MGA BUTO NG TAO NA NAREKOBER SA TAAL LAKE, UMABOT NA SA 1,400

INIHAYAG ng PNP-Forensic Group na mula sa 2,000 na buto na narekober sa Taal Lake kaugnay sa mga nawalang sabungero, 1,400 dito ay mga buto ng tao. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Forensic Group director, Col. Pierre Paul Carpio, nakuha nila ang mga buto sa isinagawang 134 na operasyon. Sa ngayon, nakapagsagawa na umano sila ng medico-legal cross examination, radiographic imaging, dental, at DNA examination sa nakuhang mga buto. Batay sa kanilang isinagawang cross matching, wala pang may nagpositibo. Sinabi ni Carpio, dahil mahabang proseso…

Read More

PH, VIETNAM: KAPAYAPAAN SA SCS ‘NON-NEGOTIABLE’

IDINEKLARA ng Pilipinas at Vietnam na “non-negotiable” ang pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, at freedom of navigation sa South China Sea habang higit pang pinalalim ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan sa larangan ng depensa, ekonomiya, agrikultura, at digital cooperation. Ito ang binigyang-diin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnamese President Tô Lâm matapos ang bilateral talks sa Malacañang noong Lunes kasabay ng two-day state visit ng lider ng Vietnam sa Maynila. “As fellow claimant states, we reaffirm that maintaining peace, stability, and the freedom of navigation and overflight in…

Read More

PAGBABAGO SA ISKEDYUL NG IMPEACHMENT TRIAL HINDI DAPAT MAANTALA — REP. LUISTRO

HINDI dapat maantala kundi mas mapabilis pa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sakaling magkaroon ng pagbabago sa iskedyul nito, ayon kay House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro. “Let us remember that the mandate of the Constitution that is to be forthwith is not only with respect to the convening of the impeachment court. It says, ‘trial forthwith’,” pahayag ni Rep. Luistro sa isang press conference. “In other words, by trial, we mean presentation of evidence, presentation of witnesses. If ever there will be…

Read More

55K PULIS, FORCE MULTIPLIERS IPAKAKALAT SA SCHOOL OPENING

HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbabalik-eskwela sa ikalawang linggo ng Hunyo. Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., magpapakalat ang pambansang pulisya ng mahigit 55,000 pulis at force multipliers sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa paaralan. Ipinag-utos na rin ni Nartatez sa lahat ng PNP Regional Directors na paigtingin ang presensya ng mga pulis sa mga istratehikong lugar para sa ligtas at maayos na balik-eskwela. Sinabi rin ng opisyal na may kabuuang 55,507 personnel ang ide-deploy…

Read More

P35.4-M SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS NASAMSAM SA SINALAKAY NA BODEGA

PINANGUNAHAN nina Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin A. Matibag, ang inspeksyon sa P35.4 milyong halaga ng imported agricultural products na nasamsam sa sinalakay na cold storage facility sa Nueva Ecija. Ang inilunsad na anti-smuggling operation ay nag-ugat sa ipinagkaloob na intelligence information ng NBI kaugnay sa umano’y agricultural smuggling at posibleng paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Dahil sa nasabing intell report ay agad na kumilos ang Bureau of Customs–Intelligence Group (BOC-IG) at…

Read More

ER NG OSPITAL NG MAYNILA BUKAS NA

MULI nang binuksan ang emergency room ng Ospital ng Maynila Medical Center matapos ang isang linggong pagsasaayos o renobasyon nito ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at ilang matataas na mga opisyal ng ospital at Manila LGU, ang pagbubukas at pagbabasbas sa naturang ospital. Sa kanyang talumpati, nakisuyo ang alkalde sa hospital staff at personnel na ngumiti sa mga pasyente dahil malaking bagay ito para gumaan ang kanilang pakiramdam. Matatandaang pansamantalang isinara ang ER ng ospital noong May 24 para isailalim…

Read More

PBGEN. LAGRADANTE PINALITAN NI PBGEN. BUSLIG SA EPD

ITINALAGA si Police BGen. Melecio Buslig Jr., bilang bagong OIC ng Eastern Police District, kapalit ni PBGen. Aden Lagradante. Epektibo nitong araw ng Lunes, Hunyo 1, ang panibagong balasahan sa hanay ng pulisya. Habang si PBGen. Lagradante ay itinalagang Officer-In-Charge ng Civil Security Group. Samantala, pumalit naman kay Buslig bilang bagong Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO, si Police BGen. Rodel Pastor. Ginawa naman si Police Col. Martin Gamba bilang Officer-In-Charge ng Office of the Chief of Regional Staff ng NCRPO. (TOTO NABAJA) 202

Read More

PBBM NAGDEKLARA NG SPECIAL HOLIDAYS SA 13 LUGAR

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng special non-working days sa 13 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang founding anniversaries at lokal na okasyon ngayong Hunyo. Sa ilalim ng Proclamation No. 1268, idineklara ni Pangulong Marcos ang Hunyo 1, araw ng Lunes, bilang special non-working day sa bayan ng Palapag, Northern Samar para sa pagdiriwang ng Sumuroy Day. “It is but fitting and proper that the people of the Municipality of Palapag be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy…

Read More

JINGGOY INISYUHAN NG WARRANT, SUMUKO SA CIDG

TULUYAN nang inaresto si Senador Jinggoy Estrada ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) base sa warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y maanomalyang flood control projects. Pasado alas-3 ng hapon nitong Lunes nang dumating sa Senado ang court server ng Sandiganbayan kasama ang ilang tauhan ng CIDG upang personal na isilbi ang warrant of arrest laban sa senador. Hindi naman pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant bago nagsagawa ng press conference. Ang warrant of…

Read More