LUMITAW na isang dalawang buwang gulang na sanggol na namatay noong 1965 ang kabilang umano sa mga nakalistang tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), batay sa pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang lumabas sa testimonya ni PSA Assistant National Statistician Marizza B. Grande sa ika-22 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court. Sa pagdinig, sinabi ni Grande na ang pangalang Marlin Sunga na nakalista sa acknowledgment receipt (AR) ng OVP ay tumutugma sa isang sanggol na namatay…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ROMUALDEZ, CO SWAK SA PLUNDER
PORMAL nang inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, resigned congressman at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa pang indibidwal kaugnay ng umano’y multi-billion-peso kickback scheme sa mga flood control project. Kinumpirma ng Sandiganbayan Judicial Records Division ang pagsasampa ng kaso, na na-raffle na sa Third Division ng anti-graft court. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kabilang sa mga respondent sina Joselyn Tragua Serenio, personal assistant ni Romualdez, at Felicito Cristobal Guevarra ng Samchan…
Read MoreP100M KONTRABANDO NASAMSAM NG NAVY
NASA P100 milyon ang halaga ng kontrabando na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy sa magkakasunod na maritime operations sa Zamboanga del Sur. Sa isinumiteng ulat sa punong himpilan ng Hukbong Dagat sa Manila, umabot sa P99,652,? ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) nitong nakalipas na linggo. Kabilang sa mga ilegal na produkto na nasamsam ng NCWM ang undocumented diesel fuel na nagkakahalaga ng P72,172,046; smuggled foreign-brand cigarettes at isang gamit na motor vessel na nagkakahalaga ng P27,228,969; at Lauan lumber na…
Read MoreCLIMATE CHANGE RESPONSE NAIS PAIGTINGIN NI MARCOS JR.
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na paigtingin ang pagpapatupad ng mga polisiya at hakbang para tugunan ang climate change habang patuloy na nararanasan ng Pilipinas ang tumitinding epekto nito. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na lahat ng ahensya ng gobyerno, sa pangunguna ng Climate Change Commission at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay inatasang magsagawa ng masinsinang hakbang at pabilisin ang pagtugon sa kanilang mga climate action commitments. “Kapag hindi matugunan ang isyu…
Read MorePAGPAPALAWAK SA FREE TERTIARY EDUCATION PROGRAM PIRMADO NA
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes ang batas na nag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) upang higit na mapalawak ang access sa abot-kaya at dekalidad na higher education para sa mga estudyanteng Pilipino. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 12325, o ang “Act Enhancing the Universal Access to Quality Tertiary Education,” sa isang seremonya sa Malacañang. Ayon sa Pangulo, binibigyang-diin ng bagong batas ang commitment ng administrasyon na gawing mas accessible ang tertiary education para sa mga estudyanteng nahaharap sa…
Read MoreFLOOD CONTROL MASTER PLAN NG PNOY ADMIN SINISILIP NA
SINISILIP ng administrasyong Marcos ang Flood Management Master Plan na binuo noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kasabay ng paghahanda ng pamahalaan na simulan ang pagpapatupad ng bagong Flood Management Plan. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na binabalikan nila ang planong tinawag na Aquino-Singson Masterplan. Sa ngayon, aniya, ang hawak ni Dizon ay ang bahagi ng plano para sa major river basins. Sinabi ni Castro na wala…
Read MoreTulong sa pamilya pinatitiyak 2 PINOY PATAY SA HORMUZ ATTACK
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagbibigay ng government assistance, benepisyo, kompensasyon at insurance proceeds sa mga pamilya ng dalawang Filipino seafarer na nasawi sa pag-atake sa Saudi-flagged crude oil tanker na SIDR habang naglalayag sa Strait of Hormuz. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinaalam ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kay Pangulong Marcos ang insidente. Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo at administrasyon sa mga pamilya ng dalawang seafarer na mula Cabuyao, Laguna, at…
Read MoreSa paggunita sa National Suicide Prevention Month OPEN COMMUNICATION PAALALA NG DSWD
BINIGYANG-DIIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at emosyonal na suporta habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Suicide Prevention Month ngayong Setyembre. Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, tagapagsalita ng ahensya, mahalagang may mapagkakatiwalaang taong maaaring makausap ang mga nakararanas ng mabibigat na problema. “Hindi maipagkakaila na maraming Pilipino ngayon ang nakararanas ng anxiety, depression, o iba pang mental health issues dahil sa matinding problema. Tulad ng laging sinasabi ni Secretary Rex Gatchalian, minsan kailangan lang nating mapagkakatiwalaan at makakausap para…
Read More‘BGC BOYS’, BONOAN ‘DI DAPAT MALIBRE SA PLUNDER CASE – LAWYER
KINUWESTYON ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Law Dean Atty. Jose Roy III ang hakbang ng Office of the Ombudsman na gawing state witness si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa halip na ituring siyang pangunahing akusado sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects. Ayon kay Roy, hindi aandar ang kickback scheme kung walang direktang pakikilahok ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na may kontrol sa disenyo, bidding at pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan. “Nakapagtataka kung bakit binibigyan ng Ombudsman…
Read More