INAASAHAN na ng Philippine National Police ang dagsa ng mga raliyista sa darating na Labor Day, kasabay ng paghahanda para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang taunang kilos-protesta ng mga manggagawa. Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panawagan para sa malawakang pagkilos sa Mayo Uno 2026, kung saan igigiit ang dagdag-sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon, at aksyon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at langis. Ayon kay Jerome Adonis, Chairperson ng KMU, tuloy ang pagkilos para ipaglaban ang karapatan ng manggagawa at magsasaka sa gitna ng lumalalang…
Read MoreAuthor: admin 3
4 SUSPEK SA HOLDAP, SNATCHING IPRINISINTA SA MAYNILA
INIHARAP kay Mayor Isko Moreno ang apat na suspek sa magkakahiwalay na insidente ng panghoholdap at snatching sa Maynila. Kabilang sa mga naaresto si alyas Cesar, 19, na isa sa mga suspek sa pananaksak sa isang truck driver noong Abril 25. Ayon sa ulat, tinangka umano ng suspek at ng kasama nitong si Aldrin, 25, na holdapin ang driver na humantong sa pananaksak. Sa tulong ng kumalat na video footage, agad na naaresto si alyas Cesar kinabukasan. Naaresto rin noong Abril 22 ang isang menor de edad matapos i-post sa…
Read MoreDSWD NAGBIGAY NG PANSAMANTALANG TIRAHAN SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA QC
TUMANGGAP ng transitory shelter assistance (TSA) ang mga pamilyang nasunugan sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City sa ilalim ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong noong Abril 24 upang matulungan ang mga apektadong pamilya na makalipat sa ligtas at maayos na tirahan habang sila ay wala pang permanenteng bahay. Sa ilalim ng programa, sasagutin ng pamahalaan ang gastos sa upa ng mga benepisyaryo sa loob ng anim na buwan, sa pakikipagtulungan sa Quezon City local…
Read MoreBARANGAY AT SK ELECTIONS MULING IPINAUURONG
ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na muling magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections Alinsunod sa Senate Bill 2067, nais ni Marcos na maiurong ang eleksyon sa October 2027 na nakatakda ngayong Nobyembre. Nangangamba si Marcos na posibleng maraming hindi makaboto sa Nobyembre dahil hindi makauwi sa kanilang mga lalawigan bunsod ng mataas na pamasahe at presyo ng mga bilihin. Ipinaliwanag ng senadora na kasunod ang eleksyon ng paggunita ng Undas na mahalaga para sa mga Pinoy pero posible rin anyang hindi na muna gastusan dahil sa hirap…
Read MoreDA NAGLATAG NA NG HAKBANG LABAN SA BANTA NG EL NIÑO
NAGLATAG na ang Department of Agriculture (DA) ng mga kongkretong hakbang upang matugunan ang banta ng El Niño at maprotektahan ang sektor ng agrikultura laban sa epekto ng matinding init at kakulangan sa tubig. Sa press briefing sa Malacañang nitong Lunes, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi na bago sa bansa ang El Niño kaya maagap nang kumikilos ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto nito sa mga magsasaka at suplay ng pagkain. Ayon kay Castro, inatasan na ng DA ang National…
Read MoreWALANG ‘PREMATURE’ SA ANUNSYO NI PBBM UKOL KAY ZALDY CO — MALACAÑANG
IGINIIT ng Malacañang na walang “premature” sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co na napaulat na nahuli sa Prague. Nauna nang iniulat na si Co ay naharang ng mga awtoridad sa Czech Republic. Tinanong ng mga mamamahayag si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kaugnay ng umano’y hindi beripikadong impormasyon na ibinahagi ng Pangulo tungkol sa kalagayan ni Co. “Ano ba ang inanunsyo ng Pangulo? Hindi ba ang inanunsyo ng Pangulo na, unang-una, ay nahuli si Zaldy Co—totoo naman;…
Read MoreCIDG-NCR INABSWELTO NG PNP SA E-SABONG RAID
NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng CIDG-NCR kaugnay ng anti-e-sabong operation sa Coliseo de Manila noong Marso 24. Ito ay matapos magreklamo ang pamunuan ng cockpit arena hinggil sa umano’y pagnanakaw ng mga operatiba. Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, ang nakita sa CCTV na kinuha ng undercover operative ay isang betting ticket na bahagi ng ebidensya sa entrapment operation. Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng 170 indibidwal, kabilang ang 130 mananaya. Sinalakay ang lugar dahil sa hinalang may operasyon ng e-sabong at posibleng koneksyon sa negosyanteng si…
Read MoreMERALCO, BINIGYANG LINAW ANG MGA SINGIL NA MAKIKITA SA BILL NG KURYENTE SA GITNA NG KUMAKALAT NA MGA MALING IMPORMASYON
Binigyang linaw ng mga opisyal ng Meralco (L-R) na sina Head of Utility Economics Lawrence Fernandez, Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, at Head of Tariff Management Roderick Dennison Nacu ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente. MAYNILA, PILIPINAS, 27 ABRIL 2026 – Binigyang linaw ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente para matulungan ang mga customer na mas maunawaan ang mga ito sa gitna ng kumakalat na mga maling impormasyon sa social media tungkol dito. Makikita sa bill ng kuryente…
Read MoreMGA ILEGAL NA MINIMINA SA ATING LIKAS NA YAMAN
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANYARE na raw sa illegal mining ng black sand sa San Marcelino at Botolan, Zambales, may kinasuhan na ba ang DENR tungkol dito? Ginagamit kasi ang black sand sa pag-extract ng ginto, iba pang mineral, bukod sa ginagamit ito na sangkap sa paggawa ng steel, sabi sa pag-aaral. Ang kumalat na balita, nagamit ang black sand at iba pang uri ng buhangin sa pagtatayo ng military at naval bases ng China sa Spratlys, at hindi na sekreto kung sino ang nagkamal ng milyong-milyong dolyar…
Read More