DBM, NAGBUKAS NG 26,711 PERMANENTE AT CONTRACTUAL NA POSISYON PARA SA DSWD FRONTLINERS

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng kabuuang 26,711 posisyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng hakbang na palakasin ang workforce na nagpapatupad ng mga pangunahing social protection program ng pamahalaan. Ayon sa DBM, kabilang sa mga inaprubahang posisyon ang 5,711 regular at permanenteng posisyon, kung saan 5,703 ang ilalaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Kabilang dito ang pagtatatag ng isang 4Ps Bureau sa Central Office at 4Ps Division sa 17 regional offices ng bansa upang maging permanente…

Read More

BARKO NG BFAR, SINALPOK NG CHINA COAST GUARD

MULI na namang nakaranas ng insidente ang mga tauhan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) matapos banggain ng China Coast Guard (CCG) vessel 21585 ang BFAR vessel na BRP Datu Magat Salamat habang nagsasagawa ito ng fuel subsidy mission para sa mga Pilipinong mangingisda. Ayon sa ulat na natanggap ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawang beses hinarang ng CCG vessel ang BRP Datu Magat Salamat bago ito tuluyang tumama sa portside o kaliwang bahagi ng barko bandang alas-11:13 ng umaga. Nasira ang ilang bahagi ng BRP Datu Magat Salamat,…

Read More

Marcy Teodoro hinikayat ang mga kasamahan sa Kamara na ipasa ang CADENA

HINIKAYAT ni Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na gawing prayoridad ang pagpasa ng Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act, na aniya ay magpapalakas sa transparency at pananagutan sa mga proyekto ng pamahalaan, sa harap ng paglubog sa baha ng ilang bahagi ng Central Luzon at National Capital Region (NCR) nitong mga nakaraang linggo. Ayon kay Teodoro, dapat kabilang ang CADENA Act sa mga prayoridad na panukalang batas na isusulong ng mga mambabatas dahil itataguyod nito…

Read More

Mga Aral sa Singapore, Bitbit ng mga Pilipinong Mambabatas

Good governance, public trust at mahusay na serbisyo publiko ang ilan sa mahahalagang aral na iniuwi ng 100 young legislators mula sa kanilang recent learning program sa Singapore. Kamakailan ay nagtapos ang mga piling mambabatas mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa Executive Education Program for Young Legislators ng Lee Kuan Yew School of Public Policy (LKYSPP), National University of Singapore (NUS), isang programa na pinapangunahan ng National Movement of Young Legislators (NMYL). Mula July 23 hanggang September 2, 2026, nagkaroon sila ng discussions at palitan ng ideas tungkol…

Read More

GUEST CONVENIENCE PRAYORIDAD NG HOTEL SOGO MOBILE APP

Dahil nasa digital landscape na tayo, hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagkakaroon dedicated mobile application na tunay na mapakikinabangan – lalo na sa hospitality sector. Para sa Hotel Sogo, na kilalang hotel chain sa bansa, ang isang mobile app ay nagsisilbing invaluable tool para sa pagpapahusay ng pakikipag-ug­nayan sa guests at pagpapadali ng mga operasyon. Sa panayam ng SAKSI Ngayon, ibinahagi ng Hotel Sogo – Corporate Marketing Head na si Sue Geminiano kung anong benefits ng isa sa kanilang mga bagong proyek­to. “Nowadays after pandemic, everything becomes digital. Mula sa…

Read More

TELESERYE NA PAGPAPALIBAN SA BSKE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NASA cloud nine na naman ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Sarap ng tulog, panalo ang diskarte. Paano ba naman, isang lagda na lang, dalawang taon pa ang idaragdag sa kanilang termino—ginawang limang taon mula sa dating tatlo, at ngayon ay pinalawig pa mula sa apat. Ayan, aprubado na sa Senado ang panukalang magpapahaba ng kanilang pag-upo, kasunod ng bersyon ng Kamara noong nakaraang linggo. Kasama pa rito ang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028.…

Read More

GILAS TAMBAK SA CHINA, ANO ANG DAHILAN?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAIBA na muna tayo ng topic at pag-usapan ang paglampaso ng China sa ating Gilas national team na binubuo ng professional players mula sa PBA, sa Asian Games na ginaganap ngayon sa Japan. Marami sa atin ang hindi matanggap ang malaking agwat ng score sa atin ng China kung saan tinambakan ang ating Gilas team ng 44 na puntos at nagtapos ang laro sa score 105-61. Sari-saring mga opinyon tuloy ang naglipana sa social media kung saan ang tanong ng karamihan ay nasaan ba ang players…

Read More

LORD’S BATTLE

HOPE ni GUILLER VALENCIA “…this is the LORD’s battle…,” (I Samuel 17:47). Ang talata natin ngayon ay mula sa kuwento tungkol kay David at Goliath. Bumaba si David mula sa kampo ng hukbong Israelita patungo sa lambak (valley) ng Elah para salubungin at makipaglaban sa higanteng si Goliath. May pananampalataya, sinabi ni David kay Goliath, “Ngayon ay lilipulin kayo ng Panginoon, at papatayin ko kayo at ihihiwalay ang inyong ulo,” (I Samuel 17:46). Nanalig si David dahil alam niya kung kaninong digmaang iyon. Alam niya na ang labanan ng mga…

Read More

MGA MANILEÑO NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG ‘INA NG TONDO’

TARGET ni KA REX CAYANONG MAY mga taong hindi kailangang magkaroon ng mataas na posisyon upang maging mahalaga sa isang komunidad. Isa na rito si Angela “Nanay Nene” Lopez Ching, na sa loob ng 36 na taon ay naging katuwang, tagapagtanggol at sandigan ng maraming pamilya sa Tondo. Sa kanyang pagpanaw, libo-libong residente ang nagtipon upang magbigay ng huling respeto. Ipinakita ng kanilang pagdalo kung gaano kalalim ang naging ugnayan ni Nanay Nene sa mga taong kanyang pinaglingkuran. Hindi lamang siya nakilala dahil sa kanyang malasakit sa mga nangangailangan. Naging…

Read More