IMPEACHMENT COURT PINABORAN DALAWANG MOSYON NG PROSEKUSYON

PINABORAN ng Senate Impeachment Court ang dalawang procedural motion ng House Prosecution Team sa kabila ng pagtutol ng kampo ni Vice President Sara Duterte. Pinayagan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang mosyon ng prosekusyon na kunin ang judicial notice ng mga naging pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Justice. Saklaw ng judicial notice ang mga opisyal na transcript, audiovisual recordings, at committee reports ng naturang mga pagdinig. Nilinaw ni Escudero na kinikilala lamang ng korte ang pagiging opisyal…

Read More

Database kontrolado ng dayuhan DATOS NG MOTORISTA NANGANGANIB – LTO

NABABAHALA ang Land Transportation Office (LTO) sa House Committee on Transportation na maaaring malagay sa panganib ang personal na impormasyon ng milyun-milyong lisensyadong motorista at mga may-ari ng sasakyan dahil hindi pa rin umano ganap na kontrolado ng ahensya ang pangunahing database system nito. Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni LTO Executive Director Atty. Martin P. Ontog na lumabas sa isinagawang imbestigasyon sa nationwide outage ng Land Transportation Management System (LTMS) noong Hunyo 3 na may naitalang login activity noong Hunyo 2 gamit ang account na iniuugnay sa dayuhang vendor,…

Read More

MGA DATING DISBURSING OFFICER NG OVP AT DEPED, SUSUNOD NA TESTIGO SA IMPEACHMENT TRIAL

KABILANG sa mga susunod na testigo ng House Prosecution Team sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Agosto 10, 11 at 12 sina dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer Gina Acosta at dating Department of Education (DepEd) Special Disbursing Officer Edward Fajarda, na kapwa dating tauhan ni Vice President Sara Duterte. Nagpalabas din ang impeachment court ng subpoena ad testificandum at subpoena duces tecum kina Acosta at Fajarda, gayundin ng subpoena para kay Commission on Audit (COA) Intelligence and Confidential Funds Audit Office Supervising Auditor Celine May…

Read More

LUPA SA PAX SILICA VENTURE NAKALAAN NA NOON PANG 2019

IGINIIT ng Malacañang na matagal nang nakalaan ang lupang gagamitin para sa Pax Silica project at hindi maaapektuhan ng naturang proyekto ang mga magsasaka. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inilatag na ang buildable areas o alokasyon ng lupang gagamitin para sa proyekto noong 2019, kasabay ng paghahanda para sa Southeast Asian (SEA) Games. Sinabi ni Castro na may nakalaan ding 6,000 ektarya para sa open green spaces, forest reserves at designated zones para sa upland farming. Aniya, nasa 3,500 ektarya lamang ang…

Read More

PAG-IISYU NG TRO SA WAGE ORDER WAWAKASAN NG SENADO

NAGHAIN si Senador Raffy Tulfo ng panukalang naglalayong ipagbawal sa anomang hukuman, tribunal, o iba pang awtoridad ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) o injunction laban sa anomang wage order. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2372, nais ni Tulfo na amyendahan ang Article 126 ng Labor Code upang matugunan ang aniya’y umiiral na legal loophole sa batas. Binanggit ng senador ang naging pagsuspinde sa implementasyon ng Wage Order No. NCR-27 ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), na nagtatakda ng P85 dagdag sa arawang minimum na sahod ng…

Read More

Pagbati bumuhos para kay Eala “ALEX DID IT AGAIN”

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong masungkit ang kampeonato sa 2026 Mubadala DC Open at maitala ang kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinang nagwagi ng Women’s Tennis Association (WTA) 500 singles title. Sa Facebook post ng Pangulo, tinawag niya ang tagumpay ni Eala bilang isa na namang makasaysayang tagumpay para sa Philippine tennis. “This Philippines now has its first WTA 500 champion.” “Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young…

Read More

HIGIT 978,000 LOW-INCOME SSS MEMBERS NAKATANGGAP NA NG UPLIFT ASSISTANCE

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 978,000 miyembro ng Social Security System (SSS) na may mababang kita ang nakatanggap na ng P2,000 Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita Irene Dumlao, kabilang ang mga ito sa Group 3 beneficiaries ng programa na inilunsad bilang tugon sa epekto ng krisis sa enerhiya. Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng social protection program para sa mga pamilyang mahihirap,…

Read More

MALACAÑANG PINALAGAN AKUSASYONG ‘SELECTIVE JUSTICE’ SA PIYANSA NI BONG REVILLA

ITINANGGI ng Malacañang ang alegasyon ng “selective justice” matapos payagan ng Sandiganbayan Third Division si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kasong malversation. Nahaharap si Revilla sa kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang desisyon ay ginawa ng isang independent court at walang kinalaman ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Ang pagdedesisyon po iyan,…

Read More

VILLAR KINONDENA PANANAKSAK SA LAS PIÑAS HIGH SCHOOL, LIGTAS ACT MULING ISINULONG

KINONDENA ni Senador Mark A. Villar ang pananaksak na ikinasawi ng isang Grade 9 student sa loob ng Las Piñas National High School at sinabing ipinapakita ng insidente ang pangangailangang higit pang palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan. Ayon kay Villar, ang mga paaralan ay dapat manatiling lugar ng kaligtasan, pagkatuto at pag-asa, at hindi lugar kung saan nalalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante. Nagpaabot din ang senador ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at sinabing patuloy na nagbibigay ng tulong at suporta ang kanyang tanggapan…

Read More