DALAWANG aktibong pulis at apat na iba pa ang inaresto at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 7942 o The Philippine Mining Act matapos silang maaktuhan na ilegal na nagbibiyahe ng mineral ores na tinatayang nagkakahalaga ng P290,000.00 sa lalawigan ng Misamis Oriental. Ayon sa PNP, nahuli ang anim habang sakay ng isang Mitsubishi L300 nang dumaan sila sa checkpoint sa bahagi ng Sitio Mahayahay sa Barangay Limonda, bayan ng Opol noong Lunes ng hapon. Sa isinumiteng ulat mula sa PNP Police Regional Office Northern Mindanao (PRO 10), kinilala…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
AFP, US, ALLIES PINAMALAS ‘BANGIS’ SA PALAWAN
IPINAKITA ng Pilipinas katuwang ang United States, Australia at New Zealand, ang kanilang kakayahan na maipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng isinagawang live fire exercises sa Palawan. Nitong Lunes ay nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang United States Armed Forces, Australian Defense Force, at New Zealand Defense Force, ng Counter-Landing Live Fire Exercises (CLLFX-West) sa Apurawan Beach Landing Site, Aborlan, Palawan bilang bahagi ng Exercise Balikatan 41–2026. Pinangunahan ng 3rd Marine Brigade ng Philippine Marine Corps, ang…
Read MoreP249.83-M SHABU NASABAT NG BOC SA PASAY WAREHOUSE
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P249.83 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng LED spotlight sa isang warehouse sa Pasay City. Pinangunahan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon noong Abril 28, 2026. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa. Idineklara ang kargamento bilang LED spotlights mula sa Mexico at naka-address sa Metro Manila. Na-flag ito matapos makita sa X-ray Imaging (XIP) ang mga kahina-hinalang imahe na hindi…
Read MoreMERALCO, BINIGYANG LINAW ANG MGA SINGIL NA MAKIKITA SA BILL NG KURYENTE SA GITNA NG KUMAKALAT NA MGA MALING IMPORMASYON
Binigyang linaw ng mga opisyal ng Meralco (L-R) na sina Head of Utility Economics Lawrence Fernandez, Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, at Head of Tariff Management Roderick Dennison Nacu ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente. MAYNILA, PILIPINAS, 27 ABRIL 2026 – Binigyang linaw ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente para matulungan ang mga customer na mas maunawaan ang mga ito sa gitna ng kumakalat na mga maling impormasyon sa social media tungkol dito. Makikita sa bill ng kuryente…
Read MoreSa pagkasawi ng 5 PUPC sa QC road mishap VIDEO CONFERENCING SA HEARINGS PINAKOKONSIDERA
NANAWAGAN ang isang sektor na mas palawakin ang paggamit ng video conferencing sa mga pagdinig upang maiwasan ang pagbiyahe ng persons deprived of liberty kasunod ng aksidente kamakailan sa Quezon City kung saan nasawi ang limang bilanggo. Paalala ni Atty. Ariel Inton, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) president, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 02-2026 ng Korte Suprema hinggil sa “Adoption of Flexible Work Arrangements and Energy Conservation Measures,” pinahihintulutan ang mga hukuman na magsagawa ng video conferencing hearings. Nakasaad din sa Guidelines on the Conduct of Videoconferencing…
Read MoreNITA: BAIL HEARING SA REVILLA CASE “WALANG MATIBAY NA EBIDENSIYA”
NAGBITAW ng matinding pahayag si Carlos Ayala ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA), matapos ang serye ng bail hearings, malinaw aniyang mahina ang kaso laban kay Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.. Ayon kay Ayala, umikot ang buong argumento ng prosekusyon sa iisang testigo, habang ang iba’y puro “hearsay” at “derivative testimonies,” at higit sa lahat, kapansin-pansin ang kawalan ng konkretong dokumento na direktang mag-uugnay sa dating senador sa pera o sabwatan. Sa pagdinig sa Sandiganbayan, inaasahang lalong titibay ang kaso. Ngunit kabaliktaran umano ang nangyari dahil sa testimonya ng…
Read MoreTULFO PINAMAMADALI REBYU SA OIL DEREGULATION LAW
NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na pabilisin ang pagrerepaso sa Oil Deregulation Law o Republic Act No. 8479 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Tulfo, dehado ang mga Pilipino sa umiiral na batas dahil limitado ang kapangyarihan ng pamahalaan na kontrolin ang presyo ng produktong petrolyo. Aniya, “hindi pwedeng kontrolin o diktahan ng gobyerno ang presyo ng langis dahil protektado ito sa ilalim ng oil deregulation law”. Sa kasalukuyang sistema aniya, maaari…
Read MoreMERALCO MULING NAGBABALA LABAN SA PAGNANAKAW NG MGA PASILIDAD NG KURYENTE
Muling pinapaalalahanan ng Meralco ang publiko na ang pagnanakaw ng mga kable ng kuryente at iba pang pasilidad ng kumpanya ay lubhang mapanganib at labag sa batas. Ito ay matapos masawi ang 34 anyos na lalaking sangkot sa tangkang pagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa bahagi ng Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw, Abril 25. Nagdulot din ng antala sa serbisyo ng kuryente sa mahigit 6,000 customer ang insidente. Agad din naman naibalik ang serbisyo ng kuryente matapos ang halos dalawang oras na pagsasaayos ng…
Read MoreMOTORCYCLE TAXI GROUP NANAWAGAN NG PROTEKSYON SA KABUHAYAN SA PANUKALANG MOTO-TAXI BILL
MANILA — Nanawagan ang Motorcycle Taxi Community Philippines sa Kongreso na tiyaking prayoridad ang proteksyon sa kabuhayan ng mga rider sa isinusulong na motorcycle taxi bill. Sa pahayag, nagpasalamat si Chairman Romeo Maglunsod sa pamahalaan para sa ₱5,000 ayuda sa mga rider na apektado ng mataas na presyo ng langis. Gayunman, sinabi ng grupo na pansamantala lamang ang naturang tulong at iginiit ang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang matiyak ang disenteng kabuhayan ng mga rider. Binigyang-diin ni Maglunsod na dapat nakabatay ang anumang batas sa prinsipyo ng gig economy, kung…
Read More