TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang anomang uri ng intimidasyon ang maaaring makahadlang sa trabaho ng Senado para sa mamamayan. Ginawa ito ng Senate leader kasabay ng pagkondena sa pagtatangkang maghasik ng pananakot malapit sa Senado sa gitna ng State of the Nation Address ng Pangulo. Inatasan ni Gatchalian ang Office of the Sergeant-at-Arms na makipag-ugnayan sa Philippine National Police at sa Explosive Ordnance Disposal unit para sa pagsisiyasat sa natagpuang package malapit sa Senado na naglalaman ng improvised explosive device. Nanawagan din si Gatchalian sa PNP at…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa ikalawang regular na sesyon 5 PANGUNAHING USAPIN TUTUTUKAN NG SENADO
PORMAL na binuksan kahapon sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 2nd regular session ng 20th Congress bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (DANNY BACOLOD) LIMANG pangunahing usapin ang tututukan ng Senado sa ikalawang regular na sesyon ng 20th Congress upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng publiko. Sa kanyang opening speech, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na prayoridad ng Senado ang mga isyu sa presyo ng mga pangunahing bilihin, sahod, hanapbuhay, imprastraktura at transportasyon. Tiniyak ni Gatchalian na isusulong…
Read MoreRATINGS NINA PBBM, VPSD KAPWA NABAWASAN
PARA sa Malakanyang, ang pagbaba ng trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte sa pinakabagong OCTA Research Tugon ng Masa survey ay sumasalamin sa pananaw ng publiko sa kanyang naging kontribusyon sa pagtugon sa mga pangunahing suliranin ng bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinakikita rin ng survey na hindi tinatanggap ng publiko ang pahayag ni Duterte na propaganda lamang ng administrasyon ang impeachment case laban sa kanya. “The survey shows that the evidence presented in the impeachment trial is…
Read MoreMAXIMUM LEVEL SECURITY NI PBBM NANANATILI – PALASYO
MANANATILING nasa “maximum level” ang seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagsabog malapit sa Department of Justice (DOJ), ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Sa isang ambush interview bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA), inilarawan ni Castro bilang “alarming” ang insidente. “Yung operasyon na ‘yan, ibibigay ko na lamang sa security saka sa mga kapulisan at hindi ko pwedeng pangunahan kung anong mga balak nila. Pero siyempre kung ano man ang nangyayari dito, alarming ‘yun,” ani Castro. Dagdag…
Read MoreKambal na IED sa DOJ at Senado ‘PASABOG’ SA IKA-5 SONA NI MARCOS JR.
(JULIET PACOT) NAGKAROON ng pagsabog ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon. Bandang alas-12:17 ng madaling araw nang mangyari ang pagsabog sa tapat ng entrance ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila. Ayon sa DOJ, hinihinalang dulot ito ng isang improvised explosive device (IED). Agad na rumesponde ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit upang magsagawa ng technical examination sa lugar. Bagama’t walang naiulat na nasawi o nasugatan, sinabi ni Manila Police District (MPD) Spokesperson Police Major Philip…
Read MoreOne Meralco Foundation Naghatid ng Tulong at Liwanag sa Maraming Komunidad sa Bansa
Pinagunahan ni OMF President Jeffrey O. Tarayao kasama si Meralco Assistant Vice President Head of Home and Microbiz- North Business Area Alleni O. Pascual ang turnover ceremony para sa pagpapailaw ng 300 kabahayan sa Barangay Bulilan Norte, Pila, Laguna. Sa loob ng maraming taon, maraming pamilya sa liblib na komunidad ang natutong mamuhay na walang maayos na serbisyo ng kuryente bagay na nilalayong solusyunan ng One Meralco Foundation (OMF). Dahil sa mga programa ng OMF, ang corporate social responsibility unit ng Meralco na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, naging…
Read MoreMAHIRAP LUNUKIN PAGKAIN NA GALING SA PONDO NG BAYAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG may isang bagay na hindi nauubusan sa pulitika sa Pilipinas, iyon ay ang kakapalan ng mukha at mga nakatatawang plot twist. Imagine, nasa gitna ka na ng impeachment trial, pero ang pangunahing alalahanin mo tila hindi ang iyong legal strategy, kundi kung sino ang magbabayad ng buffet. Nang pumutok ang balitang humihiling ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (OVP) na sagutin ng Senado ang catering service, pagkain, at inumin ng buong defense team, support staff, at mga testigo—marami ang napakamot ng ulo. Si House Senior Deputy…
Read MoreISKO PINURI NG KONSEHO SA GLOBAL HONOR NG MAYNILA
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon na madalas nating marinig ang balita tungkol sa trapiko, baha, krimen, at iba pang suliranin ng mga lungsod, nakapagbibigay ng pag-asa ang mga pagkakataong kinikilala ang isang lokal na pamahalaan dahil sa mahusay nitong pamamahala at paggamit ng makabagong teknolohiya. Kaya naman hindi kataka-taka na nagkaisa ang Ika-13 Konseho ng Lungsod ng Maynila sa pagpasa ng isang resolusyon na nagbibigay-pugay kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos tanghaling recipient ng 2026 Esri Special Achievement in GIS (SAG) Award ang Lungsod ng Maynila.…
Read MoreVP SARA AT DATING SEN. MANNY PACQUIAO, HATAW SA SURVEY
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING naging usap-usapan ang inilabas na pinakahuling Pulse Asia preference survey para sa nalalapit na halalan. Ipinakita ng resulta na nananatiling mahalaga sa mga Pilipino ang pagpili ng mga lider na may malawak na karanasan at napatunayang serbisyo. Sa senatorial preference survey, kabilang sa mga nangungunang pangalan si dating Senador Manny Pacquiao, patunay na nananatili ang tiwala ng publiko sa kanya. Hindi kataka-taka ang patuloy na suporta kay Pacquiao dahil bukod sa pagiging pambansang kampeon sa boksing, nagsilbi rin siyang senador na nagsulong ng iba’t…
Read More