FRASCO TAGILID NA SA DOT

SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw. “Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing. Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.” Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial…

Read More

20.5 KILO NG SHABU NADISKUBRE SA KETCHUP AT MAYONNAISE CONTAINERS

NADISKUBRE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ketchup at mayonnaise containers ang tinatayang nasa 20.5 kilo ng crystal meth o shabu makaraang madakip ang dalawang hinihinalang kasabwat ng isang bigtime drug syndicate, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkoles. Tinatayang nasa P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service, katuwang ang PDEA Regional Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group. Naaresto ang dalawang high-value…

Read More

PBBM: ‘PINAS KUMIKILOS PARA MA-EXTRADITE SI ZALDY CO

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Portugal upang mapadali ang posibleng pagbabalik sa bansa ni dating cong. Zaldy Co. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinakailangan ang kooperasyon ng bansang kinaroroonan ni Co dahil walang hurisdiksyon ang mga awtoridad ng Pilipinas na arestuhin siya sa ibang bansa. “You cannot bring him home because that is not the way it works. We have to ask the assistance of the country where he is in, which is presently Portugal,” pahayag ng Pangulo sa panayam sa New York City.…

Read More

P5K FUEL SUBSIDY SA DRIVERS ILALABAS NA NEXT WEEK

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong driver na naapektuhan ng pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan. Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto, ang mga alkalde ng Metro Manila upang plantsahin ang distribusyon ng tulong. “Bilang mayors, kayo ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga tricycle at jeepney drivers sa inyong mga lungsod. Kaya mahalaga ang ating pagtutulungan,” pahayag ni Recto. Magsisimula na sa susunod na…

Read More

PETISYON SA DUTERTE CUSTODY PINAAAKSYUNAN SA SC

KINALAMPAG ni Senador Robin Padilla ang Supreme Court upang agarang aksyunan ang mga petisyong may kaugnayan sa custody ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso nito sa International Criminal Court (ICC). Kasama ang grupong “Tay, Kami Naman Movement,” nagtungo si Padilla sa SC nitong Martes upang suportahan ang muling pagsusumite ng signature campaign ng mga tagasuporta ni Duterte. Ayon sa senador, umaabot na sa 238,561 Pilipino ang lumagda sa petisyon na humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mga nakabinbing kaso hinggil sa pagbabalik ng dating pangulo.…

Read More

HIRIT NA EXTENSION NI JINGGOY PINAGBIGYAN NG DOJ

PINAGBIGYAN ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ni Senador Jinggoy Estrada na palawigin ang pagsusumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng 11 counts of graft na isinampa laban sa kanya. Kinumpirma ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na pinayagan ng panel of prosecutors ang kahilingan ni Estrada ngunit hanggang tatlong araw lamang o hanggang Marso 12. Pagkatapos ng nasabing petsa ay isusumite na ang kaso para sa resolusyon. Ayon sa mensahe ni Martinez sa mga mamamahayag: “Sen. Estrada requested for another extension to file his counter-affidavit. He was given a…

Read More

CHARTERED FLIGHTS READY NA PARA SA OFWs SA MIDDLE EAST

NAKAHANDA na ang chartered flights para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais makauwi ng Pilipinas mula sa Gitnang Silangan sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga flight para sa mga Pilipinong nais magpa-repatriate. Sinabi ni Castro na 16 OFWs mula sa Tel Aviv, Israel ang nagbiyahe sa pamamagitan ng lupa patungong Eilat at tumawid sa Taba Border Crossing papasok ng Egypt. Mula roon ay lilipad sila sa rutang Cairo–Muscat–Manila na…

Read More

Sa kabila ng gulo sa Middle East PALASYO: WALANG DAHILAN MAG-PANIC BUYING, HOARDING

WALANG nakikitang dahilan ang Malacañang para mag-panic buying ang publiko sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sapat at kumpleto pa ang suplay ng fuel at mga pangunahing bilihin sa bansa kaya walang dahilan para mag-hoard ang mamimili. “Hindi po kailangan magkaroon ng panic buying dahil kumpleto naman po at enough pa po ang supply, lalong-lalo na ang ating fuel at ang ating mga basic commodities,” ani Castro. Sinabi rin nito na batay sa ulat ng Department…

Read More

PERJURY COMPLAINT VS 18 ‘MALETA BOYS’ ISINAMPA SA DOJ

DUMIRETSO sa Department of Justice (DOJ) sina Rep. Leila de Lima at Fr. Flavie Villanueva upang magsampa ng hiwalay na kaso laban sa 18 dating sundalo na tinaguriang “maleta boys,” matapos nauna nilang magsumite ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI). Sa DOJ, sinampahan nila ng reklamong perjury ang mga dating sundalo na lumagda sa isang joint affidavit na kamakailan ay isinumite sa Office of the Ombudsman. Itinuring ni De Lima na kasinungalingan ang alegasyon sa affidavit na nakipagpulong umano siya kay dating House Speaker Martin Romualdez. Muli rin…

Read More