3 ARAW NA PIG HOLIDAY KASABAY NG MALAWAKANG PROTESTA NG 800 HOG RAISERS

ISANG mapayapang protesta ang isasagawa ng tinatayang 800 hog raisers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) ngayong Biyernes, Oktubre 23, 2026, upang igiit ang agarang aksyon ng pamahalaan sa patuloy na pagkalugi ng lokal na industriya ng pagbababuyan. Pangungunahan ni Agap Party-list Representative Nicanor Briones ang protesta, na inaasahang susuportahan din ng 15 departamento ng pamahalaan upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa nito. Ayon kay Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang pagkalugi ng mga lokal na hog raiser. Mula…

Read More

GCASH PARENT MYNT, NAGSIMULA NANG MAG-TRADE SA PSE

PORMAL nang nagsimulang mag-trade sa Philippine Stock Exchange (PSE) nitong Miyerkules, Oktubre 21, ang Mynt, parent company ng GCash, sa isang mahalagang hakbang para sa digital finance industry at capital markets ng bansa. Sa ilalim ng ticker symbol na GCASH, nagbukas ang kompanya sa presyong P6.60 kada share, katumbas ng humigit-kumulang P442 bilyong market capitalization. Nakalikom ang Mynt ng humigit-kumulang P53 bilyon sa initial public offering (IPO) nito mula sa pagbebenta ng 8.03 bilyong shares sa presyong P6.60 bawat isa. Kung maisasama ang overallotment option na 1.20 bilyong secondary shares,…

Read More

MGA ESTUDYANTENG SAKSI SA STABBING SA ESKWELAHAN SA LAGUNA, BIBIGYAN NG PSYCHOLOGICAL SUPPORT

TINIYAK ng San Pablo City Science Integrated High School ang pagbibigay ng angkop na interbensyon at psychosocial support sa mga mag-aaral na nakasaksi sa insidente ng pananaksak ng Grade 7 student sa kanyang kaklase noong Lunes, Oktubre 19. Sa opisyal na pahayag ng pamunuan, makikipagtulungan ang paaralan sa mga kinauukulang tanggapan at mga professional upang matulungan ang mga direktang sangkot at sinomang nakararanas ng pangamba o pagkabalisa dahil sa insidente. Binigyang-diin ng pamunuan na nananatiling pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan, kapakanan, at dignidad ng bawat mag-aaral. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA 69-ANYOS NA CARETAKER ARESTADO

NADAKIP na ng mga awtoridad sa suspek na hinihinalang pumatay sa isang 69-anyos na tagapangalaga ng lupa sa Sitio Igiban, Barangay Cupang, Antipolo City. Natuklasan ang walang buhay na biktima na si Wilfredo noong Oktubre 19, 2026, bandang alas-9 ng umaga, na may mga sugat sa leeg at tiyan at nasa kalagayan na ng pagkabulok. Opisyal na iniulat ang insidente sa Antipolo Component City Police Station bandang alas-2:40 ng hapon ng nasabing araw. Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iisa ang biktima sa tirahan at nagtatrabaho bilang tagapangalaga ng nasabing ari-arian. Lumabas…

Read More

Nagturuan sa celebrity chef robbery 2 HEPE AT PD NG RIZAL, PINAIIMBESTIGAHAN

IPINAG-UTOS ng Police Regional Office 4A (PRO4A) ang imbestigasyon sa umano’y pagkukulang sa nangyaring pagnanakaw sa celebrity chef na si Myke Sarthou o Chef Tatung. Nag-ugat ang reklamo ni Chef Tatung makaraang magturuan ang mga pulis ng Baras Municipal Police Station at Antipolo Component City Police Station. Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Allen Rae Co, inatasan ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na i-account ang mga naging aksyon ng kanilang mga tauhan. Nabatid na nilooban ang bahay ng celebrity chef noong Setyembre 25, at nawalan ng mga kasangkapan…

Read More

4 NA LUGAR NASA SIGNAL NO. 1 SA PAGPASOK NG ST ROSAL

PINAIGTING ng Office of Civil Defense (OCD) at iba pang ahensya na kabilang sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal (international name: Champi), matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Nakataas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Northern at Southern Luzon, batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon sa weather forecast ng PAGASA na ibinahagi sa NDRRMC, nasa loob na ng PAR si…

Read More

NASA 26,000 PULIS IDEDEPLOY SA NCR PARA SA UNDAS 2026

TINATAYANG 26,000 pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas 2026. Ayon kay Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, officer-in-charge ng NCRPO, bahagi ng paghahanda ang paglalagay ng mga pulis sa mga sementeryo, memorial park at columbarium sa buong rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita. Kasabay nito, pinaghahandaan na rin ng NCRPO ang ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na nakatakdang idaos sa Nobyembre 16 hanggang 18. Ayon kay Abrahano,…

Read More

BAGONG PCG COMMANDANT OPISYAL NANG NANUNGKULAN

OPISYAL nang nanungkulan si Vice Admiral Rommel A. Supangan bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos siyang italaga at panumpain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pinalitan ni Supangan si retired Admiral Ronnie Gil Gavan, na nagretiro na bilang ika-30 commandant ng PCG. Isinagawa ang change-of-command ceremony sa punong himpilan ng PCG sa Port Area, Maynila, kung saan binigyang-diin ang pagpapatuloy ng tungkulin ng ahensya sa pangangalaga sa mga baybayin ng bansa at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad sa karagatang sakop nito. “Today’s ceremony marks not only the…

Read More

DIZON UMILING SA 2028 ELECTION BID

MULING itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga espekulasyong tatakbo siya sa halalan sa 2028, at iginiit na ang madalas niyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ay para matiyak ang pagkumpleto ng mga naantalang imprastraktura, hindi para sa publicity o pangangampanya. Ayon kay Dizon, hindi rin layunin ng kanilang pag-iinspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez na makakuha ng atensyon ng publiko, kundi matiyak na matatapos ang mga proyektong matagal nang hindi nakukumpleto. “Kami ni Sec. Banoy, hindi naman kami politiko…

Read More