PAGDALO NI MAYOR BASTE SA IMPEACHMENT NAURONG

HINDI dumalo sa unang araw na itinakda para sa kanyang pagharap sa Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng paglilitis sa impeachment case laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte. Sa halip, humiling ang alkalde na ngayong Martes, September 29, o Miyerkoles, September 30, na lamang siya humarap sa impeachment trial. Sa binasang request ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, humihiling si Mayor Baste ng sapat na panahon upang makalap, ma-authenticate at maiprisinta ang mga dokumentong ipinatawag ng korte kaugnay ng…

Read More

HABAMBUHAY NA KULONG SA DALAWANG TULAK NG MARIJUANA

MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nagbebenta ng ilegal na droga matapos hatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawang drug courier na nahulihan ng halos 20 kilo ng dried marijuana sa Benguet. Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, malinaw ang magiging kaparusahan sa mga mahuhuling sangkot sa ilegal na droga. Kinilala ang mga nahatulang sina Roldan Jacinto y Lao-an, alyas “Simple Heart,” at Rocky Jet Bagoling y Layogan. Sa 44-pahinang desisyon na may petsang September 24, 2026, hinatulan ng Regional Trial Court, First Judicial…

Read More

MGA PINANGALANAN NI GRACIOSO IPATATAWAG NG NBI

HANDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personalidad na binanggit ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng alegasyon nitong pamamahagi ng bilyun-bilyong pisong cash sa pamilya Duterte. Kabilang umano sa mga nakatanggap ng pera sina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte. Sa isang ambush interview kay NBI Director Atty. Melvin Matibag sa isinagawang Tripartite MOA Signing sa Department of Justice (DOJ), sinabi nitong bahagi ng kanilang imbestigasyon ang pag-imbita at pakikipag-ugnayan sa mga personalidad na pinangalanan…

Read More

Pinadedeklara sa SC PAGPAPALIBAN NG BSKE UNCONSTITUTIONAL

KINALAMPAG ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang Korte Suprema upang agarang aksyunan ang kanyang petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa 21-pahinang petition for certiorari and prohibition na inihain ni Macalintal, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman, partikular kay Chief Justice Alexander Gesmundo at mga kasamahang mahistrado, na ideklarang labag sa Konstitusyon ang Republic Act No. 12326 na naglilipat sa iskedyul ng BSKE. Hiniling din niya ang status quo ante order, temporary restraining order (TRO), at writ of preliminary injunction upang pigilan ang…

Read More

Banta sa mundo ang panggigipit ng China sa WPS

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ATIN ang West Philippine Sea (WPS) at hindi tayo lamang ang nagsasabi nito – patunay ang pagbasura ng 2016 Arbitral Awards sa “nine-dash line” ng China, at sa award, ipinakilala sa buong mundo na tanging karapatan natin ito sa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone (EEZ). Pasaway, bully, astang maton ang China sa patuloy na panggigipit, walang paggalang sa batas internasyonal sa ating claim sa WPS na may matatag na pundasyon ng suporta ng UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),…

Read More

HINDI INGAY KUNDI EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAINIT ngayong pinag-uusapan ang alegasyon sa ghost projects ngunit mananatili itong alegasyon hangga’t walang ipinapakitang ebidensya. Simple lang naman, kung may mga proyektong sinasabing naipatayo at na-verify, nasaan naman ang patunay na ang mga ito ay umiiral, maayos ang pagkakagawa at napakikinabangan ng taumbayan? Lumutang ito sa Senate budget hearing nang diretsahang usisain ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon tungkol sa mga flood control project sa Taguig. May ghost project ba? “Wala po. Sa…

Read More

MGA AKUSASYON VS EX-HOUSE SPEAKER LORD ALLAN VELASCO, WALANG BASEHAN

TARGET ni KA REX CAYANONG MABIGAT ang anomang alegasyon ng katiwalian, lalo na kung ang sangkot ay isang dating mataas na opisyal ng Kamara. Kaya naman hindi dapat basta-basta balewalain ang mga paratang laban kay dating House Speaker Lord Allan Velasco. Ngunit sa kabilang banda, hindi rin makatarungan na ang isang tao ay husgahan agad batay lamang sa mga pahayag na hindi pa napatutunayan. Tinawag ng kampo ni Velasco na “fabricated attacks” ang mga lumutang na alegasyon laban sa dating House Speaker. Sa pahayag ng kanyang tagapagsalita na si Atty.…

Read More

SENIOR CITIZEN PATAY SA SELOS NG KAPITBAHAY

PATAY ang isang 61-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng kapitbahay makaraang nagtalo dahil sa selos sa Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang napatay na biktimang si alyas “Danilo”, 61, ng Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor City, habang pinaghahanap ang mga suspek na sina alyas “Kalbo” at “Josie”, kapwa residente ng Bagong Silang 3A, Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, habang naaresto naman si alyas “Richard” ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor…

Read More

DATING SUNDALO, 2 PA TIKLO SA BARIL AT DROGA

ARESTADO ang tatlo katao matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P100,000, at dalawang baril sa isinagawang buy-bust operation noong madaling araw ng Setyembre 26, 2026 sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU), Intelligence Section, Special Weapons and Tactics (SWAT) team, sa pakikipagtulungan ng Pasig City Anti-Drug Abuse Office, dakong alas-3:30 ng umaga sa Kenneth Road corner Eusebio Avenue. Nabatid sa ulat na nakarating kay PBen. Roman Arugay, district director ng…

Read More