HINILING ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) ang isang taong extension sa serbisyo ni Police Brig. Gen. Hansel Marantan. Kinumpirma mismo ni Secretary Remulla ang kahilingan sa isang text message sa mga mamamahayag nitong umaga sa Camp Crame. Batay sa dokumento, layunin ng extension na matiyak ang pagpapatuloy ng pagpapatupad ng mga kritikal at high-impact operations na kasalukuyang pinamumunuan ni Marantan. Sa kasalukuyan, si Marantan ang Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) at nakatakdang magretiro ngayong Hulyo sa…
Read MoreAuthor: admin 3
6,000 PULIS, IDE-DEPLOY SA SENADO PARA SA IMPEACHMENT PROCEEDING
KASADO na ang security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang impeachment proceeding ni Vice President Sara Duterte sa Senado sa Lunes. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, tuloy-tuloy ang intelligence monitoring upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng Senado. Magsasagawa rin ang PNP ng final coordinating conference kasama ang iba’t ibang police units upang plantsahin ang huling detalye ng security plan. Tinatayang nasa 6,000 pulis ang ide-deploy sa paligid ng Senado upang tiyakin ang seguridad ng lugar at…
Read MoreINTON: IBALIK ANG JUDICIAL DETERMINATION SA MGA KASONG NON-BAILABLE
NANINIWALA ang batikang abogado na si Atty. Ariel Inton na dapat nang pag-isipang ibalik ang judicial determination bago magpalabas ng warrant of arrest sa mga kasong non-bailable. Ang pahayag ay kasunod ng pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta nitong Huwebes. Ipinaliwanag ni Inton na ang plunder ay may rekomendasyong no bail, kaya kapag nakapaglabas ng warrant of arrest ang korte ay maaari nang arestuhin at ikulong ang akusado habang dinidinig ang kaso. Ayon sa abogado, noon ay sapat na ang probable cause…
Read MoreGSIS, PINALAWAK ANG BALIK GINHAWA 2; MAS MARAMING MIYEMBRO MAKATATANGGAP NG REFUND
MAS marami nang miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa pinalawak na Balik Ginhawa 2 Program, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang tulong-pinansyal para sa mga miyembro ng GSIS. Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ng refund na katumbas ng hanggang anim na buwang qualified loan amortizations para sa mga bayad mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026. Maaari na ring makinabang ang…
Read MorePLUNDER CASE VS. MARCOLETA, PANANAKOT SA MGA LUMALABAN SA FLOOD CONTROL SCAM – CAYETANO
IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang nakaambang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta ay isang paraan ng pananakot sa mga bumabatikos sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Sa ambush interview noong Hunyo 30, sinabi ni Cayetano na “nonsense” ang kaso at bahagi umano ito ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon. “Lutang na lutang na ito’y may kasamang chilling effect sa lahat ng tutuligsa sa gobyerno,” ani Cayetano. Si Marcoleta ay nakatakdang sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at indirect bribery…
Read MoreARMSCOR’s successful 2026 TACS Expo highlights innovation, preparedness & resilience
(From left) Armscor Global Defense Inc. president and CEO Gina Marie Angangco, DTI representative and Tatak Pinoy Council Secretariat administrative head Atty. Maria Theresa Faustino, PITC president Mary Tong, Armscor senior vice president and chief marketing officer Lisa Tuason with executive vice president and chief operating officer Felino Neri, NAPOLCOM vice chairperson and executive officer Atty. Rafael Calinisan, Armscor chairman Ambassador Demetrio “Bolo” Tuason with senior vice president & chief stakeholder relations officer and Armscor Shooting Center, Inc. president & CEO Maria Cristina Tuason-Gonzalez, Nate Tuason, Police Brigadier Generals Jose…
Read MoreKASO VS SEN. MARCOLETA MABABASURA SAKALING MAKITANG WALANG BASEHAN!
RAPIDO ni PATRICK TULFO NAKAPAGTATAKA ang ginagawang pagra-rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) para protektahan umano si Sen. Rodante Marcoleta. Si Marcoleta ay kilalang miyembro ng INC na naging dahilan umano ng kanyang pagkapanalo bilang senador dahil kilala ang INC sa block voting. Hinaharang umano ng INC ang pagkakaso sa senador ng kasong plunder o pandarambong, tulad ng ikinaso kina Sen. Jinggoy Estrada at dating senador Bong Revilla. Ano ba ang ikinababahala ng INC? Ang mahatulan si Sen. Marcoleta? Mababasura naman ang kanyang kaso sakaling makitang walang…
Read MoreIsko Moreno: ‘Di papogi, MBN ang sukatan ng tunay na pamumuno
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon ngayon, uso ang pulitika ng pabida. Maraming magaling magsalita, maraming mahusay mag-video, at mas marami ang eksperto sa pagpapapogi sa social media. Pero kapag tinanong mo ang ordinaryong Pilipino kung ano ang talagang kailangan niya, iisa lang ang sagot – trabaho, edukasyon, ospital, at bahay. Iyan ang tinatawag na Minimum Basic Needs (MBN). Hindi ito slogan. Hindi rin ito pakulo sa kampanya. Ito ang pinakapayak na obligasyon ng isang gobyerno. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso,…
Read MoreGIVE THANKS
HOPE ni GUILLER VALENCIA “In everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you,” 1 Thessalonians 5:18 (KJV). Our text today ay tungkol sa pasasalamat. Isa sa mga hinahangaan ko kay Apostol Pablo ay ang kanyang pahayag at pangaral na, “In everything gives thanks…” Alam natin na si Apostol Pablo ay isang edukado at mataas ang tungkulin sa gobyerno ng Romano at namumuhay nang marangya at iginagalang bago niya nakatagpo ang Panginoong JesuCristo sa daan ng Damasco. Mula noon ay naging tagasunod at masugid…
Read More