Maliban sa NCR PNP IBINABA SA HEIGHTENED ALERT BUONG BANSA

IBINALIK ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang buong bansa, ngunit nananatiling nasa full alert ang National Capital Region (NCR) habang patuloy na binabantayan ang pro-Marcoleta rally na sinuportahan ng Iglesia Ni Cristo (INC). Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co ang pagbaba ng alert status matapos itaas sa full alert noong Miyerkules. Gayunman, nananatiling naka-full alert ang NCR dahil sa nagpapatuloy na kilos-protesta ng mga tagasuporta ni Senador Rodante Marcoleta. Matapos bawiin ng Quezon City government ang permit para sa rally, inilipat ng…

Read More

House prosec kukuha ng translator PANALANGIN HINILING PARA SA VPSD IMPEACHMENT TRIAL

HUMILING ng pambansang panalangin ang House prosecution panel para sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Hulyo 6. Sa isinagawang “Mass for Truth, Justice, and Accountability” sa Chapel of the Nativity ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, nanawagan si Lead Prosecutor at House Committee on Justice Chair Gerville Luistro ng suporta at panalangin para sa paglilitis. “Join us as we pray for the conviction of the respondent in this impeachment trial,” ani Luistro. Pinasalamatan din niya ang Simbahan sa patuloy nitong suporta…

Read More

P1.35-M AYUDA IPINAABOT NI PBBM SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING VICTIMS

NAGPAABOT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kabuuang P1.35 milyong pinansiyal na tulong sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi at nasugatan sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, labis na nalungkot ang Pangulo sa trahedyang kumitil sa buhay ng mga kabataan. “Nakakadurog-puso, iyan ang naramdaman ni Pangulong Marcos Jr. sa pangyayari sa Tacloban kung saan may mga kabataan na nagbuwis ng buhay para masagip ang ibang kamag-aral,” ani Castro. “Mga kabataan ang nabibiktima at mga…

Read More

LIFTING OF BLACKLIST, BARGAIN OFFER NI ALIAS ‘HAIDEE’?

BISTADOR ni RUDY SIM TILA planado ang sindikato nitong si alias “Haidee” kasabwat ang ilang opisyales at tauhan ng Bureau of Immigration kaugnay sa pag-blacklist sa 13 kompanya at usap-usapan ngayon na maaaring ito ang dahilan ng kanyang biyahe noong nakaraang linggo sa Vietnam kasama ang ilang piling liaison officers ng iba’t ibang travel agencies na nagbayad umano ng tig-P60K para sa biyahe at sponsored naman umano nitong si Haidee ang gastos ng ilang empleyado ng BI na kasama sa biyahe? Ayon sa nakalap nating impormasyon, masaya umano sa kanilang…

Read More

MAS MABIGAT KAYSA DALANG BAG

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI lahat ng sugat ay nakikita. May mga sugat na walang pasa o dugo, ngunit nananatili sa isip ng isang tao sa loob ng mahabang panahon. Ito ang unang pumasok sa isip ko nang mapanood ko ang kumalat na bidyo ng isang estudyante ng San Bartolome High School na umano’y nakaranas ng bullying habang pauwi. Makikita ang batang may pulang bag habang sinusundan, pino-provoke, at tinatawag ng masasamang pangalan ng ilang kapwa estudyante. Isang ordinaryong pag-uwi mula sa paaralan ang nauwi sa isang eksenang…

Read More

‘WE ARE ONE’ SA EDSA LABAN SA KORUPSYON

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng pambansang usapin ang EDSA nang dagsain ito ng iba’t ibang grupo sa ilalim ng panawagang “WE ARE ONE.” Hindi ito simpleng pagtitipon ng mamamayan na pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo (INC), kundi isang kolektibong panawagan na dapat umiral ang pananagutan sa sinomang mapatutunayang nagwaldas o nagnakaw sa pondo ng bayan. Sa kanilang pananaw, hindi maaaring manatiling tahimik ang sambayanan habang patuloy na inuusig ng mga alegasyon ng katiwalian ang pamahalaan. Nagmula sa iba’t ibang sektor ang mga dumalo—mga manggagawa, kabataan, propesyunal,…

Read More

NEW POSITIONS PARA SA MENTAL HEALTH PROGRAM NG DEPED APRUB SA CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang mga bagong posisyong nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ipinakikita lamang ng hakbang na ito ang patuloy na komitment ng pamahalaan na patatagin ang kamalayan sa mental health, at mga serbisyong sumusuporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga komprehensibong programa sa mga paaralan. Sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2600920, opisyal nang inaprubahan ng komisyon ang Qualification Standards para sa mga posisyon…

Read More

BUMIBYAHENG BUS, PINAULANAN NG BALA NG TANDEM

NAG-PANIC ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus nang mistulang gawing firing range ang kanilang sinasakyan ng riding in tandem habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Banaybanay, Amadeo, Cavite noong Martes ng umaga Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo na hindi naplakahan. Minamaneho ng driver na si alyas “Armando” ang isang pampasaherong bus na may plakang NKJ 2146, na nakarehistro sa ACB Transport Services of Las Piñas, habang binabagtas ang kahabaan ng CM Delos Santos Ave., Brgy. Banaybanay, Amadeo, Cavite patungo sa direksyon ng Amadeo…

Read More

PAGPATAY SA DATING BISE ALKALDE AT ANAK, PLANADO – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na planado ng tatlong suspek ang pagpatay kay dating Abuyog, Leyte Vice Mayor James Bohol at anak nito. Sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Anti-Kidnapping Group Director BGen. Edwin Balles, kusa umanong umamin ang tatlong suspek sa kanilang ginawang krimen. Nauna rito, iniulat na sapilitang isinakay mula sa kanilang warehouse ng mga suspek ang mag-amang Bohol sa Mayorga, Leyte. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ang kanilang bangkay sa isang bangin sa Barangay Imelda, Silago, Southern Leyte. Nagpadala ng surrender feeler ang…

Read More