MAYNILA, TULOY ANG PAGBANGON! MGA MODERNONG PROYEKTO, SUNOD-SUNOD NA ITINATAYO PARA SA BATANG MANILENYO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lamang pangako kundi aktuwal na pagkilos ang patuloy na ipinakikita ng administrasyon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso para sa mga Batang Maynila. Sa gitna ng sunod-sunod na proyekto sa iba’t ibang distrito ng lungsod, malinaw na layunin ng pamahalaang lungsod na pagandahin, hindi lamang ang imprastraktura kundi pati ang kalidad ng pamumuhay ng mga Manileño. Isa sa pinakamalalaking proyektong kasalukuyang itinatayo ang 10-storey school building ng Ramon Magsaysay High School sa Sampaloc. Sa oras na matapos ito sa unang quarter ng…

Read More

JEHOVAH SHALOM

HOPE ni GUILLER VALENCIA SA salitang Hebreo, ang ibig sabihin ng Jehovah Shalom ay “The Lord is Peace” or “The Lord our Peace.” Ilan lang ito sa pinagsamang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan tulad ng Jehovah Rapha, Jehovah Jireh, Jehovah Nissi at iba pa. Ang Jehovah Shalom ay ginamit ni Gideon, na isang hukom o judge ng Israel (Judges 6:24). Noong kanyang kapanahunan, ang bansang Israel ay nasa panahon ng opresyon ng Midianites. Dito nga itinayo ni Gideon ang altar na pinangalanang Jehovah Shalom. Sila ay nakatanggap ng katiyakan…

Read More

KUNG MAY DAPAT SUSPENDIHIN, UNA SI CAYETANO – MATIBAG

PUNA ni JOEL O. AMONGO UMIINIT ngayon ang usapin sa pagitan ng kampo ng Senado at ng mga nagpapatupad ng batas matapos lumutang ang matapang na pahayag ni NBI Director Melvin Matibag na ang “unang dapat suspendihin” ay walang iba kundi si Senate President Alan Peter Cayetano. Ang pahayag na ito ay sinabi ni Matibag sa isinagawang press conference noong Martes nang magtanong ang media hinggil sa sinabi ni Cayetano na hindi lamang si PMaj. Gen. Mao Aplasca, hepe ng Office of the Sergeant-At Arms (OSAA), ang dapat suspendihin kundi kasama siya para patas. Matatandaang…

Read More

SILANG MATATAPANG SA SENADO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BIBIGYAN daw ng pagkilala ang matatapang sa Senado. Hindi ‘yun mga senador ha. Kasi hindi sila ang nakitaan ng tapang noong isang linggo. Hindi sila tumakbo palayo kundi palapit kung saan ‘may aksyon’ – sila ang Senate media. Marami ang napahanga sa mga reporter na nagko-cover sa Senado dahil sa kanilang ipinakitang katatagan at katapangan sa gitna ng gulong nangyari noong isang linggo. Isa na riyan si Sen. Risa Hontiveros na naniniwalang karapat-dapat ang Senate media para sa isang pagkilala. Ayon kay Hontiveros sa kanyang paghahain…

Read More

TAHIMIK PERO MULAT

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA panahon ngayon, sapat nang maging tahimik online para tawagin kang apolitical. Kapag wala kang shared post tungkol sa isang isyu, walang opinion sa comment section, o hindi ka nakikisabay sa usapan, mabilis nang isipin ng iba na wala kang pakialam sa bansa. Parang naging sukatan na ng pagiging mulat ang dami ng posts at pagiging maingay sa social media. Pero para sa akin, hindi doon nasusukat ang pagiging politically aware ng isang tao. Naiintindihan ko kung bakit maraming pinipiling manahimik. Nakapapagod na rin…

Read More

RIGODON SA SENADO ‘DI PA TAPOS

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAY umuugong na balitang may napipinto umanong palitan ulit ng liderato sa Senado. Ayon sa mga balita, may ilang nasa mayorya ang lilipat sa minorya dahil hindi gusto ang nangyaring takbo sa Senado ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano. Umuugong ang pangalan ni Sen. Loren Legarda na dati nang nasa grupo ni Sen. Tito Sotto, ganoon din ang pangalan umano ni Sen. Joel Villanueva. Hindi imposibleng tumalon ulit ng bakod si Sen. Legarda matapos ang kaliwa’t kanang batikos sa kanya, hindi…

Read More

DIGITAL NA PAG-ASA, DISIPLINA SA KALAKALAN

On the Level Ni JUNEX DORONIO SA gitna ng mabilis na pagbabago ng mundo—kung saan ang teknolohiya ang nagiging tulay ng bawat transaksyon at ang ekonomiya ay lalong nagiging magkakaugnay—may mga institusyong tahimik ngunit matatag na kumikilos upang tiyakin na ang progreso ay hindi lamang mabilis, kundi makatarungan at ligtas din. Isa na rito ang Bureau of Customs (BOC), na kamakailan ay muling naglatag ng kanilang bisyon sa ASEAN-EU Sustainability Summit 2026. Hindi ito basta pagtitipon lamang ng mga lider mula sa iba’t ibang panig ng mundo; ito ay isang…

Read More

CONG. ARNEL TY: SERBISYONG RAMDAM NG KARANIWANG PILIPINO

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na halos lahat ng bilihin ay mataas ang presyo, malaking ginhawa para sa mamamayan ang anomang bawas sa gastusin sa araw-araw. Kaya naman ikinatuwa ng maraming pamilya ang ipinatupad na rollback sa presyo ng LPG ng Regasco. Sa pangunguna ni Regasco Pres. Arnel Ty, nagkaroon ng P1 kada kilo na bawas sa presyo ng LPG simula nitong Mayo 19. Bagama’t tila maliit sa iba, malaking tulong ito lalo na sa mga pamilyang araw-araw nagtitipid para may maihain sa hapag-kainan. Ipinakita rito na…

Read More

MARTIAL LAW, NAMUMURO?

Syanong Detektib Ni Lucio S. Papa SA gitna ng mga masalimuot na kaganapan sa bansa, umeksena ang isang bagitong kongresista na para bang dalubhasa sa larangan ng pulitika. Aniya, umiiral ang tinawag niyang “de facto martial law.” Agad naman umalma ang mga tuta ng Palasyo nang hindi man lang muna nagtanong sa mga eksperto. Ayon sa mga amuyong ng Pangulo, walang batayan ang tinuran ng batang kongresista. Sa isang banda, baka naman tama sila. Talakayin muna natin ang kahulugan ng mga katagang “de facto.” Sa tulong ni Ginoong Google, lumalabas…

Read More