WALA pang opisyal na impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa status ng asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque, kabilang ang ulat na ibinasura umano ang kanyang kahilingan. Ayon kay Justice Undersecretary Ian Norman Dato, confidential ang mga aplikasyon para sa asylum, partikular sa mga bansang miyembro ng European Union. Dahil dito, hindi pa makumpirma ng DOJ kung na-deny o hindi ang asylum application ni Roque. Hindi rin sinabi ni Dato kung saan nakuha ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang impormasyon hinggil sa status…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
19 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG MAYON
UMABOT sa 19 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Setyembre 18. Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na aktibidad nito. Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 700 metro. Iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangang bahagi nito. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa…
Read MoreBARIL NA GINAMIT NG ESTUDYANTENG NAMARIL SA ESKWELAHAN SA SOUTH COTABATO, PAG-AARI NG AMANG EMPLEYADO NG DEPED
ANIM na indibidwal ang nasawi makaraang magpaputok ng baril ang isang estudyante sa loob ng Banga National High School sa bayan ng Banga, South Cotabato. Kabilang sa mga nasawi ang suspek na matapos ang pamamaril ay binaril ang sarili. Nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang estudyante na kasalukuyang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. Sa ulat, ang ama umano ng suspek ay empleyado ng DepEd Region 12 at siya ring nagmamay-ari ng…
Read MoreNLEX, nakahandang makiisa sa gobyerno para solusyunan ang problema sa baha
Nakahandang makipagtulungan ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa pamahalaan para sa mga hakbang at solusyon sa problema ng pagbaha sa tuwing may malalakas na pag-ulan. Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagdinig ng Senate Committee on Finance hinggil sa panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr), kung saan inihayag ni DOTr Secretary Giovanni Lopez ang nakatakdang pagpupulong nila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kasama ang mga kontraktor. Ayon kay Lopez, bagamat layunin ng mga kasalukuyang programa na pagandahin ang serbisyo sa…
Read MoreBENEPISYO NG 1.38M 4Ps FAMILIES EXTENDED HANGGANG 2027
INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa 1.38 milyong pamilya na miyembro ng 4Ps ang priority na kabilang sa patuloy na makikinabang sa cash aid ng gobyerno sa susunod na taong 2027 batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi ng DSWD, ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay may 7 taong programa na nagsimula noong taong 2019 at magtatapos ngayong Disyembre 2026. Sinabi ni Atty. Elaine Fallarcuna, Asst. Secretary for Conditional Cash Transfer Group ng DSWD, ang naturang mga…
Read MoreSCIENCE-TO-MARKET PARTNERSHIPS ISINUSULONG PARA SA FOOD SECURITY
ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas matibay na partnership sa pagitan ng government scientists at private manufacturers upang maisulong ang research at mass production ng mga food technology na makatutulong sa nutrisyon at food security. Nanawagan ang Pangulo matapos niyang inspeksyunin ang operasyon ng Nutridense Food Manufacturing Corp. (NFMC) sa Sta. Barbara, Pangasinan, kung saan nasaksihan niya ang komersyalisasyon ng food technologies na binuo ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), sa tulong ng DOST Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP). “The government…
Read MorePETISYON SA PAGPAPAUWI KAY DU30 NAKABINBIN SA SC
NAKABINBIN pa rin sa Supreme Court ang consolidated habeas corpus petitions na inihain ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kahilingan nilang maiuwi siya sa Pilipinas mula sa detention facility sa The Hague, Netherlands. Sa isang press conference sa Supreme Court, sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na wala pa ring desisyon ang Korte Suprema sa naturang mga petisyon. Inihain ang mga petisyon nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte at Kitty Duterte upang kuwestiyunin ang umano’y…
Read More4 hindi pala sumakay MISSING SA MV JUNE ASTER, 8 NA LANG
WALONG pasahero na lamang ng nasunog na MV June Aster, ang target ng search, rescue at retrieval operation matapos na makumpirma na apat sa mga nawawala ay hindi pala nakasakay sa nasunog na ferry sa Coron, Palawan. Dahil dito, inihayag kahapon ng Philippine Coast Guard na bumaba na sa walo ang bilang ng mga nawawala sa trahedya ng MV June Aster matapos makumpirma na apat sa mga nasa passenger manifest ay hindi pala nakasakay sa barko sa Baseco Port sa Tondo, Maynila. Ayon kay PCG spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, tatlo…
Read MoreCOMELEC NAGTALA NG 84.34% VOTER TURNOUT SA BARMM ELECTION
NAGTALA ang unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng 84.34% voter turnout, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkoles. Sinabi ng poll body na mas mataas ang turnout kaysa inaasahang 80%. Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa kabila ng mga insidente ng karahasan at pamamaril ay nagpasya ang rehiyon na bumoto at nanatiling matatag ang mga kababayan na Bangsamoro at pumunta pa rin sa mga polling precinct para bumoto. Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang unang parliamentary election ng…
Read More