ISASAMPA na ngayong araw ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sa Korte Suprema ang kanyang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Unprogrammed Appropriations (UA) sa 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon. “Bukas,” sagot ni Erice nang tanungin kahapon kung kailan niya ihahain ang petisyon matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2026 General Appropriations Act (GAA). Bagama’t vineto ng Pangulo ang bahagi ng UA mula P243 bilyon ay binawasan ng P92.5 bilyon, iginiit ni Erice na magpapatuloy pa rin siya sa pagkuwestiyon nito dahil nananatili umano…
Read MoreCategory: NASYUNAL
BAWAS, DELAY SA SAHOD, PENSYON NG GOV’T WORKERS ITINANGGI NG DBM
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi maaantala o mababawasan ang sahod, pension at retirement benefits ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng 2026 national budget. Kasabay ng pagbasura sa kumakalat na ulat, sinabi ng Malacañang na “false and misleading” ang mga balitang may kaltas o tapyas sa pensyon at retirement benefits ng government workers. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, iginiit ng DBM na nananatiling buo at “fully allocated” ang sahod, mga inaprubahang umento at benepisyo ng mga…
Read MoreZALDY CO SINAMPAHAN NG BAGONG PLUNDER COMPLAINT SA DOJ
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na may bagong reklamong kinakaharap si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng plunder complaint laban kay Co, bukod-tangi sa pitong panibagong reklamong inihain sa kagawaran. Nilinaw ni Martinez na hiwalay pa ang reklamong plunder sa limang naunang kaso na may kinalaman din sa flood control projects. Ang anim sa mga bagong reklamo ay tumutukoy sa mga proyektong iniulat na “completed” ngunit…
Read MoreNanawagang huwag lubayan flood control issue BBM MASTERMIND NG KORUPSYON – CHAVIT
NANAWAGAN si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na ibalik sa sentro ng usapan ang isyu ng flood control projects at ipagpatuloy ang imbestigasyon ngunit hindi na sa ilalim ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na umano’y wala nang kredibilidad matapos ang sunod-sunod na pagbibitiw ng mga miyembro nito. Sa press conference sa Club Filipino sa San Juan City kahapon, iginiit ni Singson na dapat muling ilabas at pagsalitain si Sarah Discaya dahil marami pa umano itong isisiwalat kaugnay ng korupsyon sa mga flood control project ng Department of…
Read MoreP92.5-B UA vineto ni Marcos ‘EPALITIKO’ BURADO NA SA BIGAYAN NG AYUDA
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang pag-veto sa ilang items sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations (UA) na may kabuuang P92.5 bilyon sa 2026 national budget na inaprubahan ng Kongreso. Sa kanyang talumpati sa paglagda ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, iginiit ni Marcos na ang UA ay dapat gamitin lamang sa ilalim ng malinaw na tinukoy na mga kondisyon at may sapat na pananggalang upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo. “To ensure that public funds are expended in clear service…
Read MorePag-veto sa P92-B UA pampalubag-loob KORUPSYON SA MARCOS ADMIN TULOY – MAKABAYAN
“WALANG pagbabago, walang reporma, walang hustisya. Only the continuation of a corrupt, anti-people system that has plagued this country for decades”. Reaksyon ito ng Makabayan bloc congressmen matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang P6.793 trilyong pambansang pondo ngayong taon na batbat umano ng pork barrel, political patronage at sistematikong korupsyon sa pamahalaan. Bagama’t umaabot sa P92.5 billion ang vineto ni Marcos sa Unprogrammed Appropriations (AU), tinawag ng Makabayang bloc na “pampalubag-loob” lamang ito para mawala ang atensyon ng publiko sa bilyon-bilyong pork barrel na hindi ginalaw ni…
Read MoreDOH: ROAD CRASH MAS MALAKING BANTA SA KALUSUGAN KAYSA PAPUTOK
MAS itinuturing ng Department of Health (DOH) na isang public health concern ang mga aksidente sa kalsada kaysa sa mga insidente ng paputok noong nagdaang holiday season. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mas nakaaalarma ang dami ng road crash kumpara sa mga naputukan, lalo’t may mga nasawi hindi lamang sa banggaan kundi pati sa mga simpleng insidente ng pagtawid at pagkakasagasa. Ani Herbosa, umabot sa 1,384 ang naitalang road crash injuries, mas mataas kaysa bilang ng mga biktima ng paputok. Sa datos ng DOH, 7 hanggang 10 sa mga…
Read MoreQUIRINO GRANDSTAND ININSPEKSYON NG MMDA BAGO PISTA NG NAZARENO
PORMAL na ipinakilala at tinanggap ni MMDA Chairman Atty. Don Artes si dating PNP chief at bagong talagang MMDA General Manager Nicolas Torre III sa isang press conference sa MMDA head office sa Pasig City nitong Lunes, Enero 5, 2025. Nangako si Torre na dadalhin niya sa ahensya ang kanyang karanasan sa law enforcement sa pang-araw-araw na operasyon ng MMDA sa ilalim ng pamumuno ni Artes, kabilang ang pagpapatupad ng mas mabilis na emergency response na kahalintulad ng limang minutong response time na ipinatupad niya noong siya ay nasa PNP.…
Read MoreKukuwestiyunin sa SC ng solon ‘PORK’ NI PBBM SA 2026 BUDGET PINABUBURA
(BERNARD TAGUINOD) NAGHAHANDA na ang legal team ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng 2026 national budget sakaling hindi iveto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bahagi nito, partikular ang P243 bilyong unprogrammed appropriations (UA). Ngayong araw inaasahang lalagdaan ni Marcos ang pambansang pondo na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, matapos maantala ang pagpapatibay nito ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre. Ayon kay Erice, dapat i-veto ng Pangulo ang UA dahil kung hindi ay ihahain nila ang usapin sa Kataas-taasang Hukuman. “Ang…
Read More