WALANG ‘PREMATURE’ SA ANUNSYO NI PBBM UKOL KAY ZALDY CO — MALACAÑANG

IGINIIT ng Malacañang na walang “premature” sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co na napaulat na nahuli sa Prague. Nauna nang iniulat na si Co ay naharang ng mga awtoridad sa Czech Republic. Tinanong ng mga mamamahayag si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kaugnay ng umano’y hindi beripikadong impormasyon na ibinahagi ng Pangulo tungkol sa kalagayan ni Co. “Ano ba ang inanunsyo ng Pangulo? Hindi ba ang inanunsyo ng Pangulo na, unang-una, ay nahuli si Zaldy Co—totoo naman;…

Read More

CIDG-NCR INABSWELTO NG PNP SA E-SABONG RAID

NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng CIDG-NCR kaugnay ng anti-e-sabong operation sa Coliseo de Manila noong Marso 24. Ito ay matapos magreklamo ang pamunuan ng cockpit arena hinggil sa umano’y pagnanakaw ng mga operatiba. Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, ang nakita sa CCTV na kinuha ng undercover operative ay isang betting ticket na bahagi ng ebidensya sa entrapment operation. Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng 170 indibidwal, kabilang ang 130 mananaya. Sinalakay ang lugar dahil sa hinalang may operasyon ng e-sabong at posibleng koneksyon sa negosyanteng si…

Read More

1-BUWANG EXTENSION NG ITR FILING MAGTATAPOS SA MAYO 15

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026. Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na mabigyan ng sapat na oras ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang mga dokumento. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na ang isang buwang extension ay magbibigay ng pagkakataon sa publiko na makapagsumite at makapagbayad nang walang penalty o surcharge. Maaaring maghain ng ITR sa pamamagitan ng electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue…

Read More

Inton sa impeachment kay VP Sara NUMBERS GAME SA KAMARA AT SENADO

UMIINIT ang usapin sa posibleng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte habang nagpapatuloy ang pagdinig sa House Committee on Justice ng House of Representatives. Ayon kay Atty. Ariel Inton, kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa one-third ng kabuuang miyembro ng Kamara upang maaprubahan ang resolusyon na naglalaman ng articles of impeachment o upang i-override ang anomang taliwas na rekomendasyon ng komite, alinsunod sa Article XI, Section 3(3) ng Konstitusyon. Kapag nakamit ang nasabing bilang, ipapasa ang articles of impeachment sa Senado na magsisilbing impeachment court. Nilinaw ni Inton…

Read More

PAGSASAPELIKULA SA YULDONG HEROISM ISINULONG NG DND CHIEF

ISINUSULONG ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paggawa ng pelikula hinggil sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Koreano sa panahon ng Korean War, partikular sa makasaysayang Battle of Yuldong o Yultong. Sa kanyang talumpati sa ika-75 anibersaryo ng labanan sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Teodoro na nananatiling kulang ang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalong Pilipino. “Yuldong heroism remains under-told,” ayon sa Kalihim, na iginiit na hindi sapat ang tradisyunal na paggunita upang maiparating sa publiko ang kahalagahan ng naturang labanan. Binigyang-diin…

Read More

HINDI KAPANI-PANIWALANG BINTANG NI BERNARDO KAY REVILLA MAGBIBIGAY-DAAN SA PIYANSA — DEPENSA

TINAPOS na ng Sandiganbayan ang mga pagdinig sa petisyon para sa piyansa na inihain ng dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., kung saan iginiit ng depensa na nabigo ang prosekusyon na patunayan na malakas ang ebidensya ng pagkakasala. Sa sampung araw ng pagdinig, nagharap ang prosekusyon ng hindi bababa sa 20 saksi upang iugnay si Revilla sa umano’y maling paggamit ng ₱92.8 milyong pondo para sa flood control project sa Pandi, Bulacan. Gayunman, batay sa mga naitalang testimonya, maliban sa tatlong saksi na magkakaugnay ay kinilala ng lahat…

Read More

DOJ: ZALDY CO NASA HURISDIKSYON PA NG CZECH AUTHORITIES

MANILA — Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes na nananatili sa hurisdiksiyon ng mga awtoridad sa Czech Republic si dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, batay sa pinakahuling ulat, nasa ilalim pa rin ng hurisdiksiyon ng Czech authorities si Co. “Latest report we have is he is still within the jurisdiction of Czech authorities,” ani Martinez. Ginawa ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na hindi umano inaresto si Co sa naturang bansa. Binigyang-diin ni Martinez na may partikular na legal na kahulugan ang…

Read More

PH HANDA NA SA ASEAN SUMMIT

“ALL systems go” na ang Pilipinas sa pagho-host nito ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit, ayon sa Malacañang. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, “on track” na ang preparasyon ng bansa bago ang regional gathering na gaganapin mula Mayo 7 hanggang 8. Sinabi ni Castro na nagbigay na ng briefing si Executive Secretary Ralph Recto, na siyang chairman ng ASEAN National Organizing Committee, kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kalagayan ng paghahanda. “All systems go po. Handa po tayo,”…

Read More

MALAKANYANG TATALIMA SA SC ORDER HINGGIL SA HEALTH, DRUG TEST NI PBBM

TINIYAK ng Malakanyang na susunod sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto sa direktiba ng Supreme Court na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw kaugnay sa petisyong inihain laban sa kanila. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tutugunan ng Pangulo at ni Recto ang kautusan ng Korte Suprema. “Kung utos po ng Supreme Court iyan ay gagawa po kami ng kaukulang komento,” ani Castro. Ang petisyon para sa writ of mandamus ay inihain nina Pantaleon Alvarez at iba pang indibidwal upang hilingin ang paglalabas…

Read More