KINUWESTYON ni Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon sa Korte Suprema ang legalidad ng pagtanggal ng subsidy para sa PhilHealth sa GAA 2025 national budget. Nagsampa siya ng petition for certiorari and prohibition kaugnay sa pag-aalis ng naturang subsidiya sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA). Nakasaad sa kanyang petisyon ang probisyon sa Republic Act No. (RA) 10351, na naglalaan ng 80% ng kita mula sa Sin Tax para sa Universal Health Care, at ang RA 11223, na nag-aatas ng premium subsidy para sa mga di-tuwirang kontribyutor ng PhilHealth sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ROMUALDEZ, ESCUDERO PINASASAGOT NG SC SA PETISYON NI VP SARA VS IMPEACHMENT
INATASAN kahapon ng Supreme Court ang Senate at House of Representatives maging ang House Secretary General na magkomento sa loob ng sampung araw para sagutin ang petisyon na inihain ni Vice President Sara Duterte-Carpio kaugnay ng 4th impeachment complaint. Kabilang sa respondents sina House Speaker Martin Romualdez, House secretary general Reginald Velasco at Senate President Francis Escudero. Nauna rito, sa inihaing petition for certiorari and prohibition ni VP Duterte noong February 18, nais nitong ipawalang-saysay ang impeachment dahil lumabag aniya ito sa patakarang nagbabawal ng sunod-sunod na impeachment sa loob…
Read MoreBILYON-BILYONG SIGARILYO SA BODEGA NG BOC PINAIIMBENTARYO
PINAIIMBENTARYO ng chairman ng House committee on ways and means ang bilyon-bilyong pisong halaga ng sigarilyo na nasa storage facilities ng Bureau of Customs (BOC). Tugon ito ni Albay Rep. Joey Salceda kaugnay sa pagkakahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tangkang pagbebenta sa nakumpiskang sigarilyo na naghahalaga ng P270 million. “There are billions’ worth of smuggled or illicit cigarettes in government storages,” ani Salceda kaya inatasan nito ang BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng imbentaryo sa lalong madaling panahon. Bukod sa sigarilyo, marami pa…
Read MoreSolon sa pagkaantala ng impeachment vs VP Sara BABAHA NG FAKE NEWS
IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na dapat nang simulan ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte-Carpio dahil kung hindi ay malulunod umano ang bansa sa fake news. Ito ang hinayag ni Taguig representative Amparo Maria Zamora sa kanyang panawagan dahil habang nadi-delay umano ang paglilitis sa bise presidente ay palala-ng-palala at parami-ng-parami ang ikinakalat na maling impormasyon ng mga Duterte. “Kailangang simulan na ang impeachment trial bago pa malunod ang bansa sa baha ng fake news ng mga Duterte,” wika ni Zamora. Kabilang umano sa bagong fake…
Read MoreKORUPSYON, CRONYISM NA INILABAN SA EDSA NAGPAPATULOY KAY ‘JR.’
NAG-WALKOUT ang mga Iskolar ng Bayan mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Sta. Mesa matapos hindi kanselahin ng unibersidad ang klase kahapon sa paggunita sa ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power revolution. (ITOH SON) (SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros na buhay na buhay pa ang mga problemang ipinaglaban noong 1986 EDSA People Power Revolution kaya’t nararapat lamang na ipagpatuloy ang laban. Naganap ang pag-aalsa ng mga Pilipino noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., ngunit ngayong administrasyon ng kanyang anak na si Ferdinand Jr.…
Read MoreBBM dinedma; Makikiisa sa anibersaryo ng EDSA HIGIT 70 PAARALAN WALANG PASOK
NADAGDAGAN pa ang mga paaralan na nagkansela ng klase ngayong araw bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng Malakanyang bilang ‘special working holiday’ ngayong araw. Unang nagdeklara ng class suspension ang De La Salle University, University of Santo Tomas at University of the Philippines. Sa ngayon, mahigit 70 unibersidad, kolehiyo, at mga high school na ang sumunod at nagdesisyon kanselahin ang klase upang bigyang-daan ang paggunita sa mahalagang araw. Ang mga naturang eskwelahan ay mula sa…
Read MoreBalasahan namumuro BENTAHAN NG SMUGGLED YOSI MAY KASABWAT SA BOC
ITO ang pagtiyak kahapon ni Customs commissioner Bienvenido Rubio sa oras na magpositibo ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa napaulat na tangkang pagbebenta ng nasa mahigit ₱270 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo kamakailan. Hinihinalang may sangkot na taga Aduana o kawani ng Bureau of Customs (BoC) sa pagpuslit ng multi-milyong sigarilyo sa pantalan ng bansa. “If reports are confirmed that some of the agency’s personnel were involved in the discovery of attempted resale of ₱270 million worth of seized contraband cigarettes from Capas, Tarlac,” sabi…
Read MoreDIWA NG EDSA REVOLUTION IPAALALA SA KABATAAN
KAHIT ano’ng gawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi nito kayang burahin sa kasaysayan ng bansa ang diwa ng People Power Revolution o EDSA 1 na nagpatalsik sa kanyang pamilya sa Palasyo ng Malacañang noong 1986. Ito ang tila mensahe ng mga progresibong grupo na muling magtitipon sa Edsa Shrine ngayong araw, para gunitain ang ika-39 taong anibersaryo ng mapayapang rebolusyon na tumapos sa mahigit dalawang dekadang pamumuno ng yumaong ama ni Marcos Jr., na si dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. Ayon sa Makabayan bloc, bagama’t idineklara ng…
Read MorePAGBEBENTA NG GINTO NG MARCOS JR. ADMIN IPINASASAPUBLIKO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINIKAYAT ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na humingi ng transparency sa pagbebenta ng gobyerno ng gold reserves. Sa isinagawang indignation rally sa Mandaue City, Cebu, muling binanatan ng dating lider ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Aniya, hindi alam ng publiko kung ilan ang ibinenta at kailan ginawa ang bentahan. Pinalawig pa ni Duterte ang kanyang kritisismo kay Marcos Jr. at sinabing may balak itong huwag bitiwan ang kapangyarihan kapag nagtapos na ang termino nito sa 2028. Maaaring aniyang mag-impose si Marcos Jr.…
Read More