ARESTADO ang limang miyembro ng tinaguriang “Gapos Gang” habang apat pa nilang kasamahan ang nakatakas matapos umatake sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong Lunes, Hulyo 13. Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Police Brigadier General Melecio Buslig Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ahorn,” 27; alyas “Don-Don,” 52; alyas “Oryong,” 21; alyas “Ric,” 42; na pawang mula sa Nueva Ecija at Isabela; at si alyas “Beshir,” 43. Samantala, nakatakas naman si alyas “Lloyd” at tatlo pa nitong kasamahan at kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad. Batay…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
KWENTO NI ATTY. SHIELA GOMEZ TAMPOK SA PINAKABAGONG GCASH STORIES
TAMPOK ang kuwento ng tagumpay at determinasyon ni Atty. Sheila Gomez, isang GLoan user, sa ikaanim na yugto ng GCash Stories: Kasama Mo Mangarap, na naglunsad ng isang maikling pelikula tungkol sa kanyang buhay noong Hulyo 14. Bilang nag-iisang breadwinner ng kanilang pamilya, ibinahagi ni Gomez na naging maaasahang katuwang niya ang GLoan, pangunahing cash loan product ng Fuse, ang lending arm ng GCash, habang nag-aaral siya ng abogasya. Nagbunga ang kanyang pagsisikap nang makapasa siya sa 2024 Bar Examinations sa kanyang ikalawang pagtatangka at kalaunan ay nakapagtatag ng sarili…
Read MoreMARCOLETA SA JULY 15 PA MAILILIPAT SA DETENTION FACILITY
INIHAYAG ni Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine ng PNP General Hospital (PNP-GH), na maaari nang ibyahe at mailipat sa detention facility si Senador Rodante Marcoleta. Ayon kay Bayani, kailangan lamang makumpleto ng senador ang iniinom nitong antibiotics para sa kanyang mild pneumonia. Sinabi ni Bayani na tinatapos na lamang ni Marcoleta ang kanyang antibiotic treatment hanggang Hulyo 15. Sa kabila ng pagiging “fit for travel” ng senador, sinabi ni Bayani na hindi pa niya matiyak ang eksaktong araw at oras ng paglilipat kay Marcoleta sa detention…
Read MorePAHINANTE, NASANGKOT SA AWAY; NAHULIHAN NG SHABU
SWAK sa kulungan ang isang pahinante na nasangkot sa isang away matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City nitong nakalipas na linggo. Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Jomark,” 40-anyos, binata, pahinante at residente ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Ayon kay Police Staff Sergeant Raymund Fallarme, imbestigador ng Quezon City Police District (QCPD) Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 1-Laloma, dakong alas-7:20 ng gabi noong Hulyo 9 nang madakip ang suspek sa Barangay Hall ng Apolonio Samson. Sinabi ni Fallarme na…
Read MoreSEN. MARK VILLAR, NAGBIGAY-PUGAY KAY ALEX EALA SA MAKASAYSAYANG TAGUMPAY SA WIMBLEDON
NAGHAIN si Senador Mark Villar ng Senate Resolution No. 507 upang magbigay-pugay at pagbati sa Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Maniego Eala bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang mga tagumpay at mahalagang ambag sa larangan ng tennis, gayundin sa pagiging inspirasyon nito sa milyun-milyong Pilipino, lalo na sa kabataan. Kinikilala ng resolusyon ang makasaysayang kampanya ni Eala sa 2026 Wimbledon Championships, kung saan siya ang naging kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Round of 16 ng isang Grand Slam singles tournament matapos talunin ang ilan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa…
Read MoreWALANG PUTULAN SA MGA HINDI BAYAD NA BILLS MULA MAYO HANGGANG HUNYO, AYON SA MERALCO
Nilinaw ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi puputulan ng serbisyo ang mga customer na may nakabinbing concern sa kanilang bill sa kuryente habang isinasagawa ang rebyu ng kanilang kaso. “Nais naming linawin na ang mga customer ng Meralco na may nakabinbing billing concerns ay rin hindi mapuputulan ng serbisyo ng kuryente habang isinasagawa ang imbestigasyon,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. Binigyang-diin din ng Meralco na nananatiling suspendido sa buong bansa ang pagpapatupad ng disconnection activities para sa lahat ng hindi pa…
Read MorePILIPINAS KINONDENA PAHAYAG NG ILANG CHINESE SCHOLARS NA PAG-AARI NG CHINA ANG BATANES
MARIING kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang panibagong revisionist narrative ng ilang Chinese scholars na nagsasabing bahagi umano ng teritoryo ng China ang Batanes dahil ito ay extension ng Taiwan na itinuturing nilang isang probinsiya ng Beijing. Mariing itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang pahayag at iginiit na matagal nang malinaw at hindi mapag-aalinlanganan ang soberanya ng Pilipinas sa lalawigan ng Batanes. Ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., dapat agad at mariing salungatin ang naturang naratibo at imulat ang mga like-minded nations sa aniya’y taktika…
Read More10 PATAY SA LANDSLIDE DULOT NG BAGYONG INDAY AT HABAGAT
SAMPU katao, kabilang ang ilang bata, ang iniulat na nasawi sa landslide na dulot ng Bagyong Inday at pinalakas na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat sa Barangay Poblacion sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Region XII Director Rodrigo Sosmeña, nakatanggap sila ng inisyal na ulat bandang alas-10:30 ng umaga hinggil sa naganap na landslide sa lugar. “Reported ito kaninang umaga bandang alas-diyes nang makarating sa amin ang report. Sa Poblacion ng Malapatan nagkaroon ng landslide,” ani Sosmeña. Ipinaliwanag ng opisyal na hinila…
Read MoreIMPEACHMENT TRIAL NAKAAYON SA BATAS, HINDI SA 2028 POLITICS – MALAKANYANG
IGINIIT ng Malakanyang na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay nakaayon sa batas at hindi bahagi ng anumang plano upang pigilan siyang tumakbo sa 2028 presidential elections. Ito ay kasunod ng pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na naniniwalang ang impeachment laban sa kanyang kapatid ay may layuning hadlangan itong tumakbo sa 2028 elections. Sa isang panayam habang nasa The Hague, Netherlands, inamin ng alkalde na hindi niya sinusubaybayan ang impeachment trial na nagsimula noong Lunes dahil, aniya, matagal nang nakaplano ng administrasyon ang…
Read More