DOJ MAGPAPATUPAD NG 4-DAY WORKWEEK

MAGPAPATUPAD ng apat na araw na workweek ang Department of Justice ngayong linggo bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bukas ang mga tanggapan ng DOJ mula Lunes hanggang Huwebes habang mananatiling operational ang mga frontline services tuwing Biyernes. “Tulong-tulong tayo para mapababa ang negative impact ng conflict sa Middle East sa atin,” ani Vida. Dagdag pa niya, plano rin ng ahensya na bawasan ang konsumo sa kuryente sa pamamagitan ng limitadong paggamit ng…

Read More

PAGREPASO SA OIL DEREGULATION LAW HINIRIT SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS

NANAWAGAN si House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina Rep Miro Quimbo sa Kongreso na repasuhin ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis kasunod ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran. Sa briefing ng House Committee on Ways and Means na dinaluhan ng mga kinauukulang ahensya, sinabi ni Quimbo na nagsisilbing “wake-up call” ang sabay-sabay na oil price hike ng mga kumpanya ng langis ilang araw matapos sumiklab ang sigalot sa Middle East. Ayon sa mambabatas,…

Read More

PNA SUPORTADO ‘NURSE IN EVERY BARANGAY BILL’ NI CAMILLE VILLAR

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine Nurses Association sa panukalang Nurse in Every Barangay Act ni Sen. Camille Villar. Sa pulong na ginanap nitong Lunes, sinabi ni Villar na layunin ng panukala na matiyak na may sapat na akses ang mga komunidad sa maaasahang serbisyong pangkalusugan. Sa ilalim ng panukala, bawat barangay ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang rehistradong nars upang tumulong sa paghahatid ng pangunahing serbisyong medikal. Pinahihintulutan din ang mga local government unit na magtalaga ng karagdagang nars depende sa laki ng populasyon at pangangailangan ng komunidad. Ayon…

Read More

PBBM PINAAAMYENDAHAN BIOFUELS ACT PARA SA MAS MURANG BIOETHANOL

NAKIKIPAG-UGNAYAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso upang amyendahan ang Biofuels Act of 2006 at payagan ang paggamit ng mas murang bioethanol bilang bahagi ng hakbang para mapababa ang presyo ng gasolina. Ayon sa Pangulo, makatutulong ang naturang panukalang batas upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan. “Kinakausap na natin ang Kongreso upang amyendahan ang Biofuels Act of 2006,” pahayag ng Pangulo sa isang video message. Sa kasalukuyan, inaatasan ng batas ang paggamit ng locally sourced bioethanol…

Read More

PBBM INANUNSYO MGA HAKBANG LABAN SA EPEKTO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan. Kabilang sa mga hakbang na binanggit ng Pangulo ang posibleng tax adjustments sa petroleum products, pagbibigay ng fuel subsidies, at pagpapatupad ng energy-saving measures sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na naapektuhan ang global oil supply dahil sa tensyon sa rehiyon, partikular sa pagdaan ng mga oil tanker sa Strait of…

Read More

Sa pagsirit ng presyo ng langis PUBLIKO HINIMOK ISUMBONG GAHAMANG GASOLINAHAN

HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga gasolinahang maagang nagtataas ng presyo ng langis. Kasabay nito, nanawagan naman si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na higpitan ang pagbabantay sa mga retailer at oil companies. Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang establisimyento ang nagtaas na ng pump prices bago ang nakatakdang price adjustment. Iginiit ni Lacson na ang maagang pagtataas ng presyo ng langis ay paglabag sa Republic Act No. 8479 at Republic Act No.…

Read More

GRUPO NG BFP RETIREES SUPORTADO PAGLILINIS SA KANILANG HANAY

SA kabila ng mga alegasyon ng katiwalian, nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) kay BFP chief F/Director Jesus Fernandez sa gitna ng mga pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Sa isang liham, pormal na ipinahayag ng BFPRAPI ang buong suporta nito sa kasalukuyang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sa nagpapatuloy na internal reforms, habang nananawagan din ng patas na pagkilala sa todo-todong kampanya ng ahensya upang linisin ang sarili nitong hanay.…

Read More

BOC NAGPATUPAD NG MONITORING SA OIL IMPORTS

UPANG matiyak ang katumpakan at pagiging maaasahan ng mga datos na isinusumite ng district ports, pinahintulutan ang BOC-OIL Task Force na i-validate ang mga ulat sa pamamagitan ng inspeksyon at pagsusuri ng mga dokumento. Maari ring humiling ang Task Force ng regular na pagsusumite ng mahahalagang impormasyon mula sa mga stakeholder sa industriya upang suportahan ang inisyatibo ng pagmamanman. Maaari rin itong magrekomenda ng pag-isyu ng summons kung kinakailangan upang matiyak ang pagsunod. Ang lahat ng natuklasan at ulat na mabubuo sa ilalim ng pagsisikap na ito ay isusumite sa…

Read More

DOH SUPORTADO BAGONG BALIKBAYAN ACT

SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang panukalang Bagong Balikbayan Act na naglalayong magtatag ng komprehensibong reintegration framework para sa mga overseas FilipinowWorker (OFW) na bumabalik sa bansa. Ayon sa DOH, mahalagang matugunan ang mga isyung pangkalusugan ng mga returning OFW, kabilang ang mga kondisyong medikal at psychosocial stress na dulot ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng reintegration framework lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, na maaaring magresulta sa pag-uwi ng mas maraming OFW na mangangailangan ng medical at psychosocial…

Read More