BINIGYANG-DIIN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin ang kahalagahan ng energy security, food security at mas malalim na economic cooperation sa pagdiriwang ng ika-35 taon ng dialogue relations sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia. Sa joint press briefing matapos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, sinabi ni Pangulong Marcos na tinalakay ng mga lider ang iba’t ibang larangan ng kooperasyon na makikinabang ang Southeast Asia at Russia sa gitna ng patuloy na pandaigdigang hamon. “Today, ASEAN and the Russian Federation commemorate…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
24 PILIPINONG NAKADETINE SA RUSSIA, MAKAUUWI NA
MAKAUUWI na sa Pilipinas ang 24 na Pilipinong nakadetine sa Russia matapos mamagitan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Russian President Vladimir Putin sa kanilang bilateral meeting sa Kazan. Inihayag ni Pangulong Marcos ang magandang balita sa panayam sa mga mamamahayag matapos dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit. “Hindi ko alam kung alam ito ng publiko, pero may 24 na Pilipinong nakadetine sa Irkutsk sa loob ng ilang buwan na. Ilang buwan na ba? Siyam na buwan,” ani Pangulong Marcos. Ayon sa Pangulo, walang malinaw na impormasyon noon hinggil sa kalagayan…
Read MoreDOJ PINAG-IINGAT NBI SA KASO NG 2 ATENEO ATHLETES
INATASAN ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Ateneo basketball players upang maiwasan ang pagkalat ng haka-haka. Ito ay matapos tumanggi ang NBI na magkomento sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng pulisya na nagsasabing posibleng hindi aksidente ang pagkamatay ng dalawang manlalaro. Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, magkahiwalay o parallel ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI at Philippine National Police (PNP). Matatandaang unang iniulat na nalunod noong Hunyo 8 sa isang…
Read MoreP30-M DROGA HULI NG BOC AT PDEA
MAHIGIT P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at Clark, kabilang ang pagkakaaresto ng isang claimant na nagtangkang kunin ang drug-laden parcels. Ayon sa pahayag ng Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), naharang sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ang dalawang inbound parcels na naglalaman ng tinatayang 505 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.43 milyon. Nadiskubre ang mga kontrabando matapos ma-flag ang mga parsela sa isinagawang customs screening at risk assessment bago…
Read MoreBYPASS ROAD NAGHATID NG SAYA SA MGA ESTUDYANTE NG ‘LAST MILE SCHOOLS’
HINDI lamang saya kundi naghatid din ng pagbabago para sa mga mag-aaral ng tinaguring ‘Last Mile Schools’ sa Bulacan, ang pinasinayaang konstruksyon ng Doña Remedios Trinidad-Dingalan Bypass Road. Ayon sa Department of Education (DepEd), tinuldukan na ng 67.93 kilometrong kalsada na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang matagal nang hamon sa transportasyon, na nagbigay-daan sa mas mabilis at maginhawang biyahe, hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa buong komunidad. Sinabi pa ng kagawaran na matagal nang naging hadlang sa edukasyon ang malalayo at…
Read MorePBBM NASA RUSSIA NA, 3 CABINET OFFICIALS ITINALAGANG CARETAKERS
DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kazan, Russia nitong Miyerkoles para sa kanyang kauna-unahang state visit sa nasabing bansa mula nang maupo bilang Pangulo noong 2022. Lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo dakong alas-12:53 ng tanghali, oras sa Pilipinas. Habang nasa Russia, nagtalaga si Pangulong Marcos ng tatlong Cabinet officials na magsisilbing government caretakers upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan at walang magiging pagkaantala sa mga desisyon ng ehekutibo. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sina Executive Secretary Ralph…
Read MoreMAHIGIT 303,000 FOOD PACKS, IPINAMAHAGI NA SA QUAKE VICTIMS SA MINDANAO
MAHIGIT 303,000 kahon ng family food packs (FFPs) na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. Ayon kay DSWD Disaster Response Management Group Assistant Secretary at spokesperson Irene Dumlao, magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda dahil marami pa ring komunidad ang nangangailangan ng tulong mula sa pambansa at lokal na pamahalaan. “As of this morning, more than 303,000 family food packs ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan. Itutuloy natin ito dahil batay sa assessment ng DSWD at…
Read More5 VENDORS NG P950K EXPIRED, TAMPERED PRODUCTS ARESTADO
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang limang vendor sa Quiapo matapos matuklasang nagbebenta ng expired at pekeng produktog pagkain. Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Melvin Imperial, Allen Bautista, John Clifford Sagun, Analyn Colangoy, at Geelyn Santillan, kasunod ng tip mula sa isang confidential informant. Batay sa intelligence, nagsagawa ng surveillance at validation ang mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team o S.Ma.R.T. sa ilalim ni Police Lt. Col. Edward Samonte, kasama ang mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct o PCP, na pinamumunuan…
Read MoreNAMFREL: ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL NG KAMARA, KAPOS
TINAWAG ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na isang “kulang na tagumpay” ang pagpasa ng House Bill No. 8389 o Anti-Political Dynasty Act sa Kamara de Representantes. Bagama’t kinilala ng grupo ang makasaysayang hakbang ng Kamara matapos ang halos apat na dekada mula nang iatas ng 1987 Constitution ang pagpasa ng anti-political dynasty law, iginiit nitong hindi sapat ang kasalukuyang bersyon ng panukala. Ayon sa NAMFREL, sa halip na buwagin ang mga dinastiyang pampulitika, nililimitahan lamang ng HB 8389 kung sinu-sinong miyembro ng pamilya ang maaaring sabay na…
Read More