HINAMON ni Atty. Ariel Inton si dating House Speaker Martin Romualdez na pangalanan ang mga taong umano’y sangkot sa kontrobersiya sa flood control projects ngayong nahaharap na siya sa kasong plunder sa Sandiganbayan. Ipinagtataka rin ni Inton kung bakit tila hindi tuwirang masabi ni Romualdez na walang kinalaman sa flood control scam ang kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Inton na bagama’t iginiit ni Romualdez ang kanyang pagiging inosente at karapatan sa due process, dapat din nitong linawin kung sinu-sino ang tinutukoy niyang ibang taong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
GRAVE THREAT CHARGES, PINAHAHARANG NI VP SARA SA KORTE SUPREMA
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Vice President Sara Duterte upang kuwestiyunin at ipahinto ang tatlong bilang ng kasong grave threat na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya. Sa Petition for Certiorari and Prohibition na may kalakip na aplikasyon para sa Temporary Restraining Order (TRO), kinuwestiyon ni Duterte ang resolusyon ng DOJ na nagrekomendang sampahan siya ng mga naturang kaso. Target din ng kanyang kampo na mapawalang-bisa ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagbasura sa kanyang motion to quash, gayundin ang warrant of…
Read MoreHospital arrest tatablahin ng Ombudsman ROMUALDEZ MAY KWARTO NA SA PNP-GH
MAY nakahanda nang kuwarto sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH) para kay dating House Speaker Martin Romualdez sakaling aprubahan ng Sandiganbayan ang kanyang paglipat mula sa Cardinal Santos Medical Center. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, kasunod ng mga inisyal na hakbang ng pambansang pulisya kaugnay sa posibleng paglilipat kay Romualdez. Ayon kay Co, nakikipag-ugnayan na rin ang mga doktor ng PNP sa mga doktor ng Cardinal Santos na patuloy na sumusuri sa kalagayan ng dating mambabatas. Hindi pa tiyak kung maisasampa ngayong Martes ang…
Read MorePOSIBLENG PAG-SUBPOENA KAY VP SARA IPINAUBAYA NG MALACAÑANG SA SENADO
IPINAUBAYA ng Malacañang sa Senado ang magiging desisyon sa kahilingan ng House Prosecution Panel na magpalabas ng subpoena upang pilitin si Vice President Sara Duterte na dumalo sa sarili niyang impeachment trial. Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng anunsyo ng prosekusyon nitong Martes na nais nitong hilingin kay VP Sara na dumalo sa pagdinig upang pagtibayin at kumpirmahin ang kanyang “allegation of innocence.” “Kung ‘yan ang nais ng prosecution at kung papayagan po ito ng Senado, nasa kamay na po…
Read MoreSPEAKER DY, PINURI ANG MGA GURO SA PAGTAAS NG PISA SCORES NG PILIPINAS
BINATI ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga gurong Pilipino at mga school leader dahil sa magandang resulta ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), na aniya ay patunay na patuloy na umuusad ang edukasyon sa bansa sa kabila ng mga hamon sa sektor. Sa kanyang mensahe para sa National Teachers’ Month, sinabi ni Dy na nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na marka nito sa kasaysayan sa reading, mathematics, at science. “Sa pinakahuling PISA assessment, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nating scores sa reading, mathematics, at…
Read MorePinasu-subpoena ng prosekusyon VP SARA PAHAHARAPIN SA IMPEACHMENT COURT
HIHILINGIN ng House prosecution panel ang pagpapalabas ng subpoena kay Vice President Sara Duterte matapos nitong mailatag ang lahat ng apat na artikulo ng impeachment, ayon kay Lead Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan. Inihayag ito ni Kapunan sa pagsisimula ng ika-23 araw ng paglilitis sa impeachment nitong Martes, Setyembre 8. Ayon kay Kapunan, hindi muna hihilingin ng prosekusyon ang agarang pagpapalabas ng subpoena dahil nakatuon pa sila sa paglalahad ng kanilang mga ebidensya. Sinabi niyang nakatakdang humarap si Duterte sa dulo ng proseso. “At the end of all of these…
Read MoreLacson sa pagkakaaresto ni Romualdez MGA KRITIKO NI PBBM DAPAT MANAHIMIK NA
DAPAT nang matahimik ang mga kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-aakusa sa kanya ng mahinang pamumuno at kawalan ng aksyon laban sa mga maanomalyang flood control project, ayon kay Senador Panfilo Lacson. Ito ang iginiit ni Lacson matapos makasuhan at maaresto si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y mga anomalya sa flood control projects. Si Romualdez ay sinasabing utak ng mga ghost project sa flood control at umano’y nakinabang sa malalaking kickback mula sa mga tauhan ni dating Cong. Zaldy Co. Sinabi ni Lacson na dapat…
Read MoreMay private jets, choppers at yate ROMUALDEZ ‘FLIGHT RISK’ – DILG
ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “flight risk” si dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, ibinunyag ni Remulla na nagmamay-ari umano si Romualdez ng dalawang private jet, tatlong helicopter at tatlong yate. Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ng mga awtoridad na bumuti ang kondisyon ni Romualdez habang nagpapagaling ito sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Dahil isa na siyang person deprived of liberty (PDL), mahigpit…
Read MoreBinuking parte ng ‘drama’ VP SARA GUSTONG MAKULONG SA CAMP CRAME – JONVIC
IBINUNYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte na sa Camp Crame siya makulong matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats. Sa isinagawang pulong-balitaan sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Remulla na nagbago ang posisyon ng kampo ng Pangalawang Pangulo matapos malaman na handang ibigay ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kaukulang courtesy sa kanyang posisyon. Kabilang dito ang hindi paghahalo kay…
Read More