Kapag ipinasa na sa Interpol PAGPAPAARESTO NG ICC ‘DI DAPAT BALEWALAIN

HINDI dapat balewalain sakali’t mag-requesT ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin o ihatid ang taong ‘subject’ sa ICC jurisdiction, kapag idinaan na ito sa Interpol. Ang paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, bagaman hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa ICC at ang withdrawal ng Pilipinas mula sa ICC ay may bisa na, sinabi ni Bersamin na mapipilitan ang gobyerno ng Pilipinas na tumugon sa request kung idadaan na ito ng ICC sa Interpol. “If…

Read More

Bicam report sa 2025 budget butas-butas nga SINO NAG-FILL IN THE BLANKS?

(BERNARD TAGUINOD) “THE question would be….sino ang nag-fill in the blanks mula sa bicameral conference report para ang makarating sa Pangulo ay wala nang blanko?” Ito ang ibinatong katanungan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos kumpirmahin na may mga blangko sa Bicam report ng 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion. Ayon kay Manuel, nakakita siya ng 14 blangko sa pinirmahan report ng mga miyembro ng Bicam na pinili ng dalawang kapulungan ng Kongreso para mag-usap sa magkaibang probisyon sa pambansang pondo. Karamihan aniya sa mga blangko o…

Read More

PUBLIKO BINALAAN NG DOH SA SCAMMER NA NAGPAPANGGAP NA SEC. HERBOSA

HINDI mangingiming kasuhan ng Department of Health (DOH) ang scammers na nagpapakilalang sila si Secretary Teodoro Herbosa na umano’y nanghihingi ng pera sa text message. Ang babala ay inilabas ng DOH sa publiko kasunod ng kumalat na nagpakilalang Secretary Herbosa sa pamamagitan ng text messages. Muling nilinaw ng DOH ang mga pinadadalang mensahe ay hindi nagmula sa kalihim at ang numerong ginagamit ay hindi pag-aari ng kalihim. Binalaan ng DOH ang mga gumagawa ng ganitong uri ng ilegal na gawain na mahaharap sila sa kaukulang kaso lalo na kung ito…

Read More

SUBSTITUTE BILL SA TEENAGE PREGNANCY INIHAIN SA SENADO

NANINIWALA si Senator Risa Hontiveros na walang epekto sa inihain niyang substitute bill ang pagbawi ng lagda ng pitong senador sa committee report ng Senate Bill 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Bill nang humarap siya sa mga mamamahayag sa lingguhang Kapihan sa Senado. (DANNY BACOLOD) ISINULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pag-amyenda sa kontrobersyal na Senate Bill 1979 o ang proposed Prevention of Adolescent Pregnancy Act sa pamamagitan ng paghahain ng substitute bill. Sa kanyang substitute bill ay inalis ang katagang guided by international standards ang comprehensive sexuality education…

Read More

BLANGKONG BICAM REPORT KUKUWESTYUNIN SA SC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUKUWESTYUNIN ng ilang grupo sa Supreme Court ang mga blangko umano sa bicameral conference committee report kaugnay ng 2025 national budget. Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Davao City Rep. Isidro Ungab na kasama siya sa mga mag-aakyat sa nasabing usapin sa Kataas-taasang Hukuman. Nais umano nilang malaman kung paano napunan ng detalye ang mga blangko sa bicam report bago ito nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at naging national budget law. “Considering that the P6.326-trillion GAA has already been signed by the President, there is…

Read More

Kaya ‘dinaga’ sa Impeach Sara? MARCOS TAKOT MAKALKAL SARILING CONFI AT INTEL FUNDS

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng Makabayan bloc ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy na hindi pag-aksyon sa tatlong impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Vice President Sara Duterte. Pangamba nila, ang hindi pag-aksyon ng Kamara ay pag-iwas din na mabulatlat ang pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Never in the history of Congress have we witnessed impeachment complaints languishing in the Secretary General’s office for more than a month,” ayon sa joint statement ng nasabing grupo na kinabibilangan nina ACT Teachers Rep. France Castro;…

Read More

APELA NG NSC SA KONGRESO: ANTI-ESPIONAGE LAW AMYENDAHAN

MULING umapela ang National Security Council (NSC) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na bumalangkas at amyendahan ang antigong Anti-Espionage Law ng Pilipinas na hindi akma sa makabagong panahon. Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre sa well planned at orchestrated spying, matapos madakip ang isang hinihinalang miyembro ng Chinese sleeper cell sa Pilipinas, na nagsasagawa ng unauthorized intelligence, surveillance and reconnaissance activities sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, dapat iprayoridad ang pagpasa ng mga amyenda sa Espionage Act, gayundin ang Countering Foreign Interference and Malign Influence Bill para magkaroon…

Read More

PAMILYA BARAYUGA ABOT-KAMAY NA HUSTISYA

MAKAKAMIT na ng pamilya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary at retired Police Major General Wesley Barayuga ang hustisya. Sa ika-14 pagdinig ng Quad Committee, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na sa susunod na tatlong linggo ay maisasampa na ang kasong kriminal laban sa mga suspek sa pagpatay sa dating opisyal. “For the NBI we are already wrapping up or we are concluding the investigation on the Barayuga murder and in about three weeks time we shall be filing our cases against those involved,” ani…

Read More

DOT AT DOTr ‘COLLAB’ MAGPAPASIGLA SA TURISMO

KAKAILANGANIN ng Department of Tourism (DOT) ang tulong ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga programa na inilaan ngayong taon. Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang kanilang pakikipag-kolaborasyon sa transportation ay para mapalakas at mapaganda pa ang sektor ng turismo sa bansa. Kailangan din aniyang mapaganda ang ‘international gateways’ tulad ng paliparan para makahikayat pa ng mas maraming turista. Sinabi ni Frasco na ngayong Marcos administration ay kapansin-pansin ang pagtaas ng pananatili ng mga turista sa bansa lalo sa mga tourist…

Read More