MANILA LGU PALALAKASIN ANG LABAN KONTRA BAHA

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ng Flood Monitoring Command Center ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Manila North Cemetery. Layong palakasin ng bagong pasilidad ang kahandaan ng lungsod laban sa pagbaha sa pamamagitan ng real-time flood monitoring at mas maayos na koordinasyon ng pagtugon tuwing may bagyo at malalakas na pag-ulan. Magsisilbi ang command center bilang sentro ng pagmamanman sa mga ilog, estero, at iba pang flood-prone areas sa Maynila upang mas mapabilis ang pagdedesisyon ng mga awtoridad sa oras…

Read More

MGA MAKABAYANG GRUPO KINONDENA PAMBABARAKO NG CHINA SA WEST PH SEA

NAGDAOS ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at kasapi ng iba’t ibang makabayang organisasyon at non-government organizations, sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang patuloy na pananakot at agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea. Kinondena ng grupo ang paggamit ng water cannon, pangha-harass, at iba pang coercive actions laban sa mga sundalo at mangingisdang Pilipino. Ayon sa FDNY, malinaw na paglabag ang mga ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award,…

Read More

PAGPROSESO NG BAGONG BUSINESS PERMIT SA MAYNILA, TUMAAS NG 40%

TUMAAS ng 40% ang pagproseso ng bagong business permits sa Maynila, kasabay ng malakas na renewal activity na indikasyon ng matatag na kalagayan ng negosyo sa lungsod. Iniulat ito ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Hanggang Enero 25, 2026, nakaproseso ang lungsod ng 384 bagong business permits, mas mataas kumpara sa 176 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 159 permits na ang bayad—kapantay na ng naitalang bayad noong nakaraang taon kahit mas marami ang aplikante ngayon. Samantala, umabot sa…

Read More

MAS MATAPANG NA TUGON SA CHINESE EMBASSY, IGINIIT SA KAMARA

NANAWAGAN ang mga miyembro ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng mas matapang at mas malakas na tugon mula sa pamahalaan laban sa umano’y pang-iinsulto ng Chinese Embassy sa mga opisyal at institusyong nagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y matapos ihain ang House Resolution No. 680 na humihimok sa executive department, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na kumilos nang mas mariin. “Nakita natin na naglabas na ng statements ang DFA, pero naniniwala tayo na dapat mas malakas at mas matapang pa ang tugon…

Read More

4-STAR RANK NI PNP ACTING CHIEF NARTATEZ, NAKADEPENDE SA SCHEDULE NI PBBM

NAKADEPENDE sa schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng 4-star rank kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng optional retirement ni dating PNP Chief at ngayo’y MMDA General Manager Nicolas Torre III. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, iskedyul ng Pangulo ang hinihintay para sa paggagawad ng ranggo, na gaganapin umano sa Malacañang. Kapag naigawad ang 4-star rank, ganap nang magiging PNP Chief si Nartatez na nakatakdang magretiro sa Marso 19, 2027. (TOTO NABAJA) 109

Read More

PH NAVY AT US NAVY NAGSAGAWA NG BILATERAL PATROL SA WPS

MATAGUMPAY at mapayapang natapos ang 11th Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Philippine Navy at United States Navy sa West Philippine Sea mula Enero 25 hanggang 26, 2026. Gayunman, hindi umano pinalampas ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China ang naturang aktibidad at binuntutan ang joint naval drill ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon kay Navy spokesman for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad. “Yes, as reported, we had a bilateral MCA with the US Navy participated by one Philippine Navy ship, seven aircraft, and a Coast…

Read More

PAGTATAKIP NG MUKHA SA PUBLIKONG LUGAR, BAWAL NA SA PARAÑAQUE

MAHIGPIT nang ipagbabawal sa Parañaque City ang pagsusuot ng helmet, mask, at iba pang pantakip sa mukha sa loob ng mga establisyimento at pampublikong lugar. Ito ay matapos aprobahan ang City Ordinance No. 2025-30 (69) o Anti-Face Concealment Ordinance of Parañaque City, na inakda ni Councilor Pablo Olivarez II at nilagdaan ni Mayor Edwin Olivarez noong Nobyembre 13, 2025. Saklaw ng pagbabawal ang pagsusuot ng helmet, bonnet, ski mask, balaclava, full-tint face shield, industrial mask, at iba pang katulad na pantakip sa mukha sa mga establisyimentong pangkomersyo, gobyerno, edukasyon, at…

Read More

GOITIA: KARAPATAN NG PILIPINAS SA WPS PINATITIBAY NG BATAS

MULING uminit ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng pamahalaan at ng Chinese Embassy, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng umano’y pagtulong ng Chinese Navy sa isang Pilipinong mangingisda. Sa gitna nito, binatikos ni Dr. Jose Antonio Goitia ang mga lumulutang na interpretasyon na umano’y pumapabor sa naratibo ng China at, ayon sa kanya, “nagbabaluktot sa umiiral na batas internasyonal.” Tinukoy ni Goitia ang kolum ni Charlie V. Manalo na nagsaad na wala umanong legal na batayan ang terminong West…

Read More

P284.6-M JACKPOT NG ULTRALOTTO 6/58, NATUMBOK NG 2 MANANAYA

lotto12

INSTANT milyonaryo ang dalawang mananaya matapos mahulaan ang winning combination ng UltraLotto 6/58 sa draw noong Linggo ng gabi. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, tumama ang kombinasyong 39-37-04-11-02-09 na may kabuuang jackpot na ₱284,636,402.80. May 19 pang mananaya ang nakakuha ng tig-₱120,000 matapos mahulaan ang limang numero. Nabili umano ang mga masuwerteng tiket sa Castillo St., Baliwasan, Zamboanga City, at sa Romulo Highway, Poblacion Norte, Tarlac City. Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Upang makuha ang premyo, kailangang dalhin ang winning…

Read More