Balitang ‘di Kanais-nais KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at mga contractor, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya No Investigation, mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais? Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang pagsisimula ng imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects na…
Read MoreAuthor: admin 3
DOBLENG HIGPIT NG SINTURON NI JUAN DELA CRUZ
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HALOS masakal na sa sobrang paghihigpit ng sinturon ang mga Pilipino dahil sa epekto ng korupsyon na sinundan pa ng krisis sa langis dulot ng giyera sa Gitnang Silangan. Hindi tayo naniniwala na walang pera ang gobyerno para magamit sanang pang-ayuda sa mga direktang apektado ng krisis sa langis. Nasaksihan natin ‘yan noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay nagkaroon ng COVID-19 pandemic. Marami pa siyang nagawang proyekto sa ilalim ng kanyang programang Build, Build, Build (BBB). Sa ilalim ng programang…
Read More2 RIDERS PATAY SA PASKO NG PAGKABUHAY
DALAWANG motorcycle riders ang namatay nitong Pasko ng Pagkabuhay kasunod ng karambola ng mga sasakyan na ikinasugat din ng siyam na iba pa, kabilang ang driver ng isang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Barangay Gongogong, San Ildefonso, Ilocos Sur. Batay sa paunang imbestigasyon, isang northbound na Ford Everest na minamaneho ng 23-taong-gulang na lalaki mula Barangay Vacunero, Santo Domingo, Ilocos Sur, ang lumihis sa kabilang linya habang sinusubukang mag-overtake sa sasakyang nasa unahan niya. Hinihinalang nag-alanganin ito at bumangga sa limang southbound o kasalubong na motorsiklo bandang alas-3 ng madaling…
Read MoreBABAE NATAGPUANG PATAY SA DALAMPASIGAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung namatay sa pagkalunod ang isang babae makaraang matagpuang walang malay sa dalampasigan sa isang resort sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Isinugod pa sa Tanza Doctors Hospital ang biktimang si “Precious” subalit wala na itong pulso pagsapit doon. Ayon sa ulat, isang pamilya ang nagtungo sa Garden Coast sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite upang maligo at doon ipagdiwang ang Easter Sunday. Inakala ng pamilya na natutulog lamang ang biktima sa kanilang inupahang cottage ngunit bandang alas-10:00 ng gabi ay nabatid na wala ito…
Read More5 mangingisda nasagip ng Coast Guard 4 DROWNING INCIDENTS NAITALA SA CALABARZON NITONG SEMANA SANTA
APAT katao ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa rehiyon ng CALABARZON nitong Semana Santa, ayon sa inisyal na ulat ng Philippine National Police, habang lima namang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batangas. Sa bayan ng Tiaong, isang 38-anyos na lalaki ang nalunod matapos tangkaing kunin ang tsinelas ng kanyang anak na inanod ng agos sa Mabilog River. Sa Magdalena, isa ring lalaki ang matagpuang hindi na gumagalaw sa ilalim ng tubig sa Balanac Dam. Sa Mabini, nasawi ang isang 48-anyos…
Read MoreSa shooting incident sa Puerto Princesa 4 PULIS IPINAAARESTO SA ILEGAL NA PAGRESPONDE
IPINAG-UTOS ni PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-aresto at pagpapakulong sa apat na pulis na tinukoy na nagresponde sa pamamaril sa Puerto Princesa sa Palawan. Ito ang inihayag ng hepe ng Pambansang Pulisya sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame. Inatasan ni Nartatez ang Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa na arestuhin at ipakulong ang apat na pulis na nagresponde sa pamamaril noong Biyernes Santo sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan na ikinasawi ng tatlo katao. Kabilang sa mga nasawi…
Read MorePAGPAPARAMI NG KADIWA STORES IPINANAWAGAN
HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang paglalatag ng mga Kadiwa store upang makapagbigay ng murang mga bilihin sa mga sektor na apektado kasunod ng sigalot sa Gitnang Silangan. Ayon sa senador, dapat masakop ang mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) upang matiyak na ang vulnerable sectors tulad ng mga senior citizen, solo parent, Persons With Disabilities (PWD), at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay may access sa mga pangunahing pagkain. Binigyang-diin ni Gatchalian na mismong ang DA ang nagbigay…
Read MoreDELAY SA PROCUREMENT NG FIRE TRUCKS NAKIKITANG DAHILAN SA PAGDAMI NG SUNOG
POSIBLENG nakaambag ang pagkaantala sa procurement ng fire trucks sa pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sunog, ayon sa Department of the Interior and Local Government. Sa datos, umabot sa 170 insidente ng sunog ang naitala mula Marso 21 hanggang Abril 5 ngayong taon, kumpara sa 82 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Inamin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang kanyang isinagawang crackdown sa Bureau of Fire Protection ay nagdulot ng pagkaantala sa procurement process. Aniya, bahagi ito ng mas malawak na reporma laban sa korupsyon sa…
Read MorePH-US TIES ‘DI APEKTADO SA PAGPAYAG NG IRAN SA SAFE PASSAGE SA STRAIT OF HORMUZ
TINIYAK ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa desisyon ng Iran na payagan ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may dalang energy supplies patungong Pilipinas sa Strait of Hormuz. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakausap niya si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro hinggil sa isyu, at wala aniyang nakikitang magiging problema sa ugnayan ng bansa sa Estados Unidos. “Wala po tayong nakikitang magiging isyu sa ating kaibigang bansa na US dahil nauunawaan naman nila ang…
Read More