NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi militarisasyon ang nangyayari ngayon sa Mindanao sa kabila ng pagde-deploy ng libo-libong sundalo kaugnay ng nakatakdang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary election. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walang katotohanan ang ulat na may nagaganap na militarisasyon sa BARMM. Sinabi ni Padilla na ang pagde-deploy ng mga puwersa sa lugar ay bahagi lamang ng election support ng AFP sa Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang…
Read MoreAuthor: admin 3
PUP-PANDI PORMAL NANG BINUKSAN
PORMAL na pinasinayaan ng Pandi local officials sa pamumuno ni Mayor Enrico Roque, ang pagbubukas ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Setyembre 7, 2026 sa nasabing bayan, na noon ay isang pangarap lamang ngunit ngayon ay naging katotohanan para sa mga mag-aaral dito. “Isang pangarap lang po ito noon. Pangarap na balang araw, magkaroon ang Pandi ng sariling pampublikong unibersidad kung saan mas maraming kabataang Pandieño ang mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, makapagtapos, at maabot ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Roque. Sinabi ni Roque, makasaysayan ang araw ng…
Read MoreMINERS SA QUEZON UMAASA NG TULONG MULA SA LGU
BUO ang pag-asa at tiwala ng small-scale miners at ng kanilang pamilya na magpapaabot ng agarang tulong at proteksyon sa kanilang kabuhayan si Quezon Governor Helen Tan at 3rd District Representative Reynan Arrogancia kasunod ng kamakailang operasyon ng mga awtoridad sa dalawang mining site sa bayan ng Buenavista. Sa kabila ng pangamba sa pansamantalang pagpapatigil sa mga minahan sa Sitio Mina, Barangay Bulo, nagkaisa ang mga minero at ang kanilang mga asawa na lumapit sa pamahalaang panlalawigan. Malaki ang tiwala ng komunidad na hindi sila pababayaan ng mga lokal na…
Read MoreDOJ ‘HANDS OFF’ SA POSIBLENG HOSPITAL ARREST NI ROMUALDEZ
HINDI makikialam ang Department of Justice (DOJ) sa magiging desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng posibleng hospital arrest ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, wala sa kanilang mandato ang panghimasukan ang anumang hakbang ng Ombudsman at Office of the Special Prosecutor sa mga kasong nasa ilalim ng kanilang supervision at control. “The Department of Justice defers to the wisdom of the Office of the Ombudsman, including the Office of the Special Prosecutor, with respect to any actions it may take…
Read MoreAMENDMENTS NI CAYETANO SA NUTRITION BILL, MAGPAPALAKAS SA MGA HAKBANG KONTRA STUNTING
MAS palalakasin ang pagtugon sa child stunting sa ilalim ng national nutrition program matapos tanggapin ang mga amendment ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa maagang pagtukoy, regular na monitoring at targeted intervention sa mga batang nasa panganib na maging stunted. Binasa sa Senate plenary nitong Lunes ang mga amendment ni Cayetano sa Senate Bill No. 2272 o ang “Expanded National Nutrition Program Act,” kasunod ng kanyang interpellation sa panukala noong nakaraang sesyon. Pinuri ni Senate President Sherwin Gatchalian si Cayetano sa kanyang pagsusulong laban sa child stunting.…
Read MoreKung wala nang tiwala SECURITY PWEDE BITIWAN NI SARA – TEODORO
“KUNG totoong wala na siyang tiwala sa kanyang security pwede niyang hilingin na i-withdraw na ito.” Ito ang naging posisyon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro hinggil sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na may banta sa kanyang buhay simula noong taong 2024 at sa umano’y pahayag ng bise presidente na wala siyang tiwala sa kanyang security. Ayon kay Sec. Teodoro, kung totoong nasabi niya (VPSD) na wala na siyang tiwala sa kanyang security ay pwede na niyang i-request na i-withdraw ito dahil ang pagbibigay ng security ay pribilehiyo…
Read MoreMAS MATIBAY NA HOME-SCHOOL PARTNERSHIP LUSOT SA KAMARA
LUSOT na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal ang Parent-Teacher and Community Associations (PTCAs) sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Ang House Bill No. 10768, pangunahing akda ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla at inendorso ng House Committee on Welfare of Children, ay naglalayong amyendahan ang Presidential Decree No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code. Ayon sa mambabatas, layunin nitong bigyan ang mga PTCA ng malinaw na basehang legal at tiyak na tungkulin sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata. Binigyang-diin…
Read More4 CHINESE NATIONALS ARESTADO SA CYBER FRAUD
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Chinese national na umano’y sangkot sa mga aktibidad ng cyber fraud, sa isinagawang intelligence-driven operation sa pinaghihinalaang ilegal na mga aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Muntinlupa City. Nag-ugat ang operasyon mula sa intelligence monitoring na isinagawa ng BI kaugnay ng mga ulat tungkol sa patuloy na operasyon na may kaugnayan sa POGO sa Montillano Street, Alabang, Muntinlupa City. Dahil dito, naglabas ng kautusan si BI Commissioner Joel Anthony M. Viado na nag-aatas…
Read MoreVOTING BASE SA CONVICTION SA IMPEACHMENT INUNGKAT NI TULFO
NAGHAIN ng manifestation si Senator-Judge Erwin Tulfo sa Impeachment Court upang talakayin ang voting threshold sa lalong madaling panahon kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. (DANNY BACOLOD) DAHIL hindi na natuloy ang pagharap ng iba pang testigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, inungkat ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang usapin sa voting base o threshold para sa conviction at acquittal. Sinabi ni Tulfo na sa nakalipas na 23 araw ng impeachment trial, mula sa 21 senador-judge ay 20 na lamang ang dumadalo sa mga…
Read More