ITINULAK ng mga medical expert ang prinsipyo ng harm reduction bilang paraan upang mabawasan ang panganib sa kalusugan dulot ng nicotine, partikular para sa mga smoker na hindi kayang tuluyang tumigil sa paninigarilyo. Pinangunahan ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) coalition ang 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction, na dinaluhan ng mga medical expert, consumer groups at kinatawan ng industriya upang talakayin ang mga polisiya hinggil sa sigarilyo, vape at iba pang produktong may nicotine. Isinagawa ang summit sa gitna ng mga panukalang pinag-aaralan ng gobyerno na…
Read MoreDay: October 1, 2026
KAWAYAN BILANG NATIONAL ECONOMIC DRIVER, ISINUSULONG NI SPEAKER DY
NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Huwebes para sa mas malakas na suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang makabuo ng isang kompetitibong industriya ng kawayan sa Pilipinas na makalilikha ng pangmatagalang kabuhayan para sa mga magsasaka, trabaho sa mga kanayunan at mga produktong lokal para sa konstruksyon at iba pang industriya. Sa kanyang pagdalo sa programang “Building the Future with Bamboo” sa punong tanggapan ng Asian Development Bank (ADB) sa Mandaluyong City, sinabi ni Dy na nagsimula ilang taon na ang kanyang pagsusulong sa industriya…
Read MoreKAHANDAAN NG GOBYERNO SA SUPER EL NIÑO, PINASUSURI SA SENADO
ISINUSULONG ni Senator Jinggoy Estrada ang isang resolusyon upang busisiin ng Senado ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng babala ng weather bureau hinggil sa posibleng “super-sized” na El Niño na maaaring maranasan sa bansa hanggang 2027. Inihain ni Estrada, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 12287 o ang “Declaration of State of Imminent Disaster Act,” ang Senate Resolution No. 656, na naglalayong magtalaga ng komite sa mataas na kapulungan upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon. Sinabi ni Estrada na hindi dapat magpahuli ang Senado sa pagkilos…
Read MoreKAMARA, LGU SANIB-PWERSA SA PAGPROTEKTA SA MGA BATA ONLINE AT OFFLINE
INIHAYAG ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Miyerkoles na kapwa may pananagutan ang Kongreso at mga lokal na pamahalaan sa pagprotekta sa mga bata online at offline. Aniya, pinatitibay ng mga mambabatas ang mga legal na pananggalang habang tinutulungan naman ng mga lokal na opisyal na maisalin ang mga ito sa aktuwal na proteksyon sa mga paaralan, tahanan at komunidad. Sa kanyang talumpati sa 2026 League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster Conference sa Royce Premium Hotel sa Clarkfield, Pampanga, inilahad ni Dy ang mga…
Read MoreABSOLUTE PARDON NG MALACAÑANG KAY VELOSO NIRERESPETO NG INDONESIA
NIRERESPETO ng Indonesia ang naging desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na pagkalooban ng absolute pardon si Mary Jane Veloso. Ito ang inihayag ni DOJ Undersecretary Nicholas Ty sa isang regular press conference nang tanungin tungkol sa naging reaksyon ng Indonesia sa pagpapatawad kay Veloso. Binigyang-diin ni Ty na nasa hurisdiksyon na ng Pilipinas ang pagpapatupad ng sentensya kay Veloso matapos itong mailipat mula Indonesia ilang taon na ang nakalipas. Ayon kay Ty, hindi naging madali ang pinagdaanan ng Department of Justice (DOJ) at Malacañang sa legal na proseso upang mapauwi…
Read More2 INARESTO NG QCPD SA ILEGAL NA BARIL
DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director Police Brigadier General (PBGEN) Christopher Olazo at sa pamamagitan ng La Loma Police Station (PS 1), na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Jose Luis Aguirre, ang dalawang suspek na may mga nakaraang rekord sa krimen dahil sa umano’y ilegal na pagmamay-ari ng baril sa Brgy. Balingasa, Quezon City. Nabatid na ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “John,” 37-anyos, residente ng Brgy. Ramon Magsaysay, at “Onal,” 21-anyos, residente ng Brgy. Unang Sigaw, parehong sa Quezon…
Read MoreKAMPANYA PARA SA WAIS, RESPONSABLENG MAMIMILI PINAIGTING NG DTI
MAS pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pangunguna ni Secretary Ma. Cristina Roque, ang kampanya nito upang mapalawak ang kaalaman ng mga mamimili tungkol sa kanilang mga karapatan at sa pagpili ng ligtas at dekalidad na produkto. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing sa Malacañang na alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa consumer rights at kahalagahan ng pagpili ng ligtas at dekalidad na mga…
Read MoreHindi pa tapos ang laban ATTY. RODRIGUEZ HIHIRIT NG MR SA VOTING THRESHOLD PETITION SA SC
HINDI pa isinusuko ni dating Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez ang laban matapos niyang ihayag nitong Huwebes na pinag-iisipan niyang magsampa ng motion for reconsideration (MR) sa Korte Suprema kaugnay ng desisyon nitong ibasura ang kanyang petisyon laban sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Inihayag ni Rodriguez ang plano sa isang panayam sa Unang Balita ng GMA News, isang araw matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanyang petisyon na kumukuwestiyon sa hakbang ng Senate Impeachment Court. “We are considering the filing of a motion…
Read MoreUTANG NG PILIPINAS PUMALO SA P19.61 TRILYON NOONG AGOSTO
LUMOBO sa P19.61 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng P217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa P19.39 trilyong utang na naitala noong Hulyo. Mula naman noong Disyembre 2025, tumaas na ng 10.72% ang national debt mula sa P17.71 trilyon. Ayon sa BTr, nasa P13.24 trilyon ang domestic debt habang umabot naman sa P6.37 trilyon ang external debt. Kabilang sa mga dahilan ng paglaki ng external debt ang paghina ng piso laban sa dolyar, na nagdagdag ng…
Read More