TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA panahong tila paulit-ulit ang trahedya ng pagbaha sa lungsod, isang lider ang patuloy na nagiging tinig ng pagkilos at tagapagtaguyod ng solusyon para sa mga taga-District 4 ng Quezon City—si Congressman Bong Suntay. Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Cong. Suntay ang kanyang malasakit sa mga residente ng lungsod. Ngunit sa pinakahuling hakbang upang isulong ang P12.743 bilyong Flood Mitigation Projects, pinatunayan niyang higit pa sa mga salita ang kanyang serbisyo. Sinasabing sa pakikipagtulungan kina Mayor Joy Belmonte at Konsehal Miggy…
Read MoreCategory: OPINYON
GOBYERNO MISMO NAGPAPAHIRAP SA MGA TAO
DPA ni BERNARD TAGUINOD LIMA ang pangunahing tungkulin o responsibilidad ng gobyerno sa mamamayan na kinabibilangan ng pagpapanatili sa kaayusan ng lipunan, pagbibigay ng serbisyo at pangangailangan tulad ng edukasyon, kalusugan, seguridad at iba pa. Pangatlo ang paglikha ng mga batas at regulasyon para maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mamamayan, pang-apat ang pagpapaunlad ng ekonomiya at pang-lima ang pagpapalaganap ng katarungan at pagkakapantay-pantay. Wala riyan ang pagpapahirap sa mamamayan sa pamamagitang ng sangkaterbang buwis na ipinapataw sa mamamayan lalo na sa middle class o working class na siyang tunay…
Read MoreOFW NA MAY MALUBHANG SAKIT, NANAWAGAN NA MAKAUWI SA PINAS
OFW JUAN ISANG overseas Filipino worker (OFW) na naka-deploy sa Riyadh, Saudi Arabia ang humihingi ng agarang tulong upang makauwi sa Pilipinas dahil sa dinaranas na seryosong problemang pangkalusugan. Si OFW Mercy Montes Salazar, isang Pilipinang manggagawa sa Rabwa-Isa Alkhyat, Riyadh, ay kasalukuyang may dinaramdam na malalang impeksyon sa baga. Ayon sa kanyang salaysay, siya ay halos araw-araw nang nakasuot ng face mask dahil sa hirap ng paghinga, matinding pananakit ng likod, at panghihina ng katawan. “Gusto ko na pong umuwi. Nahihirapan na po akong huminga, tapos naka-mask pa ako…
Read MorePAHINANTENG ‘DI TAPAT SINIBAK
PUNA ni JOEL O. AMONGO TINANGGAL na sa trabaho si Elmar Bestur Castillo, may sapat na edad, residente ng Brgy. Linothangan, Canlaon, Bacolod City matapos kasuhan ng qualified theft ng kinatawan ng FC Scrap Trading sa Office of the City Prosecutor, Valenzuela City noong Hulyo 14, 2025. Itinuro ng mga testigo na si Castillo ay nagnakaw ng diesel at pera ng FC Scrap Trading na nangyari dakong alas-6 ng gabi noong Hulyo 1, 2025 sa no. 35 Flaviano Compound, Mindanao Avenue, Brgy. Ugong, Valenzuela City. Nasa 50 litro ng diesel…
Read MoreMAG-INGAT SA SCAMMERS
AT YOUR SERVICE NI KA FRANCIS ILANG tulog na lang papasok na ang unang buwan ng ber months, September maglalabasan na naman ang scammers sa social media kaya mag-ingat tayong lahat. Pagdating ng ber months kasi kaliwa’t kanan ang mga okasyon na dinadaluhan ng mga Pilipino at kahit paano sa mga buwan na ito ay medyo nakakaginhawa na ang mga tao. May ilang kumpanya ang ibinibigay na ang kalahati ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado kaya hindi masyadong hirap sa buhay ang mga Pilipino. Kaya naman ilan…
Read MoreKONGRESO SISIHIN N’YO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGDABOG nang todo ang publiko sa paglabas ng ulat hinggil sa balitang bubuwisan ng 20% tax maging ang kapurit na ipon ni Juan. Sentro ng batikos si Finance Secretary Ralph Recto. Ang isyu ngayon ay ang pagpapatupad ng buwis sa ilang long-term deposits sa ilalim ng Capital Markets Efficiency Promotion Act o CMEPA. Marami ang galit. Marami ang nag-akala na bagong pahirap ito na gawa ni Recto mismo. Naglabas na rin ng paglilinaw ang Department of Finance na walang bagong buwis sa bank deposits at hindi…
Read MoreOBLIGASYON SA MAGULANG
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGING usap-usapan sa social media ang panukalang batas na mag-uutos sa mga anak na suportahan ang kanilang mga magulang na matanda, may sakit, o kapos sa buhay. Marami nang klaripikasyon ang lumutang tungkol dito na kung tutuusin, maganda naman ang layunin. Pero ang katumbas nito, maaaring makulong at pagmultahin ng daang-daang libo kung mapatutunayang hindi ginampanan ng mga anak ang obligasyon nila. Ang una kong naisip, parang sapilitan naman. Kung talaga namang may kakayahan ang mga anak at napalaki nang maayos ng mga magulang —…
Read MoreMARTIAL LAW SA BI?
BISTADOR ni RUDY SIM DUWAG, ganito ilarawan ng ilang concerned government employees ng Bureau of Immigration, ang umano’y personal na pag-atake ni BI Commissioner Joel Anthony Viado sa kaalitan nitong opisyal ng ahensya kasunod ng sunod-sunod na department orders at memorandum orders na ipinalabas na nag-aalis ng kapangyarihan sa isang tanggapan dito. Nag-ugat ang sigalot ng dalawang opisyal ng BI nang sumugod at nagsisigaw si Viado upang tapusin at pirmahan sa isinagawang meeting noong Mayo 2, ng Bids and Awards Committee, ang P2.9 bilyong E-Gates project ng pamahalaan para sa…
Read MoreSA PANUNUNGKULAN NI MUNTI CONG. JIMMY FRESNEDI, PINAPANDAY LANDAS NG MAKABAGONG PAGKATUTO
TARGET ni KA REX CAYANONG MALINAW na sa pagsisimula ng ika-20 Kongreso, buong husay at malasakit na inihain ni Congressman Jimmy Fresnedi ng One Muntinlupa Party, ang sampung (10) prayoridad na panukalang batas na nakatuon sa edukasyon. Ito ay isang malinaw na pahayag na ang tunay na lider ay inuuna ang pundasyong nagbubukas ng mas maraming oportunidad at ito ay ang edukasyon. Sa panahong ang kalidad at accessibility ng edukasyon ay patuloy na sinusubok ng makabagong hamon, mahalagang kilalanin ang mga hakbang na may layuning palawakin ang saklaw ng serbisyo,…
Read More