KURYENTE: KAPAG NANGUNA ANG BINTANG NI LACSON KAYSA EBIDENSYA

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MULA sa “Ghost Projects” hanggang Reclamation: Ang imbestigasyon ba ay naging politikal na ganti na? May isang salita sa Pilipinas para sa pagtanggap ng impormasyong lumalabas na kulang, o sadyang mali: nakuryente. Sa larangan ng mamamahayag, nakahihiya ito dahil nasisira ang kredibilidad kapag inuuna ang paglalathala bago ang beripikasyon. Sa politika, mas matindi ang maidudulot nitong pinsala. Buong sipag na itinayo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang reputasyon sa paninindigang hindi siya nagsasalita nang walang “resibo.” Subalit ang lumalala niyang kampanya laban sa Taguig…

Read More

SERBISYO SA TARLAC: TULONG NGAYON, PAGHAHANDA PARA SA KINABUKASAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang komunidad, hindi lamang nasusukat ang serbisyo ng pamahalaan sa mga gusali at proyekto. Mas mahalaga kung paano nito natutugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan—lalo na ang mga nangangailangan ng tulong sa kalusugan at kabuhayan. Sa Tarlac City, 179 Tarlaqueños ang nakatanggap ng financial assistance para sa maintenance medicines, hospital bills, laboratory expenses, therapy, chemotherapy, burial assistance at iba pang pangangailangang medikal. Kasabay nito, 41 benepisyaryo ang nabigyan din ng medical assistance. Mahalaga ang ganitong tulong dahil may mga pamilyang kailangang harapin ang…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS AT PEDESTRIAN SUGATAN

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas at isang babaeng tumatawid sa kalsada matapos masagasaan ng motorsiklo ang huli at bumangga sa isang Toyota Corolla sa Governors Drive, Barangay Poblacion 1A, Ternate, Cavite, Sabado ng gabi. Kinilala ang motorcycle driver na si alyas Ricky at angkas nitong si alyas Jomar. Kapwa si;a isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Ricky dahil sa malalalang sugat sa katawan. Samantala, isinugod naman sa Tanza Doctors Hospital ang babaeng tumatawid na si alyas Nice, na patuloy…

Read More

GINANG PATAY, 2 PA SUGATAN SA PICK-UP TRUCK

PATAY ang isang 29-anyos na ginang habang dalawa pa ang malubhang nasugatan kabilang ang 2-anyos na paslit, matapos mahagip ng pick-up truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa bayan ng Sta. Barbara, sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa paunang imbestigasyon ng Sta. Barbara PNP, lulan ang mga biktima ng tricycle na minamaneho ng 24-anyos na security guard, nang salpukin sila sa likurang bahagi ng pick-up truck na minamaneho naman ng 38-anyos na sales agent bandang alas-4 ng madaling araw sa Barangay Tebag West. Dahil sa lakas ng impact, nawalan ng kontrol…

Read More

PCG sa pagtaboy sa Chinese research vessel CHINA NOTORYUS SA PAGPUTOL NG SUBSEA CABLES

ITO ang dahilan kung bakit nag-deploy ang Philippine Coast Guard ng patrol vessel at eroplano para paalisin ang JIA HAI KE 7, na hinihinalang nagsasagawa ng hindi awtorisadong marine scientific research sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, “Itong Chinese research vessel na ito, kaya ito concerning is because it has the capability to locate some sea cables.” “Ibig sabihin, underneath sa karagatan. itong critical infrastructure natin, ‘yung sub-sea cables which is our national interest concerning telecommunications,…

Read More

ERWIN TULFO: MAGPLANO, MAGLAAN NG PONDO SA BANTA NG “SUPER EL NIÑO”

NANAWAGAN si Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairman Erwin Tulfo sa pamahalaan na agad maglatag ng konkretong plano at maglaan ng sapat na pondo upang mapigilan ang posibleng malawakang epekto ng nagbabantang “Super El Niño,” kabilang ang matinding tagtuyot, pagtaas ng presyo ng pagkain at pagkalugi ng kabuhayan. Ayon kay Tulfo, hindi na dapat hintayin pang lumala ang sitwasyon bago kumilos ang pamahalaan, lalo’t ipinapakita ng datos ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P6.87 bilyon ang pinsala sa agrikultura na nakaapekto sa 223,214…

Read More

LCSP: NCAP NG MGA LGU HUWAG MUNANG IPATUPAD

NANAWAGAN ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) sa mga local government unit (LGU) sa Metro Manila na magsagawa muna ng public consultation bago ipatupad ang kani-kanilang No Contact Apprehension Policy (NCAP). Sa pamamagitan ng founder nitong si Atty. Ariel Inton, kinuwestiyon ng LCSP ang muling pagpapatupad ng NCAP ng ilang LGU sa Metro Manila gayong mayroon nang umiiral na traffic enforcement system ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Inton, nagkaroon ng kalituhan matapos i-dismiss ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukuwestiyon sa NCAP ordinances ng ilang…

Read More

GLENDA DELA CRUZ, EXCITED NANG GAMITIN MGA NATUTUNAN SA HARVARD SCHOOL

EXCITED na si Glenda Dela Cruz, chief executive officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na gamitin ang mga natutunan niya mula sa anim na araw na intensive program sa Harvard Business School. Natapos kamakailan ng CEO, na kilala rin bilang Miss Glenda, ang Strategic Marketing for Driving Growth program, kung saan hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at lider mula sa iba’t ibang bansa, industriya, at background. “Hindi lang ako umuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally,…

Read More

KATIWALIAN SA HUDIKATURA AGAD ISIWALAT – SC

HINIMOK ni Acting Chief Justice Marvic Leonen ang mga korte at kawani ng hudikatura na agad iulat ang anomang insidente ng graft at corruption upang mapanatili ang integridad at tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya. Nagbabala si Leonen na ang pananahimik o pagbubulag-bulagan sa harap ng katiwalian ay maaaring magpalala sa kawalang-katarungan, lalo na para sa mga mahihina at walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili. Binigyang-diin ni Leonen na bawat akto ng korupsyon ay pumapabor sa mga makapangyarihan at mayayaman, habang higit na napag-iiwanan ang mga mahihirap. Dahil dito,…

Read More