P199-B REALIGNMENT SA 2027 BUDGET BILL SISILIPIN NG SENADO

SISIYASATIN ng Senado ang halos P199 bilyong pondong iniulat na ni-realign ng Kamara sa panukalang 2027 national budget upang matiyak kung naaayon sa mga prayoridad ng pamahalaan ang mga pagbabago sa alokasyon. Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na partikular nilang bubusisiin ang mga pagbawas sa foreign-assisted projects, na aniya ay kailangang bigyang-prayoridad dahil sa lumalaking bayarin sa penalty at interes. Kabilang sa mga proyektong tinukoy niya ang Metro Manila Subway at mga commuter rail project na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon. Batay sa paunang impormasyong natanggap…

Read More

Sa kaso ng helmet violation LTO KAILANGANG PATUNAYAN BATAYAN SA SUSPENSYON NG LISENSYA

MAAARING pagmultahin si Quezon City Councilor Rannie Ludovica dahil sa umano’y paglabag sa batas na nag-uutos sa pagsusuot ng motorcycle helmet, ngunit kailangan pang patunayan ng Land Transportation Office (LTO) ang sapat na batayan kung sususpendihin ang kanyang lisensya, ayon kay Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton. Ito ay kasunod ng pag-isyu ng LTO ng show cause order laban kay Ludovica dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, na nag-aatas sa lahat ng motorcycle rider, kabilang ang…

Read More

IPON BALDE NI PBBM PRAKTIKAL – WIN

SINUPORTAHAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na maghanda ng mga balde upang makapag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño. Ayon kay Gatchalian, mahalagang samantalahin ang mga pag-ulan upang makapag-imbak ng tubig na maaaring gamitin sa panahon ng matinding tagtuyot at posibleng pagkaantala ng suplay ng tubig. Sinabi rin ng senador na makatutulong ang panukala ng Pangulo sa mga negosyong nagtitinda ng balde, kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng kanilang benta. Tiniyak naman ni Gatchalian…

Read More

JBC SINIMULAN NA PUBLIC INTERVIEW SA MGA APLIKANTE SA SC ASSOCIATE JUSTICE POST

SINIMULAN na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang public interview sa mga aplikante para sa nababakanteng posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court (SC) kaugnay ng nakatakdang compulsory retirement ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa Nobyembre 16, 2026. Unang sumalang sa panayam sina Bureau of Immigration Deputy Commissioner Aldwin Alegre at Legal Education Board Chairperson Jason Rueda Barlis. Sa hapon naman ay humarap sa JBC sina Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg at Court of Appeals Associate Justice Lily Villareal Biton. Dumalo rin sa public interview ang mga…

Read More

PBBM SINERTIPIKAHANG URGENT OFW REINTEGRATION ACT

MAAARING mapabilis ang pagpasa sa panukalang OFW Reintegration Act matapos i-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bersiyon ng Senado ng panukala, ayon kay Albay Rep. Adrian Salceda. “Malaking bagay po ang certification ng Pangulo para matapos na natin ito sa Kongreso,” ani Salceda. Layunin ng panukala na matulungan ang mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) na makapagsimulang muli sa trabaho at kabuhayan sa bansa. Noong Hunyo 30, 2025, unang araw ng 20th Congress, inihain ni Salceda ang House Bill No. 50 na naglalayong magtatag ng mga…

Read More

Sa inaprubahang P7.2T 2027 budget KAMARA PINALAKI PONDO PARA SA SUPER EL NIÑO

INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027, na naglalaman ng karagdagang pondo para sa agrikultura, kalusugan, edukasyon, transportasyon at iba pang serbisyong panlipunan, kabilang ang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño. Sa botong 281 pabor, 13 tutol at isang abstention, pasado ang House Bill No. 10858 o ang panukalang 2027 General Appropriations Bill (GAB). Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson at bill sponsor Mikaela Angela Suansing, layunin ng mga amyenda sa bersiyon ng Kamara na tugunan…

Read More

448 PANUKALANG BATAS NAIPASA NG KAMARA; UMAKSYON SA 32 PRAYORIDAD NG LEDAC

NAIPASA ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang 448 panukalang batas at umaksyon sa 32 sa 61 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago mag-recess ang Kongreso, ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Lunes. Sinabi ni Dy na kabilang sa mga pangunahing tinutukan ng Kamara ang edukasyon, proteksyon sa mga bata, tulong sa mga overseas Filipino worker (OFW), serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen at iba pang panukalang naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino. Sa pinakahuling ulat,…

Read More

Hotel Sogo brings its comfort food closer to home with foodpanda

HOTEL SOGO x FOODPANDA PARTNERSHIP LAUNCH. Hotel Sogo and foodpanda officially launch their partnership at Hotel Sogo Santolan on September 28, 2026. In photo (from left): Ms. Mariel Quinto, Advertising and Promotions Manager, Hotel Sogo; Ms. Sue Geminiano, Corporate Marketing Head, Hotel Sogo; Chef Tatung; Mr. Andrew Hornshaw, Sales Manager, foodpanda; Mr. Andreu Sevillo, Regional Manager, foodpanda; and  Sogo AIko, Hotel Sogo Brand Ambassador. For more than three decades, Hotel Sogo has welcomed Filipinos looking for a clean, comfortable place to rest. For guests who have come to enjoy its…

Read More

GALAXY CARD NG ASTROTEL: LEVEL UP SA HOSPITALITY EXPERIENCE

Ang pormal na paglulunsad ng Galaxy Card na isang Loyalty Card ng Astrotel. Ang okasyon na ginanap noong September 29 ay pinangunahan ng mga opisyal ng Astrotel na sina (mula sa kaliwa) Maricar Cunanan, Senior Manager; Sue Geminiano, Corporate Marketing Head; Anna Mariel Quinto, Advertising and Promotions Manager; at Danifer Calma, Senior Manager. Dinisenyo upang pagandahin ang experience ng hotel guests, ang Astrotel Galaxy Card ay nag-o-offer ng benefits sa pangangailangan ng mga miyembro nito. Upang mas maging makabuluhan ito, nagkaroon ang Astrotel ng pormal na paglulunsad ng kanilang Galaxy…

Read More