NAILIGTAS ng Bureau of Immigration (BI) ang walong pasaherong patungong Indonesia matapos mapag-alamang posibleng biktima sila ng ilegal recruitment gamit ang tinatawag na “catphishing” modus. Ang walong pasahero, edad 26 hanggang 49, ay binubuo ng limang lalaki at tatlong babae. Sila ay hinarang noong Agosto 7 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang naghahandang bumiyahe patungong Surabaya, Indonesia, sa pamamagitan ng Malaysia. Sa unang pagtatanong, sinabi ng mga pasahero na pupunta sila sa Indonesia para sa limang araw na bakasyon at kasama umano ang kanilang mga dating katrabaho…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Sa operasyon kontra ilegal na yosi 13 TAUHAN NG PNP-HPG NA ‘NAKASAGUPA’ NG BOC SIBAK
SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Regional Highway Patrol Group-National Capital Region (RHPG-NCR) at 12 iba pang tauhan nito matapos ang umano’y komprontasyon sa mga personnel ng Bureau of Customs (BOC) sa Bulacan. Iniutos ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Brig. Gen. Rommel Batangan ang pag-relieve sa mga sangkot na personnel ng HPG-NCR. Kasunod ito ng mga ulat ng umano’y komprontasyon ng mga tauhan ng HPG-NCR at BOC kaugnay ng pagsira o disposal ng mga nakumpiskang smuggled cigarettes sa Bulacan. Iniutos ni Batangan ang paglilipat sa mga sangkot…
Read MorePHLPOST NAGBABALA LABAN SA ‘SMISHING’ AT INTERNET SCAMS
NAGBABALA ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na text message o “smishing” na gumagamit sa pangalan at pagkakakilanlan ng ahensya upang makakuha ng personal at sensitibong impormasyong pinansyal. Ayon sa PHLPost, karaniwang nagpapadala ang mga scammer ng text message na may kasamang kahina-hinalang link at nagsasabing may problema umano sa paghahatid ng isang parcel dahil sa hindi kumpletong address o kailangan ng agarang pagbabayad ng “redelivery fee” gamit ang credit o debit card. Mariing nilinaw ng PHLPost na hindi nagmumula sa ahensya ang mga ganitong…
Read MorePNP FINANCE SERVICE, WALANG INAPRUBAHANG ONE-MONTH MORATORIUM SA LOAN PAYMENT
NILINAW ng PNP Finance Service na wala itong inaprubahan o ipinatupad na one-month moratorium sa loan payments ng mga police personnel, kasunod ng kumakalat na impormasyon sa social media. Ayon sa Finance Service, hindi ito ang tanggapan na nag-aapruba o nagpo-proseso ng loan moratorium. Wala rin umano itong ipinataw, dineklara, inaprubahan o inilabas na naturang moratorium sa mga bangko, lending companies at iba pang financial institutions. Pinaalalahanan ng Finance Service ang mga pulis na ipagpatuloy ang pagbabayad sa kanilang mga obligasyon alinsunod sa kanilang loan agreements, maliban kung may opisyal…
Read More‘NENENG’ POSIBLENG BUMALIK BILANG BAGYO; 2 PANG LPA BINABANTAYAN NG PAGASA
MAY posibilidad na bumalik at muling maging tropical depression ang dating Tropical Storm Neneng na isa nang low pressure area (LPA) at kasalukuyang kumikilos palayo sa Pilipinas, ayon sa state weather bureau. Ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ibinahagi ng Office of Civil Defense (OCD), alas-8 ng umaga nitong Agosto 21, ang LPA 08f, na dating “Neneng,” ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at may katamtamang posibilidad na muling maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.…
Read MoreTEODORO: CHINESE EMBASSY, MISTULANG PR FIRM NI TONY YANG
TINAWAG ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na mistulang public relations firm ng negosyanteng si Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese national sa bansa ang Chinese Embassy sa Pilipinas. Ayon kay Teodoro, malinaw mula sa mga pampublikong pahayag ng embahada nitong mga nakaraang araw na kino-cover up o pinagtatakpan nito si Yang. Kasabay nito, nanawagan ang kalihim sa publiko na kondenahin ang naturang hakbang ng embahada. Sinabi pa ni Teodoro na sa lahat ng embahada sa bansa ay ngayon lamang siya nakakita…
Read MorePROSESO NG SUSPENSYON NG KLASE, TRABAHO NILINAW NG NDRRMC AT OCD
IPINALIWANAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) ang proseso sa pagsususpinde ng klase at trabaho sa gitna ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at mga nagdaang bagyo. Kasunod ito ng sunod-sunod na deklarasyon ng work-from-home arrangements at alternative learning modalities para sa mga manggagawa at estudyante dahil sa epekto ng sama ng panahon. Ayon sa OCD, ang desisyon sa suspensyon ng klase at trabaho ay nakabatay sa siyentipikong impormasyon, pagsusuri sa mga bantang panganib at…
Read MoreZAMBOANGA SHOOTING PASOK SA TERROR ACT — VIDA
TINAWAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na isang terrorism o terror act ang naganap na pamamaril sa Zamboanga City dahil nagdulot ito ng takot sa publiko. Ito ang inihayag ni Vida habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga law enforcement agencies, bagama’t iginiit niyang hindi muna niya maaaring ibahagi ang iba pang detalye sa isinasagawang operasyon. “On the aspect of it being a terrorist act, definitely nakikita naman because the purpose of terrorism is to sow fear in the general population. So pag nakita nyo that element of…
Read MoreSOCIAL MEDIA BAN SA EDAD 16 PABABA IPAPRAYORIDAD SA SENADO
NANGAKO ang mga senador na ipaprayoridad ang pagtalakay at pagsasabatas ng mga panukalang naglalayong ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga edad 16 pababa. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na malinaw sa mga scientific research sa iba’t ibang bansa na may negatibong epekto ang social media sa mga bata, kabilang ang posibilidad na mahikayat silang gumawa ng karahasan at krimen. Ayon kay Gatchalian, naaapektuhan din ng social media ang mental health, kaligtasan, at kapakanan ng mga pamilya at komunidad. Dahil dito, iginiit ng senador…
Read More