DOJ: PNP-CIDG BAHALANG MAGDAGDAG NG RESPONDENTS SA KASO NI PADILLA

IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibleng pagdaragdag ng mga respondent sa reklamong obstruction of justice laban kay Senator Robin Padilla. Ayon kay Justice Undersecretary Ian Norman Dato, ilang beses nang nagpulong ang PNP-CIDG at DOJ alinsunod sa Department Circular No. 20, na nagbibigay ng pagkakataon sa law enforcement agencies na buuin at palakasin ang kanilang kaso bago ito isumite sa prosecution. Ginawa ni Dato ang pahayag matapos tanungin kung bakit hindi kabilang sina Senator Alan Peter Cayetano at dating…

Read More

NCRPO naka-full alert sa Sept. 21 PWERSA NG PULISYA ITOTODO SA MAYNILA

NAKA-FULL ALERT status ang buong puwersa ng Philippine National Police–National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) simula alas-12:01 ng madaling araw sa Setyembre 19, 2026, bilang paghahanda sa paggunita sa deklarasyon ng Martial Law. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, mahigit 15,000 pulis ang ide-deploy sa Metro Manila upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa mga inaasahang kilos-protesta ng mga progresibong grupo. Ang deployment ay kaugnay ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law na inaasahang sasabayan ng mga malawakang pagkilos, kabilang ang mga protesta laban…

Read More

MERALCO NAGHATID NG TULONG SA MGA APEKTADO NG HABAGAT; MULING NAGPATUPAD NG BAWAS-SINGIL SA KURYENTE

MALASAKIT. Pinangunahan ni Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan (gitna) kasama si One Meralco Foundation President Jeffrey O. Tarayao (kanan) ang pamamahagi ng ayuda sa Apalit, Pampanga, isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng baha at malakas na ulan dulot ng habagat. Matapos ang halos isang buwan kung kailan nakaranas ng malakas na pag-ulan ang iba’t-ibang lugar sa bansa, personal na nagpunta si Manuel V. Pangilinan, ang Chairman at CEO ng Manila Electric Company (Meralco), para maghatid ng tulong sa kaniyang bayan na Apalit, Pampanga—isa sa mga lugar…

Read More

TESTIGONG WALANG DIREKTANG TESTIMONYA LABAN KAY VP SARA DUTERTE?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng debate sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang pagharap ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang bilang saksi ng prosekusyon. Para kay Atty. Salvador Panelo, hindi nakatulong sa panig ng prosekusyon ang naturang presentasyon dahil wala namang direktang sinabi si Cabotaje-Tang na nag-uugnay kay VP Sara sa an omang paglabag. Ngunit mahalagang linawin na ayon mismo sa prosekusyon, ang papel ng dating mahistrado ay magbigay ng legal framework tungkol sa unexplained wealth, SALN, public accountability at prohibited business interests.…

Read More

Hindi Lahat ng Baby, Baby Chair ang Kailangan

GEN Z ni LEA BAJASAN MAY mga bagay na kahit gaano mo kamahal, alam mong hindi lahat ng lugar ay para sa kanila. Ganoon dapat ang aso sa isang restaurant. Puwede silang isama kung pinapayagan. Puwedeng ituring na pamilya. Puwedeng tawaging “fur baby.” Pero sana naman, huwag nang ilagay sa high chair na para sa mga bata. Kamakailan, kumalat online ang larawan ng isang aso na nakaupo sa high chair sa isang Pizza Hut branch sa Market! Market! Marami ang nagtanong kung bakit napunta roon ang aso, lalo na’t ang…

Read More

DEFENSE SEC. TEODORO TAMA LANG IDEKLARANG PERSONA NON GRATA NG CHINA

TAMBULI ni JESSE RUIZ PARA sa mga kapatid nating Tsinito at Tsinita, mukhang tama lang talaga na ideklara ng komunistang gobyerno ng China, na persona non grata ang kalihim ng Department of National Defense ng Pilipinas. Ito naman kasing si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na halos araw-araw na binabakbakan ang China tungkol sa pag-angkin nila sa teritoryo ng Pilipinas, ay ilang ulit nang ipinahihiya ang mga singkit sa world stage, sa harap mismo ng foreign audience. Siyempre, nakabubwisit talaga na barahin at ipahiya ni Gibo sa harap ng mga…

Read More

3 TIMBOG SA P40.8M SHABU SA TAYTAY

TINATAYANG anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon, ang nasamsam ng magkakasamang pwersa sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan, Taytay, Rizal noong Setyembre 14. Tatlong suspek ang nadakma kabilang ang 31-anyos at 43-anyos na lalaki, at 32-anyos na babae, pawang nakatira sa nasabing lugar. Isang suspek pa ang kasalukuyang hinahanap makaraang makatakas sa operasyon. Bukod sa droga, nasamsam din mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at iba pang mga ebidensya. Isinagawa ang pagsalakay ng…

Read More

SANGGOL, 5 PA PATAY SA BUMULUSOK NA TRUCK SA BONTOC

PATAY ang isang sanggol at limang iba pa nang bumulusok pababa ang sinasakyan nilang truck noong Martes ng tanghali na malubhang ikinasugat ng 17 iba pa sa Sitio Jakap, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province. Ayon sa ulat, sakay ng isang Isuzu Elf truck ang 23 katao kabilang ang nasabing sanggol, nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito at nahulog sa may 50 hanggang 100 metrong lalim na bangin sa Talubin-Barlig Road. Ayon sa Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga nasawi si Theresa Walitan…

Read More

HVI ARESTADO SA P.3M SHABU

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) matapos nakumpiskahan ng humigit-kumulang P342,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang naarestong suspek na si alyas “Jigger”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) sa Barangay Sto. Nino 2, Dasmariñas City na…

Read More