PBBM AT LENI MAGTATAGPO SA NAGA

MAGKIKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Naga Mayor Leni Robredo sa Sabado, Pebrero 21, para sa implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa siyudad. Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na personal na bibisitahin ng Pangulo ang flood mitigation measures sa lungsod. “Busy po ngayon ang DPWH sa paglilinis ng mga kanal at estero sa Naga City. ‘Yan po ang bibisitahin ng Pangulo at makakasama niya po ang Mayor Leni Robredo,” ani Castro. Wala naman umanong impormasyon kung pag-uusapan ng dalawa ang anomang political plans para sa 2028 elections.…

Read More

DA, JICA LALAGDA SA 1.7-B YEN GRANT PARA SA MODERN RICE FACILITY

BILANG pagpapalakas sa rice security ng Pilipinas, lumagda ang Department of Agriculture at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa JPY 1.7 bilyong grant para sa modernong rice processing system sa Cauayan City, Isabela. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang modernisasyon ng agrikultura. Itatayo ang pasilidad sa Cauayan City, isa sa top rice-producing areas sa Isabela, at ipatutupad sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA). Layunin nitong palakasin ang buffer stocking capacity ng NFA at bawasan ang post-harvest…

Read More

KULONG AT P10-M MULTA SA PALPAK NA GOVERNMENT PROJECTS

KULONG at P10 milyong multa ang naghihintay sa mga contractor na magtatayo ng sablay at substandard na proyekto ng gobyerno. Ito ang laman ng House Bill No. 2811 o “Criminalizing Negligent Contractors Act” na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa ilalim ng panukala, ang sinomang contractor, subcontractor, corporate officer, government employee o juridical entity na mapatutunayang nagpabaya at nagresulta sa mababang kalidad ng proyekto ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at pagmultahin ng P10 milyon. May kasama pa itong perpetual disqualification sa anomang government procurement o…

Read More

INDAY SARA 2028 SURE NA!

INANUSYO ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections. Sa isang press conference, sinabi ng Bise Presidente na panahon na umano upang ibalik ang “tapang at malasakit para sa Diyos, bayan at pamilya.” Kasabay nito, humingi rin siya ng paumanhin sa publiko sa pagtulong niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 elections. “Patawad kung tinulungan ko mahalal si BBM…,” ani Duterte, kasunod ng pagbanggit sa mga isyu tulad ng korupsyon, pagbaha, mataas na presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa mga serbisyong…

Read More

Hudyat ng Kuwaresma QUIAPO, BACLARAN DINAGSA PARA SA ASH WEDNESDAY

PORMAL nang nagsimula ang panahon ng Kuwaresma sa paggunita ng Ash Wednesday nitong Miyerkoles o ang 40 araw na paghahanda ng mga Katoliko para sa pinakamahalagang yugto ng pananampalataya na kinapapalooban ng Pasyon, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus. Mahigpit ang seguridad na ipinatupad ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng mga simbahan, partikular sa Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church, upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga debotong dumalo sa banal na misa. Tuloy-tuloy ang pagdaraos ng misa sa Quiapo Church…

Read More

Ping basag sa netizens SENS. BATO, BONG GO ‘DI KAWALAN SA SENADO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI pinalampas ng mga netizen ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson kamakalawa na malaking kawalan umano para sa Senado sakaling maaresto sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go kaugnay ng kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Kasunod ito ng pagtukoy ng ICC sa dalawang senador bilang “co-perpetrators” o kasabwat umano ni Duterte sa nangyaring pagpatay sa mga drug suspect. Dahil sa nasabing pahayag ay nakatikim ng batikos si Lacson. Kontra rin ang…

Read More

6 LUGAR MAY SPECIAL HOLIDAY NGAYONG PEBRERO AT MARSO

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa anim na lugar upang payagan ang mga residente na makalahok sa kanilang lokal na pagdiriwang. Sa ilalim ng Proclamation No. 1162 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, idineklara ang Marso 20 bilang special non-working day sa City of San Fernando, La Union para sa founding anniversary nito. Sa Proclamation No. 1164, Marso 10 naman ang special non-working day sa Tanauan City, Batangas para sa 25th cityhood anniversary nito. Kaparehong araw din ang idineklara sa Norala, South Cotabato sa…

Read More

CHA-CHA WALA SA AGENDA – MALAKANYANG

HINDI bahagi sa ngayon ng anomang pulong sa Malakanyang ang usapin ng Charter change o Cha-cha. Ayon kay Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications Office at Palace Press Officer, hindi pa ito nabibigyan ng pansin sa alinmang meeting. “Sa ngayon po, hindi po iyan napag-uusapan sa anomang pagpupulong,” ani Castro. “Hindi po nabibigyan ng pansin kung anoman po ang suhestiyon patungkol sa Charter change sa ngayon.” Sinabi niyang ikokonsidera lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu kapag may malinaw nang konteksto at nilalaman na ihaharap sa kanya. “So, kung…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT NI LENI ROBREDO NA MAKIISA SA PEOPLE POWER CONCERT

INIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na dumalo at makiisa sa People Power 40 Kick-Off Concert sa Sabado (Pebrero 21) sa Quezon Memorial Circle. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Robredo ang poster ng event na inorganisa ng Mayors for Good Governance (M4GG) and Kaya Natin! At may temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.” “Everyone’s invited!! This concert is organized by Kaya Natin and Mayors for Good Governance,” wika ni Robredo sa kanyang post. Magsisimula ang pre-show ganap na alas-4 ng hapon…

Read More