naglalayong pagaanin ang gastusin…
Read More24/7 BARANGAY HEALTH CLINIC NAKIKITANG SOLUSYON SA PAGSISIKIP NG PUBLIC HOSPITALS
NANINIWALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang pagkakaroon ng 24/7 health clinic sa bawat barangay ay makatutulong upang hindi na dumagsa ang mga pasyente sa mga pampublikong pagamutan, dahil agad na malalapatan ng lunas ang mga karamdaman sa mismong komunidad. Ayon kay Cayetano, napapanahon nang bigyang-pansin ng Kongreso ang kanyang inihain na Senate Bill No. 421 o ang Health Centers in All Barangays Act, na naglalayong magpatayo ng kumpleto at maayos na primary health care centers sa lahat ng barangay sa bansa na magbibigay ng 24/7 na…
Read MoreONLINE ADOPTION NG SANGGOL ILEGAL — NACC
HINDI pinahihintulutan ng umiiral na mga batas sa bansa ang pag-aampon ng sanggol sa pamamagitan ng online platforms. Ito ang iginiit ni National Authority for Child Care (NACC) Assistant Secretary Rowena Macalintal sa ginanap na Quezon City Journalists Forum nitong Martes, Pebrero 10. Ayon kay Asec. Macalintal, malinaw sa batas na ang pag-aampon ay dapat dumaan sa legal at pormal na proseso, at mahigpit na ipinagbabawal ang online adoption at pagbebenta ng sanggol. “Hindi po legal ang online adoption. Dapat po tayong dumaan sa legal na proseso para dito,” ani…
Read More