Mariing pinabulaanan ni Justice Secretary Fredderick Vida ang alegasyong malakas umano si gambling tycoon Atong Ang sa National Bureau of Investigation (NBI), kaya hindi ito isinasama sa manhunt dahil sa sinasabing koneksyon ng ilang ahente sa negosyante. “I definitely deny that there are such instructions, even from the Secretary of Justice, nor in any of my discussions with NBI Director Lito Magno,” pahayag ni Vida sa media nitong Huwebes. Ayon sa kalihim, lahat ng law enforcement agencies ay saklaw ng utos ng korte at magkakatuwang sa pagpapatupad ng batas upang…
Read MoreCategory: METRO
Pilipinas hindi isusuko WPS sa China GOITIA: WALANG PUWANG ANG PANANAKOT
BINIGYANG-DIIN ni Dr. Jose Antonio Goitia na walang puwang ang pananakot at hindi uurong ang Pilipinas sa paggiit ng soberanya at katotohanan sa West Philippine Sea (WPS), kasunod ng palitan ng pahayag nina Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela at ng Chinese Embassy sa Maynila. Ayon kay Goitia, hindi simpleng sagutan ang naging palitan kundi isang hayagang tangka umano ng China na patahimikin ang Pilipinas at subukin ang paninindigan nito sa WPS. “Makatotohanang ebidensya at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard. Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang…
Read MoreALCANTARA INILIPAT NA SA DOJ CUSTODY, WPP NA HUMAWAK
OPISYAL nang inilipat mula sa Senado patungo sa Department of Justice (DOJ) ang kustodiya kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara. Kinumpirma ito ng DOJ matapos ang mahigit isang buwan mula nang ma-admit si Alcantara sa Witness Protection Program (WPP) kaugnay ng mga kasong isinampa sa umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nasa kustodiya na ng WPP si Alcantara simula nitong Miyerkules, Enero 21, 2026, matapos itong ilipat mula sa detention facility ng Senado. Pormal na…
Read MoreKAMPO NI ATONG ANG NAGSUKO NG MGA BARIL
ISINUKO na ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang kanyang mga baril sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) matapos bawiin ang mga lisensya nito. Sa liham na may petsang Enero 20, 2026 na ipinadala kay PBGEN Jose DJ Manalad Jr., acting FEO chief, sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal na nai-turnover na ang mga armas ng kanyang kliyente sa Mandaluyong Police Station. Ang mga kopya ng naturang liham ay nakuha ng mga mamamahayag na sumusubaybay sa kaso. “Bilang tapat…
Read MorePAGPAPALAYA KAY FRENCHIE MAE CUMPIO IGINIIT
HAHARAP ngayong Huwebes, Enero 22, sa promulgation sa Tacloban Regional Trial Court ang mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio kaugnay ng dalawang kasong tinawag ng mga grupo na gawa-gawa laban sa kanya. Nanawagan ang Altermidya Network, kasama ang mga tagapagtanggol ng press freedom at malayang pamamahayag, na agad na pawalang-sala si Cumpio at ibasura ang lahat ng kaso laban sa kanya, pati na kina Marielle Domiquil at iba pang akusado na kilala bilang “Tacloban 5.” Ayon sa grupo, kinakatawan ni Cumpio ang pinakamahusay sa alternative media at community press sa…
Read MoreCHINA KINASTIGO SA PAGBABANTA SA OPISYAL NG PILIPINAS
PINAGTULUNGANG batikusin ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang China dahil sa direktang pagbabanta ng mga ito sa Pilipinas sa pagtatanggol sa kanilang karapatan sa West Philippine Sea (WPS). Sa pinagsamang pahayag, sinabi ng mga kinatawan ng Liberal Party (LP), Akbayan party-list at Mamamayang Liberal (ML) party-list na hindi lamang si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman na si Commodore Jay Tarriela ang binantaan ng China kundi ang mismong mga Pilipino na hindi dapat palagpasin. Nauna rito, sinabihan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun ang isang hindi tinukoy…
Read More20 baril kasamang isinurender BONG REVILLA SUMUKO SA CIDG
(TOTO NABAJA/JESSE RUIZ) ISINUKO ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang 20 lisensyadong baril sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng kanyang boluntaryong pagsuko sa CIDG sa Camp Crame nitong Lunes ng gabi. Ito ay kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay ng umano’y P92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, boluntaryo ang pagsuko ni Revilla ng kanyang mga armas alinsunod sa umiiral na batas. Inamin din ng kalihim na personal niya umanong hinikayat ang dating senador…
Read MoreHIGIT 1.3M NAGPAREHISTRO PARA SA 2026 BSKE – COMELEC
MAHIGIT 1.3 milyong aplikante na ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Batay sa datos na ibinahagi ng Comelec, hanggang Enero 18, 2026, umaabot na sa 1,356,410 indibidwal ang nakapagparehistro upang makaboto sa 2026 BSKE. Sa bilang na ito, 718,457 ay kababaihan habang 637,943 naman ang kalalakihan. Mula sa kabuuang bilang ng mga registrant, 1,028,835 ang regular voters na edad 18 pataas, habang 327,575 naman ang kabilang sa Sangguniang Kabataan (SK). Sa SK voters, 322,402 ang mga bagong nagparehistro.…
Read MoreDOJ, BI: WALANG KUMPIRMASYON NA NAKATAKAS NA SI ATONG ANG
WALA pang kumpirmadong impormasyon na nakalabas na ng Pilipinas ang negosyanteng si Atong Ang, na itinuturing na most wanted kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap na opisyal na ulat na umalis na ng bansa si Ang, sa kabila ng mga kumakalat na balita na umano’y nakatakas na ito. “Sa ngayon, wala pa kaming kumpirmasyon na nakalabas na ng Pilipinas si Atong Ang,” ani Martinez. Ang pahayag ay kasunod ng alegasyon ng isang whistleblower na naniniwala…
Read More