DUMULOG sa Department of Justice si acting Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez upang paimbestigahan ang umano’y nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas” na nagpapakalat ng maling impormasyon. Tinukoy ni Gomez ang isang post na nagsasabing magkakaroon umano ng “energy lockdown” o kakulangan sa suplay ng langis sa bansa—isang pahayag na aniya’y maaaring magdulot ng labis na pangamba sa publiko. Ayon sa kalihim, ang ganitong uri ng pekeng balita ay posibleng mag-udyok ng panic buying at hoarding ng mga produktong petrolyo. Dagdag pa niya, may ilang indibidwal…
Read MoreAuthor: admin 3
Tutugon sa SALN request GARAFIL TUMIKLOP KAY BOYING
NILINAW ni House Secretary General Cheloy Garafil na tutugunan ng Kamara ang hiling ng Office of the Ombudsman na isumite ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mambabatas. Ito ay kasunod ng babala ni Ombudsman Crispin Remulla na maaari siyang maharap sa contempt kung hindi agad makikipagtulungan ang Kamara sa kanilang kahilingan. Iginiit ni Garafil na walang intensyon na suwayin o isnabin ang utos ng Ombudsman. “We have no intention of showing disrespect or evading our duty to respond. All official communications will be attended to…
Read MoreATONG ANG POSIBLENG NASA VIETNAM — DILG
KINUMPIRMA ni Interior Sec. Jonvic Remulla na posibleng nasa Vietnam ang negosyanteng si Charlie Atong Ang. Sa panayam sa mga mamamahayag sa Kampo Crame, sinabi ni Remulla na namataan umano si Ang noong nakaraang buwan. Ayon sa kalihim, posibleng dumaan sa “backdoor” ang gaming tycoon upang makatakas sa batas. Matatandaang may warrant of arrest si Ang kaugnay ng umano’y pagiging utak sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero at ilang empleyado mula 2021. Nauna nang sinabi ng kalihim na posibleng nagtago si Ang sa tinaguriang “Golden Triangle” upang maipagpatuloy…
Read MorePAGDINIG SA MGA PETISYON KONTRA GAA 2024-2026 GUMULONG SA SC
SINIMULAN ng Korte Suprema ang pagdinig sa pinagsamang mga petisyon na kumukuwestiyon sa ilang probisyon ng 2024, 2025 at 2026 General Appropriations Act (GAA). Sa oral arguments, humarap ang mga kinatawan ng pamahalaan at mga petitioner upang talakayin kung naaayon sa Konstitusyon ang ilang bahagi ng pambansang badyet. Dumalo bilang amici curiae sina Winnie Monsod, Florencio Abad, dating Senate President Franklin Drilon, at Benjamin Diokno. Layunin ng kanilang partisipasyon na magbigay ng karagdagang pananaw at ekspertong opinyon upang matulungan ang Korte Suprema sa pagresolba sa mga isyung konstitusyonal hinggil sa…
Read MoreSENIOR CITIZENS BIBIGYAN NG LIBRENG LEGAL ASSISTANCE
PUMASOK sa kasunduan ang Senior Citizen’s Party-list at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang magtulungan sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa lahat ng senior citizens sa bansa. Nilagdaan nina Senior Citizens Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes at IBP National President Allan Panalong ang memorandum of agreement para sa Legal Assistance Program for Senior Citizens. Naging saksi sa pagpirma sa kasunduan si National Commission for Senior Citizens Chairperson Ma. Merceditas Gutierrez. Ipinaliwanag ni Ordanes na maraming nasa edad 60 pataas, partikular na ang mahihirap, ang nangangailangan ng tulong-legal kaya’t nagpursige…
Read MoreBOC NAGTALA NG ALL-TIME HIGH NA P239.05-B COLLECTION SA Q1 2026
NAKAPAGTALA ang Bureau of Customs (BOC) ng pinakamataas nitong first-quarter revenue collection sa kasaysayan matapos makalikom ng P239.054 bilyon mula Enero hanggang Marso 2026. Inanunsyo ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na nalampasan ng ahensya ang target na P236.060 bilyon ng P2.994 bilyon o 1.3% higit sa inaasahan. Mas mataas din ito ng P7.677 bilyon o 3.3% kumpara sa koleksyon sa kaparehong panahon noong 2025. Ayon sa BOC, nananatiling malakas ang performance ng ahensya, at ang nasabing quarter ay isa sa pinakamataas na naitala—nalampasan lamang ng record-breaking collection noong Hulyo…
Read MoreDOJ NAGSAMPA NG KASONG KRIMINAL LABAN KAY ZOSA, IBA PANG KASAMA SA 2017 MANAS AMBUSH CASE
SINAMPAHAN ng Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ng criminal information sina Emilio Zosa at kanyang mga kapwa akusado na sina Arturo Deborborn, Ricky Calagos, Reymart Antivo, at Sofronio Medoranda kaugnay ng 2017 Manas ambush case, na natanggap ng husgado noong Marso 19, 2026. Ang kasong murder ay isinampa ng DOJ matapos matukoy na ang ebidensiya na kanilang nakalap ay sapat na sa kinakailangang pamantayan sa ilalim ng umiiral na DOJ standards. Nag-ugat ang kaso sa isang ambush noong Hulyo 23, 2017 sa Sta.…
Read More‘DI PATAS NA PAGTRATO SA IMPEACHMENT VS PBBM, VP SARA DUTERTE
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING naka-PUNA sa magkaibang pagtrato sa impeachment complaint laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Vice President Inday Sara Duterte ng House Committee on Justice ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment kay PBBM ay agad na dinesisyunan ng House Committee on Justice na “insufficient in form and substance.” Sinasabing wala raw basehan ang dalawang reklamo para ma-impeach si PBBM. Unang sinampahan ng dalawang impeachment complaint si PBBM, at kasunod nito ay apat naman ang isinampang impeachment laban kay VP Duterte. Tatlong impeachment sana…
Read MoreKOLEKSYON MUNA BAGO PROYEKTO?
Syanong Detektib HINDI sapat ang katagang nakalulungkot para ilarawan ang lumalalang kanser sa pamahalaan. Ultimo sa barangay, garapalan na ang katiwalian. Matapos mabisto ang payroll padding, naglakas-loob na rin ang mga kagawad ng Barangay Kalayaan (na sakop ng baybaying bayan ng Angono, Rizal) na ibunyag ang umano’y iba pang iregularidad sa pananalapi ng kanilang chairman. Ang modus — nagre-release muna ng pondo bago pa man simulan ang proyekto. Partikular na idinulog ng mga barangay kagawad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y kakaibang estilo ni Kapitana…
Read More