BAGONG RICKY REYES HAIR CLINIC BRANCH, BINUKSAN SA BATANGAS

OPISYAL nang binuksan noong Mayo 11, 2026 ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Lifestyle Mall sa Santo Tomas, Batangas. Pinangunahan ni Ricky Reyes ang ribbon-cutting ceremony at blessing kasama ang panauhing pandangal na si Jo Ann Uy, Cedrick Eliponga na kampeon ng 29th APHCA Hair-Beauty Olympic, Ador Blaza, Liz Mabao, at Marck Marasigan. Kilala bilang isa sa pinakamabilis lumagong hair clinic sa bansa, patuloy na nagbibigay ang Ricky Reyes Hair Clinic ng iba’t ibang solusyon para sa problema sa buhok. Sa susunod na dalawang buwan, plano rin…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA CAVITE

PINAGHAHANAP ng pulisya ang suspek na bumaril at pumatay sa isang lalaki habang nakaupo sa Tanza, Cavite noong Linggo ng umaga. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, tinatayang 5’7″ ang taas at katamtaman ang pangangatawan. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga habang nakaupo ang biktimang si alyas “Mark” sa isang kutson sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang…

Read More

JEEP INIIWAS SA BANGIN, BUMANGGA SA PUNO: 4 PATAY, 14 SUGATAN

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang family outing nang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang passenger jeep sa provincial road ng Oriental Mindoro na ikinasawi ng apat katao kabilang ang isang menor de edad, habang 14 naman ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Grace Mission Hospital sa Barangay Catiningan, bayan ng Socorro, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ayon sa ulat, nangyari ang sakuna pasado alas-11:45 ng umaga noong Linggo sa Barangay Fortuna ng nabanggit na bayan. Bigla umanong mawalan ng preno ang jeep…

Read More

P20-M COCAINE NABINGWIT SA KARAGATAN NG PALAWAN

NASA kustodiya na ng Palawan PNP ang tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang cocaine matapos itong isuko ng dalawang mangingisda na nakabingwit dito habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Barangay Taburi sa Rizal municipality. Ayon sa ulat ng Rizal Municipal Police Station, natagpuan ang palutang-lutang na pakete sa dagat noong Linggo sa katimugang bahagi ng Palawan. Nakabalot umano sa itim na plastic ang hinihinalang cocaine na tumitimbang ng dalawang kilo at may tinatayang street value na P20 milyon. Agad itong isinailalim sa kustodiya ng Palawan Police Provincial Office para sa…

Read More

PEKENG DOKTOR, 3 PA TIMBOG SA PAGTUTULI

ARESTADO ang apat na katao matapos ireklamo ng umano’y panloloko at ilegal na pagsasagawa ng serbisyong medikal katulad ng pagtutuli sa mga kabataan, sa Candelaria, Quezon. Kinilala ang pangunahing suspek na isang 29-anyos na bisexual na physical therapist at residente ng Brgy. Lutucan 1, Sariaya. Kasama sa naaresto ang isang 20-anyos na dalaga na residente ng Brgy. Cotta, Lucena City; isang alyas “Jayson”, isa ring bisexual, ng Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City; at “Ryan”, 35, driver, at residente ng Brgy. Cotta, Lucena City. Batay sa imbestigasyon, umabot sa mahigit P108,000 ang…

Read More

PEKENG ‘MAGIC SARAP’ NASABAT

ARESTADO ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” seasoning products sa Iligan City. Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” residente ng Barangay Gusa, Cagayan de Oro City. Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng Nestlé Philippines sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang 106 kahon ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” na nagkakahalaga ng P444,000. Natuklasang ibinebenta umano ang mga produkto sa iba’t ibang lugar. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Intellectual…

Read More

MISSING BANGKETA BABAWIIN NG LGU

ANG bangketa sadyang ginawa para sa ligtas na paglakad ng mga tao. Sa isang pahayag, muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Angono ang mga nasasakupang residente at mga negosyante hinggil sa implementasyon ng Anti-Street Obstruction Ordinance. Sa ilalim ng naturang ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda, pag-iimbak, pagtatayo ng istruktura, paggamit sa bangketa bilang garahe ng sasakyan, paglalagay ng mga karatula at iba pang sagabal sa daang-tao. Bukod sa bangketa, saklaw rin ng naturang panuntunan ang kalsada, tulay, eskinita, liwasan at iba pang pampublikong lugar. Sa bisa ng Anti-Street…

Read More

3 TIMBOG SA ‘PAIHI’ SA BATANGAS

KALABOSO ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa ilegal na “paihi” operation sa Bauan, Batangas. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Batangas Provincial Field Unit, sinalakay ng mga operatiba kasama ang territorial police units ang operasyon sa Barangay San Pedro. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mar,” “Win,” at “Boy.” Naaktuhan umano ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo mula sa tanker truck patungo sa mga walang lamang Intermediate Bulk Containers (IBCs) at drums nang walang kaukulang otorisasyon mula sa Department of Energy…

Read More

UMALIS NG BAHAY, NATAGPUANG PATAY

PATAY na nang matagpuan sa kalsada ang isang 32-anyos na lalaki matapos umalis sa kanilang bahay sa Tanza, Cavite. Kinilala ang biktima sa alyas na “Kelvin,” residente ng Barangay Punta II, Tanza, Cavite. Ayon sa nakakita na si alyas “Yolando,” bandang alas-9:00 ng umaga nang mapansin nito ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa Barangay Punta II. Agad nitong ipinaalam sa security guard ng subdibisyon na siyang nagreport sa pulisya. Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na umalis umano ang biktima sa kanilang bahay noong Mayo 4, 2026 at hindi na…

Read More