Walang credible threat vs Marcos Jr. AFP, PNP MINALIIT ‘TSISMIS’ NA KUDETA

MINALIIT ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kumakalat na ulat hinggil sa umano’y tangkang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang beripikadong intelligence na nagpapakita ng seryoso at nakaambang banta ng kudeta o pag-aalsa na suportado ng militar. Gayunman, tiniyak ng PNP na mananatili itong naka-heightened alert bilang pag-iingat. Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na may ilang retiradong opisyal ng militar na umano’y nagtatangkang mag-recruit ng mga…

Read More

VILLAR NAMAHAGI NG TULONG SA TSUPER, MANGINGISDA SA PAMPANGA

NAMAHAGI ng tulong si Senador Mark Villar sa mga jeepney driver at mangingisda sa Apalit, Pampanga sa ilalim ng MARKalinga Program. Kabilang sa ipinamahagi ang grocery packs at sako-sakong bigas bilang suporta sa sektor ng transportasyon at pangingisda na apektado ng mataas na presyo ng langis. Ayon kay Villar, layunin ng programa na matulungan ang mga manggagawa na patuloy na nagsisilbi sa publiko sa kabila ng hirap sa kabuhayan. Binanggit din ng senador ang epekto ng tumataas na gastusin sa operasyon ng mga mangingisda, na nagdudulot ng pagbawas sa bilang…

Read More

COMELEC, AFP AT PNP NAGPULONG PARA SA BARMM, SK ELECTIONS 2026

NAGPULONG ang Commission on Elections, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines kasama ang iba pang ahensya upang talakayin ang preparasyon para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections at Sangguniang Kabataan elections. Pinangunahan ang command conference nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., at AFP Acting Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Arvin Lagamon sa Camp Crame. Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at election stakeholders upang tiyakin ang koordinasyon para sa maayos, mapayapa, at kapani-paniwalang…

Read More

TAX RECORDS NI VP SARA MANANATILING SELYADO

NAGPASYA ang House Committee on Justice na panatilihing selyado ang kahon ng tax records ni Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio. Sa botong 38-6, inaprubahan ng komite ang mosyon na isama ang selyadong kahon sa opisyal na records at ipadala ito sa Senate of the Philippines kung sakaling umusad ang impeachment trial. Ang kahon ay naglalaman ng mga dokumentong isinumite ng Bureau of Internal Revenue noong Abril 22 bilang tugon sa subpoena ng Kamara kaugnay ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente. Ayon kay Manila…

Read More

DOJ NAABOT ANG 20% ENERGY SAVINGS TARGET SA WFH, SOLAR

NAABOT ng Department of Justice ang target nitong 20% energy savings sa pamamagitan ng work-from-home (WFH) setup at paggamit ng solar panels sa punong tanggapan nito sa Maynila. Mula Pebrero 26 hanggang Marso 26, bumaba ang konsumo ng kuryente sa 72,000 kWh mula 108,000 kWh, katumbas ng 33% na pagtitipid. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bahagi ito ng hakbang ng ahensya upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente dulot ng global oil crisis. Ipinatupad ang WFH sa ilalim ng Department Circular No. 10 noong…

Read More

PHLPOST PINAGTIBAY ANG SUPORTA SA MGA EMPLEYADO SA LABOR DAY

MAYNILA, Pilipinas — Muling pinagtibay ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang suporta nito sa mga empleyado kasabay ng paggunita sa Araw ng Manggagawa, at inilatag ang mga hakbang upang tugunan ang mga pangunahing isyu ng kanilang workforce. Ayon sa pamunuan, nakasalalay sa dedikasyon ng mga kawani—mula sa mga kartero na umaabot sa malalayong lugar, hanggang sa mga mail sorter, postal worker, at empleyado sa opisina—ang matagumpay na operasyon ng ahensya. “Para sa amin, ang kapakanan ng empleyado ay hindi lang tungkol sa mga programa. Ito ay tungkol sa pag-aalaga sa…

Read More

CAYETANO SUPORTADO IMBESTIGASYON SA MGA PROYEKTO NG DISCAYAS SA TAGUIG

SUPORTADO nina Senador Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga proyektong nakuha ng kontratistang Discaya sa lungsod ng Taguig. Ayon sa mag-asawang Cayetano, dapat managot ang sinomang mapatutunayang sangkot sa anomalya at korupsiyon, at wala silang planong kunsintihin ang anomang pang-aabuso sa kaban ng bayan. Nagpasalamat din ang mga opisyal sa pagbisita ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na nagsagawa ng inspeksyon sa mga proyektong napanalunan ng mga kumpanya ng pamilya Discaya. Sinabi ni Dizon na…

Read More

‘PONDO GINAGAMIT NA PANAKOT’ SA IMPEACHMENT— POLONG

IBINUNYAG ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y panggigipit sa mga mambabatas upang suportahan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang Facebook post, sinabi ni Rep. Duterte na may isang indibidwal na nagngangalang “Charise” ang kumokontak sa mga chief of staff ng mga kongresista at nagbabantang puputulin ang pondo ng kanilang distrito sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) kapag hindi sumuporta sa impeachment. Ayon sa mambabatas, kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang pondo para sa irrigation, paaralan, tulay, kalsada, at iba pang infrastructure projects.…

Read More

2 IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA, MAY PROBABLE CAUSE—HOUSE PANEL

KINILALA ng House Committee on Justice ang pagkakaroon ng probable cause sa dalawang impeachment complaint laban kay Sara Duterte. Sa botong 53, inaprubahan ng komite ang Saballa at Cabrera complaints sa pamumuno ni Chairperson Gerville Luistro. Kasunod nito, ihahanda ang Committee Report at Articles of Impeachment na isusumite sa plenaryo sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara sa Mayo 4. Binigyang-diin ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang umano’y iregularidad sa P612.5 milyong confidential funds, kabilang ang mga pekeng acknowledgment receipts at testimonya ng umano’y “bagman.” Ayon kay De…

Read More