NASA full capacity o umabot na sa 300% ang kapasidad ng emergency room ng mga ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng leptospirosis. Pinaalalahanan naman ng mga ospital ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency care na magpasensya dahil sa dagsa ng mga pasyente. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kahit gaano kalaki ang emergency room ng Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital, “overwhelmed” na ang mga ito sa dami ng pasyenteng nangangailangan ng atensiyong medikal. Patuloy namang hinihikayat ng…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
PBBM, BUKAS SA MAS MABIGAT NA PARUSA PARA SA LOOSE FIREARMS
BUKAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa illegal possession ng loose firearms kasunod ng mga fatal shooting incident sa loob ng mga paaralan na sangkot ang mga menor de edad. Inilarawan naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang “good” ang pagsusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gawing non-bailable offense ang ilegal na pagmamay-ari ng loose firearms at magpataw ng hanggang 20 taong pagkakakulong. “Ito ay naging magandang…
Read MoreBAGONG KONGRESO DAPAT MAGSIMULA SA MORAL RECOVERY — SPEAKER DY
NANAWAGAN si House Speaker Faustino Dy III ng “moral recovery” o pagbabagong-moral sa loob ng Kamara, kasabay ng pagbibigay-diin na ang tunay na tagumpay ng tinatawag na Bagong Kongreso ay hindi nasusukat sa dami ng mga naisabatas kundi sa kakayahang maging tapat na lingkod-bayan at maibalik ang tiwala ng publiko. Sa kanyang talumpati matapos ang Misa sa Batasang Pambansa, sinabi ni Dy na ang pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko ay nangangailangan ng paninindigan sa integridad, konsensya at kabutihang panlahat sa bawat desisyon ng mga mambabatas. “I have said this before…
Read MoreInirekomenda na ng DOJ KASONG KRIMINAL VS PULIS NA TIYAHIN NG SUSPEK SA TACLOBAN SHOOTING
INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa isang police officer na tiyahin ng 14-anyos na batang lalaki na pinaghihinalaang nagpaputok ng baril sa isang paaralan sa Tacloban City noong nakaraang buwan. Kinumpirma ni DOJ Spokesperson Polo Martinez nitong Martes na inirekomenda ng tanggapan ng city prosecutor ng Tacloban City ang pagsasampa ng kasong “reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries” laban kay Police Staff Sergeant Arla Rey Pacencia. Kaugnay ito ng pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22 na…
Read MoreQUALIFIED PROFESSIONALS HINIKAYAT MAGING SCHOOL COUNSELORS SA MARIKINA
HINIKAYAT ni Marikina City Mayor Marjorie “Maan” Teodoro ang mga kwalipikadong propesyunal na mag-apply bilang mga full-time school counselor. Layon ng panawagang ito na punan ang kakulangan sa mga guidance counselor para tutukan ang mental health ng mga estudyante. Bunsod ito ng halos sunod-sunod na mga insidente ng pagpapakamatay, depression, at school shooting sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan karamihan sa mga ito ay nakaranas ng bullying. Bilang pagtalima sa programang ito ng Department of Education (DepEd), may kabuuang 31 bukas na posisyon bilang School Counselor Associate I,…
Read MoreSC INABSWELTO DEPOSITOR SA PAGKAKAMALI NG BANKO
HINDI maaaring pilitin ng banko na isauli ng isang depositor ang perang na-withdraw na dahil sa kapabayaan mismo ng banko, ‘yan ang nilinaw ng Supreme Court. Ibinasura ng SC 3rd Division ang petisyon ng BDO Unibank, Inc. dahil sila mismo ang hindi sumunod sa sarili nilang patakaran. Nag-ugat ang kaso nang magdeposito si Cristina Barcellano ng P151,200 na regional check galing LandBank Albay sa kanyang BDO Lucena City savings account. Nagkamali ang teller ng BDO at na-validate ito bilang “local check” imbes na “regional check”. Dahil dito, na-credit agad ito…
Read MoreIBA PANG ‘KAKAIBANG’ PANGALAN LUMITAW SA ACKNOWLEDGMENT RECEIPTS NG OVP CONFIDENTIAL FUNDS
MAS marami pang kakaibang pangalan ang lumitaw sa mga acknowledgment receipt para sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), habang binusisi ng prosekusyon ng Kamara kung personal na matitiyak ng dating Special Disbursing Officer (SDO) na si Gina Acosta na aktwal na nakatanggap ng pera ang mga indibidwal na nakalista sa mga dokumento. Kabilang sa mga pangalang nasa mga resibong ipinrisinta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina “Antonio Pagong,” “Timon Andrew Pusa,” “Don Piang,” “Shane Ngitngit” at “Xuniso P. Belat.” Makikita sa mga resibo…
Read More250K DOXYCYCLINE CAPSULES, INIHANDA NG MAYNILA LABAN SA LEPTOSPIROSIS
SA gitna ng posibilidad ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa Maynila, naghanda ang lokal na pamahalaan ng mahigit 250,000 doxycycline capsules na maaaring makuha sa mga health center at ospital ng lungsod. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, mahalaga ang maagang paghahanda dahil maaaring lumabas ang impeksiyon ilang araw matapos lumusong sa baha dulot ng malalakas na pag-ulan. Sinabi ni Mayor Isko na nakahanda ang mga ospital at health center sa ilalim ng lokal na pamahalaan sakaling tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis. Aniya, mayroong pitong…
Read MoreSUSPEK SA MAMASAPANO SAF 44 ENCOUNTER, NAPATAY
NAPATAY ang itinuturing na kilabot na gun-for-hire at notorious drug personality na pinaghahanap ng batas kaugnay ng malagim na “Mamasapano SAF 44” encounter noong 2015 sa isinagawang law enforcement operation sa Maguindanao del Sur kamakalawa ng umaga. Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson, napatay sa engkwentro si Rambo London Guiasalim, alyas “London,” ng Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Batay sa impormasyon ni Salanguit, wanted si Guiasalim sa kasong murder at kabilang umano sa mga sangkot sa 2015 Mamasapano encounter na ikinasawi ng…
Read More