RAPIDO ni PATRICK TULFO ISA sa mga reklamo na aming natanggap at inaksyunan ay ang laban sa isang travel agency na matatagpuan sa Makati City. Ito ang S&G Travel and Tours na may opisina sa Unit 249, Cityland Towers, Calle Estacion, Brgy. Del Pilar, Makati City. Ayon sa aming complainant na si Jen Alamo, kumuha sila ng tour package para sa Hong Kong at Macau sa S&G Travel and Tours at nagbayad ng halos 200 thousand pesos para rito. Pero hindi natuloy ang kanilang pag-alis noong Marso at nalaman lang…
Read MoreCategory: OPINYON
NEPOMUCENO RESCUE: BALIKBAYAN BOXES, SA WAKAS NAI-DELIVER NA!
On the Level Ni JUNEX DORONIO SA LOOB ng mahabang panahon, tila naging simbolo ng pangungulila at pagkadismaya ang mga balikbayan box na hindi dumarating. Para sa libo-libong OFWs, hindi lang ito kahon—ito ay pagmamahal, sakripisyo, at pangarap na ipinadadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Kaya naman nang mabalitang mahigit 42,000 kahon ang na-stranded sa mga pantalan, tila muling nabuksan ang sugat ng kawalang tiwala. Ngunit sa gitna ng problemang ito, may isang lider na kumilos—si Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Ayon sa ulat, ang ugat ng problema…
Read MorePAGGAMIT NG CELLPHONE NG KABATAAN DAPAT BANG IPAGBAWAL?
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS BUNSOD ng nangyaring marahas na insidente sa isang paaralan na ikinamatay ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit sampu pang kabataan, nagkaroon ng mga pagtatalo kung dapat bang ipagbawal sa mga estudyante ang pagdadala o paggamit ng cellphone sa loob ng mga paaralan. May mga balidong dahilan ang mga nagmungkahing tuluyang ipagbawal ang pagdadala ng cellphone ng mga estudyante sa paaralan dahil sa nasaksihang karahasan na ang itinuturong dahilan ay ang pagkababad sa cellphone ng mga kabataan ang puno’t dulo ng kaguluhan. Ayaw na nilang…
Read MoreNaiinip na ang Bayan sa imbestigasyon sa Flood Control Scam
PUNA ni JOEL O. AMONGO LUMILIPAS ang mga buwan, ngunit tila lalong humahaba ang paghihintay ng mga Pilipino sa katuparan ng isa sa pinakamalalaking pangako ng administrasyon—ang papanagutin ang mga sangkot sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control. Sa bawat pagbaha na nararanasan ng mga komunidad, muling bumabalik ang tanong: nasaan na ang hustisyang ipinangako? Noong unang lumabas ang usapin ng flood control scam, naging matunog ang mga pahayag na walang sasantuhin, gaano man kataas ang posisyon sa gobyerno. Nagbigay ito ng pag-asa sa publiko na sa wakas ay…
Read MoreNAKATAYA TIWALA NG PUBLIKO SA IMPEACHMENT TRIAL
CLICKBAIT ni JO BARLIZO LALARGA na sa July 6 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Isa ito sa pinakamainit na usaping pulitikal sa bansa kaya naman hindi kataka-takang tutukan ito ng publiko. Ngayon pa lang, hati na ang opinyon ng mga Pilipino at asahang titindi pa hanggang sa panahon ng mismong paglilitis. Dahil dito, mahalagang maging maayos, patas, at kapani-paniwala ang buong proseso. Sa gitna ng mga paghahanda sa mismong paglilitis ang mga usap-usapan kung sino ang dapat magsilbing Presiding Officer ng Senado. Kabilang sa mga madalas mabanggit…
Read MoreBLACKMAIL NG PALASYO
Syanong Detektib Ni Lucio S. Papa MAHIGIT isang taon matapos sumingaw ang dambuhalang anomalya sa likod ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nananatiling pangarap ang katuparan sa pangako ng Pangulo — tuldukan ang kultura ng katiwalian. Maraming lumutang na prominenteng pangalan, karamihan kaalyado ng administrasyon kabilang ang malapit na kaanak tulad ni former House Speaker Martin Romualdez at maging ang sariling anak na si Sandro. Meron din mula sa hanay ng oposisyon. Pero sa halip na panagutin, ginamit ang isyu ng flood control bilang…
Read MoreIMPEACHMENT NI VP SARA DUTERTE: Katarungan o Pulitika?
At Your Service Ni Ka Francis SA gitna ng umiinit na usapin sa bansa, isa sa pinakamainit na pinagtatalunan ngayon ay ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Mula sa mga lansangan hanggang sa social media, maging sa mga opisina at tahanan, hindi maikakailang ito ang sentro ng diskusyon ng sambayanan. Ang tanong ng marami: ito ba ay tunay na paghahanap ng pananagutan o isa lamang bahagi ng mas malawak na labanang pampulitika? Ang impeachment ay isang prosesong nakasaad sa ating Saligang Batas upang papanagutin ang matataas na…
Read MoreMALASAKIT AT KAMAY NA BAKAL SA CUSTOMS
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa tuwing nababanggit ang Bureau of Customs (BOC), karaniwang pumapasok sa isip ng marami ang mga nakukumpiskang kontrabando, malalaking koleksiyon ng buwis, at mga operasyong laban sa smuggling. Ngunit sa likod ng mga numerong ito ay isang mas malaking larawan—ang uri ng pamamahalang isinusulong ng ahensiya at kung paano nito pinoprotektahan hindi lamang ang ekonomiya kundi maging ang mga taong nagsisilbi rito at ang pondong pag-aari ng sambayanan. Nitong mga nagdaang linggo, tatlong magkakaugnay na hakbang ng Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno…
Read MoreTRIP TO VIETNAM NI ALIAS “HAIDEE,” NEGOSASYON SA KOTONGAN?
BISTADOR ni RUDY SIM TILA naging kaduda-duda ang madalas na biyahe ni alias “Haidee” sa bansang Vietnam na utak umano ng pamemeke ng dokumento ng mga dayuhang kumukuha ng kanilang visa sa bansa kasabwat din ang ilang matataas na opisyales ng Bureau of Immigration, upang inguso sa tiwaling tauhan ng intelligence at division kung sino ang travel agencies na kanyang kalaban sa negosyo upang kotongan. Naging usap-usapan ngayon sa BI na baka raw sa Vietnam isinagawa ni alias “Haidee” ang negosasyon para aregluhin ang foreign nationals na kabilang sa mga…
Read More