INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagbibigay ng government assistance, benepisyo, kompensasyon at insurance proceeds sa mga pamilya ng dalawang Filipino seafarer na nasawi sa pag-atake sa Saudi-flagged crude oil tanker na SIDR habang naglalayag sa Strait of Hormuz. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinaalam ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kay Pangulong Marcos ang insidente. Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo at administrasyon sa mga pamilya ng dalawang seafarer na mula Cabuyao, Laguna, at…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Sa paggunita sa National Suicide Prevention Month OPEN COMMUNICATION PAALALA NG DSWD
BINIGYANG-DIIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at emosyonal na suporta habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Suicide Prevention Month ngayong Setyembre. Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, tagapagsalita ng ahensya, mahalagang may mapagkakatiwalaang taong maaaring makausap ang mga nakararanas ng mabibigat na problema. “Hindi maipagkakaila na maraming Pilipino ngayon ang nakararanas ng anxiety, depression, o iba pang mental health issues dahil sa matinding problema. Tulad ng laging sinasabi ni Secretary Rex Gatchalian, minsan kailangan lang nating mapagkakatiwalaan at makakausap para…
Read More‘BGC BOYS’, BONOAN ‘DI DAPAT MALIBRE SA PLUNDER CASE – LAWYER
KINUWESTYON ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Law Dean Atty. Jose Roy III ang hakbang ng Office of the Ombudsman na gawing state witness si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa halip na ituring siyang pangunahing akusado sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects. Ayon kay Roy, hindi aandar ang kickback scheme kung walang direktang pakikilahok ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na may kontrol sa disenyo, bidding at pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan. “Nakapagtataka kung bakit binibigyan ng Ombudsman…
Read MoreTAX EXEMPTION SA MGA ATLETA, COACH UMUSAD SA KAMARA
PASADO na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na magbibigay ng tax exemptions at iba pang insentibo sa mga pambansang atleta at coach matapos itong iharap ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez. Isinusulong ni Gomez ang pag-apruba sa probisyon sa ilalim ng Substitute Bill na naglalayong amyendahan at palawakin ang mga benepisyo sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Sa ilalim ng naaprubahang probisyon, magiging ganap nang libre sa anumang uri ng pambansa at lokal…
Read MoreBRIBERY CASE ILALAGLAG PARA MAPABILIS IMPEACHMENT TRIAL
PINAG-AARALAN ng House prosecution panel na tuluyang isantabi ang bribery charge o Article III sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang paglilitis at magkaroon ng pinal na desisyon ang Senate Impeachment Court bago matapos ang taon. Ayon kay House prosecution spokesperson at Manila Rep. Joel Chua, nais ng panel na ituon ang kanilang lakas sa mga probisyong itinuturing nilang may pinakamalakas na ebidensya at maiwasan ang lalo pang paghaba ng mga pagdinig. “We are considering the dropping of one article, yes. So for now, pinag-aaralan…
Read MoreBaka mas dumami stranded LIBRENG TOLL SA NLEX TINABLA NG MALAKANYANG
HINDI sang-ayon ang Malacañang sa panukalang pansamantalang gawing libre ang toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) habang marami pa ring sasakyang stranded dahil sa matinding traffic at pagbaha na nagsimula noong Sabado. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, maaaring lalo lamang lumala ang sitwasyon kung aalisin ang toll fee dahil mas marami pang motorista ang mahihikayat na dumaan sa NLEX. “Pero kung ililibre natin, ‘di ba mas maraming sasakyan ang papasok. So kapag maraming papasok na sasakyan, mas lalong magkakaroon ng trapik.…
Read MorePAGASA may binabantayang bagong bagyo 178 LGUs NAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY
PATULOY na dumarami ang mga local government unit (LGU) na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng mga nagdaang sama ng panahon at ng patuloy na Southwest Monsoon o Hanging Habagat. Umabot na sa 178 LGUs ang nagdeklara ng State of Calamity, habang isang bagong tropical cyclone naman ang nabuo at patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Kahapon ng umaga ay muling nagpulong ang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang talakayin ang nagpapatuloy na response operations…
Read MoreAFP WALANG NATANGGAP NA PONDO SA DEPED PARA SA YLS
INIHARAP ni private prosecutor Atty. Renaldo Robles ang bagong testigong si AFP Col. Manaros Boransing II sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Article I ng Articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte kahapon. (DANNY BACOLOD) NANINDIGAN si Army Col. Manaros M. Boransing II na walang regular o confidential funds mula sa Department of Education (DepEd) ang natanggap ng Philippine Army para sa mga isinagawang Youth Leadership Summit (YLS) noong 2023. Ito ay kahit humingi ang DepEd ng certification mula sa militar para sa mga aktibidad na kalaunan ay ginamit…
Read MorePBBM: soberanya sama-samang ipagtanggol MODERN DAY HEROES KINILALA SA ARAW NG MGA BAYANI
PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang mga bayaning Pilipino, kabilang ang mga hindi man kilala ngunit nagsakripisyo para sa pagtatatag at pagpapaunlad ng bansa. Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan at pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, sinabi ng Pangulo na ang okasyon ay pagkakataon hindi lamang upang alalahanin ang mga makasaysayang personalidad na nakipaglaban para…
Read More