SUGATAN ang 10 katao, kabilang ang dalawang menor de edad na estudyante, nang araruhin ng driver ng isang Toyota Innova ang dalawang pedestrian at nadamay ang isang pampasaherong jeepney na may mga pasahero sa Silang, Cavite noong Sabado ng hapon. Pawang isinugod sa Medical City Sta. Rosa, Qualimed Hospital at Bubbles Medical Clinic ang mga biktimang sina alyas “Richard”, 45, ng San Mateo, Rizal; “Marcelina”, 56, ng Pasig City; “Christian”, 36, ng Silang, Cavite; “Robielyn”, 24, ng Silang, Cavite; “Yvone”, 26, ng San Pablo City, Laguna; “Josephine”, 56, ng Silang,…
Read MoreAuthor: admin 3
PING KAY DIZON: KWESTYONABLENG GEOTAGGED INFO SA TAGUIG, IPALIWANAG
PINAGPAPALIWANAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa umano’y salungat na impormasyon hinggil sa isang proyekto sa Taguig City na lumitaw sa mga rekord mismo ng ahensya. Ayon kay Lacson, taliwas sa pahayag ni Dizon na walang ghost project sa Taguig City ang mga natuklasan sa DPWH site inspection reports hinggil sa isang proyektong may Contract ID 220B0106. Binanggit ni Lacson na ang mga geotagged na litrato na kalakip ng billing reports ng proyekto ay may coordinates na nakalagay na…
Read MoreTINANGGAL NA SYSTEMS LOSS CHARGE ‘DI DAPAT BAWIIN SA IBANG SINGIL – TULFO
TINIYAK ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Erwin Tulfo sa mga konsyumer na hindi maaaring bawiin ng mga electric company sa ibang paraan ang napipintong pagtanggal ng systems loss charge sa electricity bill. Ang pahayag ni Tulfo ay kasunod ng pangamba ng ilang konsyumer na maaaring ilipat lamang ng mga power distributor sa distribution o supply charges ang mawawalang systems loss charge. “Nakita na namin ‘yang lusot na ‘yan at hindi ‘yan pwede. Hindi naman maaaring tinanggal lang natin yung systems loss charge sa isang bahagi ng bill, tapos…
Read MoreHalf-day muna pasok sa lahat ng korte NATIONAL FAMILY WEEK IDINEKLARA NG SC
MAGPAPATUPAD ng half-day work schedule sa lahat ng korte ang Korte Suprema ngayong Lunes, Setyembre 28, bilang pakikiisa sa pag-obserba ng National Family Week at “Kainang Pamilya Mahalaga Day.” Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng judiciary mula ala-una ng hapon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mahistrado, huwes at court personnel na makasama ang kanilang pamilya. Ang hakbang ay alinsunod sa Proclamation No. 60, Series of 1992, na nagdeklara ng National Family Week, at Proclamation No. 326, Series of 2012, na nagtatakda sa ikaapat na Lunes ng Setyembre ng…
Read MorePASAHERONG NAHULOG SA BARKO, MISSING
PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa isang 57-anyos na pasaherong iniulat na nahulog mula sa isang pampasaherong barko sa karagatan malapit sa Isla Verde, Batangas noong Biyernes, Setyembre 25. Batay sa PCG, kinilala ang nawawalang pasahero na si Loloi Olitres, huling nakitang nakasuot ng asul na long sleeves habang sakay ng M/V Starlite Salve Regina na biyaheng Batangas-Caticlan. Dakong alas-7:11 ng gabi nang iulat ang insidente, tinatayang 2.21 nautical miles northwest ng Baco Chico Island sa Calapan City, Oriental Mindoro. Agad nagsagawa ng…
Read MoreDPWH: WALANG GHOST PROJECTS SA TAGUIG
DIRETSANG kinumpirma ni Public Works Acting Secretary Vince Dizon na walang ghost projects sa Taguig, batay sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Lumabas ang pahayag ni Dizon sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 proposed budget ng DPWH noong Setyembre 25. “Meron bang ghost projects sa Taguig?” tanong ni Cayetano kay Dizon. “Sa aming imbestigasyon, wala po,” agad na sagot ng kalihim. Ayon naman kay DPWH Undersecretary Ricardo Bernabe III, nasa 107 ang kabuuang proyekto ng…
Read MoreAMLC ITINUTULAK OVERHAUL SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW
ITINUTULAK ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang malawakang pag-amyenda sa mga batas laban sa financial crimes upang palakasin ang legal framework ng bansa bago ang 2027 mutual evaluation ng Financial Action Task Force (FATF). Binigyang-diin ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura ang pangangailangan na maisabatas ang mga nakabinbing amendments sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) bago isagawa ang kritikal na international evaluation sa susunod na taon. Sa isang forum na inorganisa ng SGV & Co. sa Makati City noong Biyernes, sinabi ni Buenaventura na mahalaga ang pagpapalakas ng legal framework habang…
Read MorePinalagan pagbabago ng voting threshold RULE OF LAW IS DEAD – FORMER ES RODRIGUEZ
UMALMA si dating Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez sa desisyon ng mayorya ng Senado na baguhin ang voting threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial. “Rule of law is dead,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang Facebook post noong isang araw. Sa kanyang post na pinamagatang “PH Constitution Requiem,” sinabi ni Rodriguez na minarkahan umano ng 13 senador ang “death of our Constitution” dahil sa umano’y paglabag sa kanilang panunumpa bilang senator-judges na magsagawa ng impartial justice alinsunod sa Konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.…
Read MoreTECNO CAMON Slim 5G Launches: A 6.39mm Ultra-Slim Art Piece in Your Palm with Pro-Level Capabilities
Artfully-created colorways, professional-level imaging, and practical AI — all housed in a 6.39mm yet durable body MANILA, Philippines — September 15, 2026 – TECNO, an innovative AI-driven technology brand, today unveiled the TECNO CAMON Slim 5G, a device that brings CAMON’s imaging capabilities to a 6.39mm slim body. It brings together artful design language, a pro-level imaging system, and a suite of practical AI features — all wrapped in one-of-a-kind artistic colorways. Each TECNO CAMON Slim 5G is not just a phone; it is a work of art you hold…
Read More