P70K CASH, GADGETS NG 2 BETERINARYO NADALE NG BASAG-KOTSE

CAVITE – Tinatayang P70,000 halaga ng cash at gadgets at ilang dokumento ang tinangay ng isang hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang matapos atakehin ang sasakyan ng dalawang beterinaryo sa parking area ng isang restaurant sa bayan ng Silang noong Miyerkoles ng hapon. Personal na nagreklamo sa tanggapan ng Silang Police Station ang mga biktimang sina Jesus Raymondo, 50, at Edwin Lajara, 58-anyos. Ayon sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon nang iparada ni Raymundo ang kanyang Toyota Hilux na may plakang NEC 312, kasunod ang sasakyan ni Lajara na isang Toyota…

Read More

2 MOBILE PRECINCTS RORONDA SA MARILAQUE HIGHWAY

DALAWANG mobile precinct ang magroronda sa kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger dahilan para paigtingin ng Rizal PNP ang kanilang pagbabantay katuwang ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Land Transportation Office (LTO). Sinabi ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, ang nasabing de-gulong na presinto o Blue Cops on Mobile Wheels (BCMW) ay dagdag na itinayo para sa 7 maliliit na grupo ng mga pulis sa pitong strategic location o lugar na kung saan madalas tambayan ng mga pasaway na motovloggers. “Actually,…

Read More

MARILAQUE HIGHWAY BANTAY-SARADO NA NG PNP-HPG, LTO

ILALAGAY na sa mahigpit na pagbabantay ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger. Namatay ang motovlogger na si Motopush o John Louie Arguelles sa tunay na pangalan, noong Linggo at pitong iba pa ang sugatan matapos nitong makabanggaan ang isa pang rider na nagkikipagkarerahan habang naka-“Superman” ride o nakadapa sa kanilang motorsiklo. Sa viral video, makikita ang dalawa na nag-uunahan at sa bilis ng arangkada, nawalan sila ng kontrol at nagkabanggan hanggang sa sumalpok…

Read More

16-ANYOS NA RIDER, PATAY SA PICK-UP

LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo matapos mabundol at magulungan ng isang pick-up sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod noong Martes ng hapon. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Alberto Ria Sera, residente ng naturang subdivision. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa subdibisyon nang mabangga ng kasalubong na Ford Ranger Raptor pick-up na minamaneho ni Rogelio Obsequias Alternado, 45-anyos, sa palusong na bahagi ng kalsada dakong alas-4:00 ng hapon. Tumilapon ang binatilyo sa…

Read More

BABAENG TULOG BINARIL, PATAY

CAVITE – Hindi na nagising ng isang babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanyang bahay sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktimang si alyas “Rhea” sa Brgy. Sta. Cristina 2, Dasmariñas City. Natutulog umano sa kanyang loft bed ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril ito. Hindi binanggit sa ulat kung paano nakapasok sa bahay ng biktima ang mga suspek. (SIGFRED ADSUARA) 589

Read More

MINI DRUG LABORATORY NADISKUBRE SA CAVITE

NADISKUBRE ang umano’y mini drug laboratory makaraan ang isang pagsabog sa Tanza, Cavite nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa isang bahay sa Leon Fojas St., Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) at Tanza Municipal Police Station, sa lugar kung saan tumambad sa kanila ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga kagamitan na pinaniniwalaan ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga. Wala namang naabutang tao sa nasabing bahay matapos ang…

Read More

16 KILO NG SHABU HULI NG PDEA SA CARAGA

TINATAYANG nasa P108 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XIII (PDEA RO XIII), katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang hinihinalang big time drug dealer sa Caraga Region. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 16 kilo ng shabu ang nakuha sa dalawang suspect matapos ang ikinasang buy-bust operation. Ayon sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga kahapon naisakatuparan ng PDEA RO13…

Read More

DAULAH ISLAMIYAH MEMBER, NAPATAY NG MILITAR

ISANG kasapi ng Daulah Islamiyah – Maute Terror Group ang napatay matapos na magkasunod nilang makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army sa Brgy. Kalangan, Piagapo sa Lanao del Sur. Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP – WESMINCOM), unang naka-engkwentro ng mga terorista ang tropa ng Army 8th Scout Ranger noong Sabado na tumagal ng 15 minuto at nakasagupa rin nila ang tropa ng 44th Infantry battalion. Nakuha mula sa napatay na miyembro ng teroristang grupo ang matataas na kalibre ng armas gaya…

Read More

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES, KINONDENA PANANAMBANG SA MGA SUNDALO

MILITARY TAKEOVER

HINDI pinalagpas ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang pananambang ng grupo ng lawless elements kamakailan sa Basilan na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang sundalo ng Philippine Army. Sa inilabas na pahayag ni Sammy Al Mansoor, BIAF-MILF chief of Staff, mariin nilang inihayag na kanilang kinokondena ang trahedya at walang kabuluhang karahasang nangyari noong Enero 22, 2025 sa Lower Cabengbeng, sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng pitong iba pa. Nakikiramay din ang BIAF sa pagkamatay ng dalawa nilang…

Read More