(BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang House committee on good government and public accountability na itigil ang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong 2023. Ginawa ng administration congressmen ang pahayag sa gitna ng tensyon na namagitan sa mga ito at ng Pangalawang Pangulo matapos dalawin ng huli ang kanyang chief of staff (COS) na si Atty. Zuleika Lopez na nakakulong sa Kamara bunsod ng pagka-contempt noong Miyerkoles. “She can lash out all she wants, but the question…
Read MoreCategory: NASYUNAL
AYUDA POLICY’ NI BBM SAPOL KAY VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG patutsada sa administrasyong Marcos Jr. ang pahayag ni Vice President Sara Duterte kamakalawa na ‘good governance’ ang kailangan para umunlad ang bayan at hindi ayuda. Sa isang panayam, sinabi ng Bise Presidente na good governance pa rin ang susi sa pag-unlad ng bansa at hindi ayuda ang solusyon sa problema ng mga tao. “We (OVP) still believe and it is our platform and it is in our budget na ‘good governance is the key to nation-building.” “Hindi nasosolusyunan ng ayuda ‘yung problema ng mga tao.…
Read MoreCHIEF OF STAFF NI VP SARA 6-ARAW KULONG SA KAMARA
PINATAWAN ng anim na araw na pagkakakulong sa Batasan Pambansa Complex sa Chief of Staff (COS) ni Vice President Sara Duterte na si Undersecretary Zuleika Lopez matapos itong ma-cite in contempt noong Miyerkoles ng gabi. Bago nag-adjourn ang ika-6 na pagdinig ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, tinanong ni House deputy minority leader France Castro si Lopez hinggil sa sulat ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na huwag sumunod sa subpoena ng Kamara na…
Read MorePAG-UWI NI MARY JANE PINAPLANTSA PA
PINAPLANTSA pa rin ng gobyerno ng Pilipinas at ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong matapos hatulan ng parusang kamatayan dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010. Sa Joint Statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ), kapuwa sinabi nito na “we are bound to honor the conditions that would be set for the transfer, particularly the service of sentence by Mary Jane in the Philippines, save the death…
Read MorePera ng bayan babantayan TRANSPARENCY SA GOV’T PROJECTS — EX-ES RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIGYANG-DIIN ni dating executive secretary atty. Vic Rodriguez ang kahalagahan ng transparency sa mga proyekto ng gobyerno. Sa media forum sa Kamuning, Quezon City kamakalawa, muling binanggit ni Rodriguez ang giyera kontra korupsyon na kanyang itataguyod sakaling palarin sa Senado sa susunod na taon. Hinimok din nito ang taumbayan na sama-samang bantayan ang deliberasyon ng national budget upang malaman kung nagagamit nang tama. Kinuwestiyon din niya kung saan napunta ang bilyong pondo para sa 5,500 flood control projects na ipinagmalaki ng gobyerno. Aniya, kung totoong may…
Read MoreUUWI NA SI MARY JANE
PUMAYAG ang Indonesian government sa kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan. “Mary Jane Veloso is coming home,” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas. Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto ng napakarami at dekadang diplomasya at konsultasyon. “Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian…
Read MoreHR GROUP DESIDIDONG PAPANAGUTIN SI DU30
DETERMINADO ang isang human rights group na papanagutin si dating pangulong Rodrigo Duterte kaya kinalampag nito ang Department of Justice (DOJ) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y extra-judicial killings (EJK) sa war on drugs. Kahapon, kinalampag ng grupong Karapatan ang DOJ kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon ng binuong DOJ task force, ang posibilidad ng paghahain ng kaso laban sa dating pangulo kaugnay sa paglabag sa International Humanitarian Law, Genocide at iba pang Crimes against Humanity. Ayon…
Read MoreOVP CONFI FUNDS IDINIRETSO SA BAHAY?
INIUWI sa bahay sa halip dalhin sa tanggapan ng Office of the Vice President ang daang milyong confidential funds na winidraw sa bangko. Ito ang teorya ng House committee on good government and public accountability na kanilang hinahanapan ngayon ng ebidensya. Sa ika-6 na pagdinig ng komite sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng OVP at maging sa Department of Education (DepEd) na dating pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ipinakuha ng mga kongresista ang mga CCTV footage mula sa pag-withdraw sa Landbank Mandaluyong at kung idineretso ito sa…
Read More‘Baka nakawin lang’ DAGDAG FLOOD CONTROL BUDGET PINATATABLA
TIYAK na nanakawin lang ang hinihingi umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na karagdagang flood control projects matapos ang pananalasa ng magkakasunod na bagyo na puminsala sa mga proyektong ito lalo na sa Bicol region. Ito ang ikinababahala ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kaya hiniling nito sa Senado na imbes na dagdagan ang flood control projects ay dapat gamitin ang pondo sa loss recovery, agrikultura at industrial productivity, climate adaptation at quick response disaster preparedness. “If we follow Marcos, Jr.’s call to increase the flood control infrastructure budget,…
Read More