IKINATUWA ng Department of Justice (DOJ) ang conviction laban sa tatlong akusado sa pamamaril kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Ito ay matapos hatulan ng Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 40 sa magkahiwalay na kaso kaugnay ng mga baril at pampasabog sina Joric Garrido Labrador, Joven Calibjo Javier at Benjie Rodriguez matapos mapatunayan ang kanilang pagkakasala ng lampas sa makatuwirang pagdududa. Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, hindi kailanman dapat manaig ang kawalan ng pananagutan laban sa katarungan. Pananagutin ng kagawaran ang sinomang lumalabag sa tuntunin ng batas.…
Read MoreAuthor: admin 3
URGENT MENTAL HEALTH ACTION SA MANILA PUBLIC SCHOOLS ISINULONG NG CITY COUNCIL
INAPRUBAHAN ng 13th City Council ang Draft Resolution No. 10115, isang panukalang mahigpit na humihimok sa Department of Education (DepEd) na ganap na ipatupad ang mga programa sa kalusugan ng isip na nakabatay sa mga pampublikong paaralan ng lungsod. Ang resolusyon, pangunahing isinulat ni Konsehal Luciano Lou M. Veloso, ay nananawagan para sa agarang pagpapatupad ng Republic Act No. 12080, nag-uutos sa pagtatatag ng mental health at well-being offices, gayundin ng mga care center sa mga institusyong pang-edukasyon para matugunan ang tumataas na alalahanin tungkol sa kapakanan ng mga mag-aaral.…
Read MorePOSIBLENG PAG-SUBPOENA KAY VP SARA IPINAUBAYA NG MALACAÑANG SA SENADO
IPINAUBAYA ng Malacañang sa Senado ang magiging desisyon sa kahilingan ng House Prosecution Panel na magpalabas ng subpoena upang pilitin si Vice President Sara Duterte na dumalo sa sarili niyang impeachment trial. Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng anunsyo ng prosekusyon nitong Martes na nais nitong hilingin kay VP Sara na dumalo sa pagdinig upang pagtibayin at kumpirmahin ang kanyang “allegation of innocence.” “Kung ‘yan ang nais ng prosecution at kung papayagan po ito ng Senado, nasa kamay na po…
Read MoreHospital arrest tatablahin ng Ombudsman ROMUALDEZ MAY KWARTO NA SA PNP-GH
MAY nakahanda nang kuwarto sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH) para kay dating House Speaker Martin Romualdez sakaling aprubahan ng Sandiganbayan ang kanyang paglipat mula sa Cardinal Santos Medical Center. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, kasunod ng mga inisyal na hakbang ng pambansang pulisya kaugnay sa posibleng paglilipat kay Romualdez. Ayon kay Co, nakikipag-ugnayan na rin ang mga doktor ng PNP sa mga doktor ng Cardinal Santos na patuloy na sumusuri sa kalagayan ng dating mambabatas. Hindi pa tiyak kung maisasampa ngayong Martes ang…
Read MoreSPEAKER DY, PINURI ANG MGA GURO SA PAGTAAS NG PISA SCORES NG PILIPINAS
BINATI ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga gurong Pilipino at mga school leader dahil sa magandang resulta ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), na aniya ay patunay na patuloy na umuusad ang edukasyon sa bansa sa kabila ng mga hamon sa sektor. Sa kanyang mensahe para sa National Teachers’ Month, sinabi ni Dy na nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na marka nito sa kasaysayan sa reading, mathematics, at science. “Sa pinakahuling PISA assessment, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nating scores sa reading, mathematics, at…
Read MoreLUMALALA KRISIS SA HAPAG NG PAMILYANG PINOY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI simpleng pagbabago ng mga porsyento ang nakaraang survey tungkol sa kahirapan kundi kwento ng milyun-milyong sikmura na kumakalam at mga pamilyang patuloy na iginagapang ang araw-araw na pamumuhay. Sa huling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Hulyo 4 hanggang Hulyo 11, lumabas na tumaas sa 39% ang self-rated poverty sa bansa mula sa 35% noong Marso 2026. Ang apat na porsyentong itinaas na ito ay nangangahulugan ng mahigit isang milyong pamilyang Pilipino ang nadagdag sa hanay ng mga itinuturing ang sarili…
Read MoreDAPAT BANG MAHARLIKA IPALIT NA PANGALAN SA PILIPINAS?
On the Level ni JUNEX DORONIO PAANO kung isang araw ay hindi na “Pilipinas” ang nakasulat sa ating pasaporte? Paano kung sa halip na Republic of the Philippines, ang mababasa natin ay Republic of Maharlika? O kaya’y Republika ng Malaya? Hindi ito simpleng pagpapalit ng pangalan sa isang dokumento. Ang pagpapalit ng pangalan ng isang bansa ay parang pagtatangkang palitan ang pangalan ng isang taong ilang siglo nang kilala ng buong mundo. May kasaysayan, emosyon, identidad at napakalaking gastusin itong kaakibat. Pero hindi masamang pag-usapan. Ang pangalang “Pilipinas” ay nagmula…
Read MoreEBIDENSYA, HINDI PARATANG ANG DAPAT MANAIG – ALBAY GOVERNOR NOEL ROSAL
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng kumakalat na mga alegasyon tungkol sa umano’y pagkakasangkot ni Albay Governor Noel Rosal sa jueteng at iba pang ilegal na pagsusugal, isang bagay ang dapat maging malinaw: ang paratang ay hindi katumbas ng pagkakasala. Mariing itinanggi ni Rosal ang anomang pagkakasangkot, partisipasyon, kaalaman o koneksyon sa illegal gambling sa Albay o saan mang lugar. Mahalagang pakinggan ang kanyang panig, lalo na’t ang isang pampublikong opisyal ay hindi dapat basta husgahan batay lamang sa mga pahayag na wala pang napatutunayang katotohanan. Hindi rin…
Read MoreNLEX, MMDA SANIB-PWERSA LABAN SA PAGBAHA
NAGTULUNGAN ang North Luzon Expressway (NLEX) at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang tugunan ang pagbaha sa pangunahing lansangan patungong Hilagang Luzon. Sa pahayag ng NLEX nitong Linggo, Setyembre 6, sinabi ng kumpanya na naglagay ito ng mga harang at nagsagawa ng sandbagging sa mga bahaging apektado ng baha bago pa man dumating ang malakas na pag-ulan dulot ng habagat. Pinalakas pa ang mga hakbang nang umapaw ang mga ilog sa paligid ng expressway. Naglaan din ang NLEX ng karagdagang heavy-duty pumping equipment sa pamamagitan ng pagrenta ng mga karagdagang…
Read More