DOJ: PNP-CIDG BAHALANG MAGDAGDAG NG RESPONDENTS SA KASO NI PADILLA

IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibleng pagdaragdag ng mga respondent sa reklamong obstruction of justice laban kay Senator Robin Padilla. Ayon kay Justice Undersecretary Ian Norman Dato, ilang beses nang nagpulong ang PNP-CIDG at DOJ alinsunod sa Department Circular No. 20, na nagbibigay ng pagkakataon sa law enforcement agencies na buuin at palakasin ang kanilang kaso bago ito isumite sa prosecution. Ginawa ni Dato ang pahayag matapos tanungin kung bakit hindi kabilang sina Senator Alan Peter Cayetano at dating…

Read More

ROMUALDEZ NAGPASOK NG “NOT GUILTY PLEA” SA PLUNDER

NAGPASOK si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng “not guilty plea” sa pamamagitan ng videoconference sa kanyang arraignment at pre-trial sa Sandiganbayan nitong Miyerkoles, Setyembre 16, 2026. Ayon kay Atty. Dennis Pulma, Clerk of Court ng Sandiganbayan Third Division, kinatigan ng hukuman ang urgent motion ni Romualdez na payagang dumalo sa proceedings sa pamamagitan ng video conference dahil sa kanyang kalagayan sa kalusugan. Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.4 bilyong kickback mula sa mga pondo para sa mga proyektong imprastraktura. binigyang-diin naman ng Malakanyang na…

Read More

Opinyon ng 3 sa 4 amici curiae CONVICTION THRESHOLD ‘DI DAPAT IPAKO SA 16

HINDI awtomatikong nakapako sa 16 na boto mula sa senator-judges ang kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment case laban sa kanya. Ito ang magkakatugmang posisyon ng tatlo sa apat na inimbitahang amici curiae o “friends of the court” na tumalakay sa voting threshold sa impeachment case. Sa ika-26 na araw ng impeachment trial, sinabi nina retired Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban at Reynato Puno na hindi dapat awtomatikong itakda sa 16 ang kailangang boto kung may mga senador na hindi maaaring gumanap o bumoto…

Read More

ISYU SA ASYLUM NI ROQUE BAHALA NA DILG – MALAKANYANG

IPINAUBAYA ng Malakanyang kay Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagsagot sa naging pagtutol ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa napaulat na pagbasura sa kanyang asylum application sa Austria. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Remulla ang dapat magpaliwanag sa usapin dahil ito ang naglabas ng impormasyon hinggil sa asylum application ni Roque. “Kung si Sec. Jonvic po ang nagbalita nito, hayaan po natin si Secretary Jonvic ang sumagot patungkol dito sa inaakusa ni Harry Roque,” ani Castro. Dagdag niya, kung may iba…

Read More

MANILA NAGBUKAS NG DEDICATED MUSLIM PRAYER ROOMS SA SM MANILA AT SAN LAZARO

MANILA — Binuksan na ng Manila City Government ang dedicated Muslim prayer rooms sa SM City Manila at SM City San Lazaro, bilang bahagi ng hakbang ng lungsod na matiyak ang pagkakaroon ng accessible na lugar para sa pagdarasal ng Muslim community. Bago ang opisyal na pagbubukas, nagsagawa ng final walkthrough si Vice Mayor Chi Atienza sa bagong tayong prayer room sa SM City Manila noong Setyembre 15. Kinumpirma rin ni Atienza ang sabay na pagbubukas ng kaparehong pasilidad sa SM City San Lazaro upang matiyak na handa ang mga…

Read More

MALAKANYANG: BARMM PARLIAMENTARY ELECTION, MAPAYAPA AT MAAYOS

PARA sa Malakanyang, mapayapa at maayos ang idinaos na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes, Setyembre 14, 2026, sa kabila ng ilang insidente ng karahasan na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal. Tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang initial assessments mula sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) kasunod ng unang parliamentary elections sa rehiyon. “The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election conducted on Sept. 14, 2026 was generally peaceful…

Read More

ASYLUM BID NI HARRY ROQUE, WALANG BASEHAN – MALAKANYANG

BINIGYANG-DIIN ng Malakanyang na walang basehan ang asylum application ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque at iginiit na hindi political persecution ang mga kasong kinakaharap nito. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, suportado ng ebidensiya ang mga kasong isinampa laban kay Roque. Nauna rito, iniulat ni DILG Secretary Jonvic Remulla na tinanggihan na ang asylum application ni Roque matapos ang limang buwang proseso. Hindi naman tinukoy ni Remulla kung anong bansa ang nagbasura sa kahilingan nito. Sinabi ni Remulla na hihintayin muna ang…

Read More

PBBM TINIYAK FOOD SUPPLY SA GITNA NG MIDDLE EAST CRISIS

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa habang nagsasagawa ang administrasyon ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle East, partikular ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin. Sa isang Kapihan matapos ang kanyang paglahok sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatuon ang pamahalaan sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng pagkain at abot-kayang presyo sa kabila ng epekto ng geopolitical tensions sa…

Read More

MALACAÑANG BINUKSAN PARA SA KAARAWAN NI PBBM

BINUKSAN ng Malacañang ang mga gate nito para sa libo-libong Pilipino nitong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng pagdiriwang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang ika-69 na kaarawan sa pamamagitan ng “Salo-Salo sa Palasyo.” Para sa Pangulo, hindi lamang isang pormal na birthday celebration ang okasyon kundi pagkakataon upang makasalo, makasalamuha ang mas maraming Pilipino at pasalamatan ang mga ito sa kanilang suporta. Tinatayang mahigit 9,000 bisita ang tinanggap sa Malacañang para sa taunang “Salo-Salo sa Palasyo,” habang sabay-sabay ding isinagawa ang mga pagtitipon sa 90 satellite locations sa…

Read More